Chapter 21: Hallucinations

34.9K 611 119
                                    

Si Uno.

Sa lahat ng mga tao sa paligid namin, siya pa ang nahagip ng mga mata ko. Ipinikit ko ang mga mata ko saka ako dumilat ulit pagkatapos ng dalawang segundo. Pero bigla nalang siyang naglaho sa paningin ko na parang bula.

Totoo ba iyong nakita ko? O ilusyon ko lang?

Tumingin-tingin pa ako sa paligid sakaling makita ko si Uno pero wala na siya. Hindi ko na siya nakitang muli. Imposible naman siguro na bigla na lang siyang mawala.

"Ilusyon ko lang talaga." Mahinang sambit ko.

"Hindi ilusyon ang lahat ng ito Shane. This is real. I am real."

Saka lang ako bumalik sa ulirat ko pagkatapos magsalita ni Jed. Muntik ko ng makalimutan na nasa kalagitnaan ako ng proposal ni Jed.

Say yes!

Say yes!

Say yes!

Naghiyawan ang mga tao habang hinihintay nila ang sagot ko.

"Ma'am Shane. Ano po iyong sagot niyo? Kanina pa po naka luhod si Sir Jed." Bulong ni Christian sa'kin.

Bigla na lang akong nakaramdam ng pressure pagkatapos sabihin ni Christian iyon. They are expecting me to say yes. At alam ko, Jed is expecting me to say yes. Kinulit ko siya noon kung bakit hindi pa siya nag po-propose sa'kin. Pero ngayon na andito na kami, bigla akong nakaramdam ng uneasiness. 

"Shane?" Tanong ni Jed sa'kin to make sure na buhay pa ako dahil matagal akong hindi nagsalita.

"Jed! Sa totoo lang matagal ko ng hinintay 'to. Pero ngayong andito na, I don't know what to say. Hindi ko alam kung paano mag react. Pero you've been so good to me. Minahal mo ako ng sobra. At dapat lang na suklian ko ang pagmamahal na binigay mo sa'kin. Hindi lang naman pagmamahal ang binigay mo sa'kin. Binigyan mo ako ng pangalawang buhay. Yes Jed! I will marry you!"

*clap* *clap* *clap*

Pagkatapos kong sabihin iyon, ang daming sumabot ng confetti. Masayang-masaya ang mga tao sa loob ng hall na para bang nanonood sila ng isang magandang palabas.

"Thank you Shane. I will you longer than forever. I promise you that." Sambit ni Jed saka niya sinuot sa left ring finger ko ang singsing.

Tinulungan ko siyang tumayo saka ko siya niyakap ng mahigpit.

"Mamahalin din kita hanggang sa huling hininga ko." I told him.

Pagkatapos kong sabihin iyon, bigla na lang akong nakarinig ng mga paputok.

"Ano iyon?" I asked him.

"My mini gift sa'yo at sa lahat ng taong tumulong sa'tin."

Magkahawak kamay kaming lumabas ni Jed sa hall patungo sa may railings ng cruise. Sobrang daming fireworks. Ang ganda. Sobrang ganda.

Nakatitig lang ako sa mga lumilipad na makukulay na ilaw sa kalangitan sa loob ng limang minuto. Ganun din naman ang mga tao. 

It was the best night for me and Jed. Pero kahit na ganun, hindi ko pa rin maitatago na may bumabagabag sa damdamin ko.

-HGHM-

Nagpatuloy ang ball sa loob ng hall. Kami ni Jed katatapos lang mag dinner. He was very happy. Kitang-kita ko sa mga mata niya.

"Are you okay? Parang may iniisip ka?" He asked me.

"Wala naman. Medyo overwhelmed pa rin. Di pa ako makarecover." I told him.

"Ako rin."

"Excuse me lang Jed. Pupunta lang akong rest room." 

Tumango lang siya saka ko tumayo at dumeretsong rest room. Nakaharap ako sa salamin habang tinititigan ang repleksyon ko.

"Tama ba itong ginagawa ko?"

Sinasabi ng isip ko na tama ang desisyon ko, na masaya ako. Pero parang may humahatak sa'kin at sinasabing mali. Dahil nagpapanggap ako. Nagpapanggap ako sa sarili ko at kay Jed.

Inayos ko ang buhok ko at nag retouch ng make up ko bago ako lumabas. Pabalik na ako sa table namin ni Jed ng bigla ko nalang nakita ang isang pamilyar na lalaki palabas ng hall. Nakatalikod siya pero sa tingin ko si Uno iyon.

Kailangan kong malaman kung andito ba talaga siya o guni-guni ko na naman ang lahat kaya sinundan ko siya.

Nasa labas na ako ng hall nang makita ko siya na paakyat sa second floor kaya dumeretso ako don. Hanggang sa umakyat ulit siya sa third floor at sumunod pa rin ako. Pero gaya nang naunang pangyayari, bigla na naman siyang naglaho sa paningin ko.

"I think I'm hallucinating. This is not good. Baka sa sobrang stress lang 'to." I whisper to myself.

Tumalikod ako para bumaba na sana nang bigla ko nalang narinig ang boses ni Uno.

"Looking for me?" Tanong niya.

Nakasteady lang ako sa kinatatayuan ko saka ako ngumiti. Nababaliw na talaga ako. Kanina nakikita ko siya ngayon naman naririnig ko na siyang nagsasalita.

"I'm really going crazy." I told myself.

Humakbang ako ng isang beses pero binanggit niya ang pangalan ko.

"Shane!"

Wala akong ibang nagawa kundi ang lumingon saka ko siya nakita. Lumapit ako kay Uno saka ko hinawakan ang pisngi niya just to make sure na hindi ako nag ha-hallucinate.

"Totoo nga." Bulong ko sa sarili ko.

"Congratulations!" Sambit niya pero binigyan ko lang siya ng question mark face ko.

"Engaged na kayo." Pagpapatuloy niya.

"Thanks."

"Gusto ko lang sabihin na masaya ako para sa inyo." He stated then stopped for a while para huminga ng malamin. "Gusto kong sabihin iyon. Pero bakit ganito? Parang ang bigat bigat sa pakiramdam. Nakita ko kayo kanina. Dapat matuwa ako dahil kahit papano naging magkaibigan naman tayo. Pero magsisinungaling lang ako kung sasabihin ko iyon. Sino ka ba talaga Shane?"

Lumayo ako ng dalawang hakbang kay Uno.

"Bakit ganito na lang ang epekto mo sa'kin? Bakit ba nahihirapan ako sa tuwing nakikita kitang masaya kay Jed? Hindi naman tayo magkakilala diba? Pero nong nakasama kita sa business trip natin, hindi na ako nakakatulog sa gabi nang hindi ka naiisip. Sa pagising ko, ikaw ang unang pumapasok sa isipan ko. Bakit ganun? Bakit pakiramdam ko gusto kita?"

Gusto kong mawala na lang na parang bula pagkatapos kong marinig iyon mula kay Uno. He's making me sway again. Gusto kong tumalon sa cruise para matapos na lahat ng bigat na dinadala ng puso ko. Sana nga kainin na lang ako ng mga pating ngayon. Mas madali iyon.

"Bakit sinasabi ng puso ko na mahal kita? Bakit ganun? Hindi ko maintindihan! Ipaliwanag mo sa'kin Shane!"

Bigla na lang tumulo ang luha ni Uno. Umiiyak siya. Nasasaktan siya. Mas lalo lang akong nasaktan habang nakikita ko siyang umiiyak.

Gusto ko ng tumigil Gusto ko ng sumuko. Gusto ko ng sabihin sa kanya ang lahat. Gusto kong sabihin sa kanya na mahal ko pa rin siya.

Ano bang dapat na gawin ko?

----------------

AN: Ang landeee ni Shane! Kainis! Hahhahahahaha. Ano daw dapat gawin ni Shane? Hahahahahhahahaha :D Thank you sa support everyone. Mahal na mahal ko talaga kayo :D hehehe. For dedications comment below :D

HGHM2: Memories of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon