Chapter 37: Queeny

33.5K 616 37
                                    

Queeny's POV

Habang nakatingin ako kay Uno na nakahawak sa kamay ni Shane, at si Shane naman kay Jed, sigurado na ako na mawawala na siya sa'kin. Nangyari na ang kinatatakutan ko. Bumalik na ang ala-ala niya at si Shane na ang gusto niyang makasa. Kahit na gumawa pa ako ng paraan para maawa siya sa'kin at balikan niya ako, hindi na niya ako babalikan.

"We have to stop them Queeny." Sabi ni Tita sa'kin.

"No Tita. Let them be. Bumalik na ang ala-ala ni Uno."

"May magagawa pa tayo. Hindi k apwedeng sumuko Queeny. You are my daughter now."

"Kahit na ayaw ko pang sumuko Tita, tapos na ang lahat. Isang malaking pader na ang kaharap."

Masama na ang tingin ng mga bisita sa'min, lalo na sa'kin. Nabubulong-bulungan sila at alam kong kinakaawan nila akong lahat ngayon. I did not mind them. Patuloy lang ang mga mata ko sa pagtitig kina Uno at Shane kahit na nasasaktan na ako. Hanggang sa tuluyan na nga silang lumabas ng simbahan kasama si Chandrielle. Wala akong ginawa dahil wala na akong magagawa.

Nagsialisan na ang mga bisita hanggang sa kami nalang ni Tita, mga magulant ko at si Jed ang natitira sa loob. Walang nagsasalita sa'min at tanging huni lang ng mga ibon nagliliparan sa loob ng simbahan ang naririnig namin. Binigyan ako ni Jed ng huling titig saka siya humakbang palabas ng simbahan.

"Anong ibig sabihin nito?" Tanong ni Mommy sa'kin.

"He remembers everything. Bumalik na ang ala-ala niya." I answered habang pinipigilan ko ang mga luha ko.

Dahil sa sobrang pagmamahal ko kay Uno, pinakiusapan ko sila Mommy na magsinungaling kay Uno. It was my choice, and now I'm suffering dahil sa maling ginawa ko.

"This is all your fault!" Sigaw ni Mommy kay Tita. "You have to fix this mess. Pinahiya mo ang pamilya namin lalong-lalo na ang anak ko!"

"Ginusto niyo rin ang anak ko para kay Queeny kaya pare-pareho lang tayong may kasalanan dito." Sagot ni Tita.

"Kasalanan mo ang lahat! We cancelled the arrangement pagkatapos naing malaman na may anak si Un osa iabng babae but you assured us na magiging okay ang lahat. Kasalanan mo 'to!" Sigaw ulit ni Mommy.

Naging mabilis ang sumunod na pangyayari. Sinugod ni Mommy si Tita saka niya hinila ang mga hibla ng mga buhok ni Tita. With just a matter of nanosecond, she already pinned Tita down on the floor.

"Mom! Stop it! Don't do it Mom!"

"Hon! Relax!"

Agada kong sumaklolo kay Tita at inawat naman ni Daddy si Mommy.

"Let me go! Kailangan kong kalbuhin ang babaeng 'yan pagkatapos nang ginawa niya sa pamilya natin!" Sigaw ni Mommy habang nakahawak si Daddy sa magkabilang braso niya.

"Tita are you okay?" Tanong ko sa kanya saka ko siya tinulungan na makaupo sa sahig. Gulong-gulo ang buhok ni TIta at alam kong hindi siya okay.

"I'm o-kay!" Sagot niya habang hinahabol niya ang hininga niya.

"Mom! Dad! Ako ang may kasalanan ng lahat. Hindi ako pinilit ni Tita na gawin 'yon. It was my choice. Mahal ko si Uno at ginawa ko lang ang lahat para sa kanya." I explained to them. "ALam kong hindi niya ako mahal pero still, I tried. Umasa ako na baka mamahalin niya ako. Ako dapat ang awayin mo Mom."

I did everything para makuha ang pagmamahal ni Uno and I regret nothing kahit na nasaktan ako.

"I'll take you home Tita!" I told her. Tutulungan ko na sana siyang tumayo nang makita kong nahihirapan siyang huminga. Nakahawakan lang siya sa kaliwang dibdib niya. And I know what's happening to her.

HGHM2: Memories of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon