It has been a month since Queeny and I last met. Pagkatapos niya akong ihatid sa bahay I decided na kalimutan na lang sila. Magiging madali ang lahat kung hindi ko na sila makikita pa. I should move on with my life.
Isang buwan ko na ring hindi nakikita si Uno at si baby Chan. Unti-unti, nawawala na ang sakit sa braso ko habang lumilipas ang mga araw at kasabay nito ang unti-unti na nawawalang sakit sa puso ko na dulot nina Uno.
*tok* *tok*
"Come in." I said.
"Are you ready?" Jed asked me.
Ngumiti ako sa kanya saka ako tumango at sinabing "Ready."
"Good. Ano pang hinihintay natin. Let's go!" Jed exclaimed.
Kagabi pa ako excited pagkatapos sabihin ni Jed sa'kin na magbabakasyon kami. Kahit na hindi ko pa alam kung saan talaga kami pupunta, excited na excited pa rin ako. I needed this vacation with Jed.
Pakiramdam ko kasi maraming nagbago pagkatapos naming dumating ni Jed sa Pilipinas. Kahit na halos araw-araw kaming magkasama at nagkikita, parang lumalayo ako sa kanya at parang di na niya ako naaabot dahil sa sobrang pag-iisip ko kay Uno.
Pakiramdam ko nga, mas lalo pang lumala ang lahat nong nagsama kami sa business trip. Akala ko makakatulong iyon pero mas lalo lang pinalala ang sitwasyon ko dahil sa mga nangyari.
Pero it's never too late to move on. At ngayon, I'm just praying that everything will turn out the way I want it. Gusto ko lang ma enjoy namin ni Jed ang bakasyon namin. I deserve it at mas lalong he deserves it.
Umakyat si Christian sa kwarto ko para kunin ang mga gamit ko papunta sa kotse. Siya iyong maghahatid sa'min sa kung saan man, hindi ko pa alam.
-HGHM-
"Saan ba talaga tayo pupunta?" I asked Jed habang nasa kotse kami.
"Somewhere na ma eenjoy mo. I know you'll love it there. Dala mo ba ang passport mo?" He asked me.
"Yup. Ako pa. I'm always ready. Out of the country ba tayo?"
"Nope. Haha."
"What? Ibig sabihin hindi ko magagamit ang passport ko?"
"Ganun na nga."
Bigla akong napasimangot sa sinabi Jed. I was expecting na mag a-out of the country kami. Akala ko nga babalik kaming New York para makita ang parents niya. Na miss ko na talaga sila. Parang mga magulang ko na rin ang mga magulang ni Jed.
"Hehe. Cheer up!" He said after he pinched my nose. "You can count no me. Alam kong magugustuhan mo ang pupuntahan natin."
I smiled.
Ang swerte ko kay Jed. Wala akong itinigo kay Jed. Alam niya na lahat ng bango at baho ko. Alam niya ang tungkol kay Benjie at alam niya rin na si Uno ang ama nito. Kahit na ganun ang nakaraan ko, tinanggap niya ako ng buong-buo at minahal niya ako ng totoo. Dapat lang talaga na suklian ko ang pagmamahal niya sa'kin.
Isa lang naman ang hinihintay kong gawin ni Jed. Mag propose siya. It's fine for us to be happy. It's time for us to move on. At isa sa mga pinakamalaking hakbang nang pag momove-on ang pagpopropose niya.
Hindi nagtagal, huminto na rin ang kotse namin pagkatapos ng halos dalawang oras na pagbabyahe including traffic.
"Andito na tayo Sir." Sabi ni Christian.
Excited akong lumabas ng kotse saka ko nakita ang paligid. Agad naman akong napangiti pagkatapos mag sink in sa utak ko kung saan ako dadalhin ni Jed.
"Cruise trip?" Tanong ko sa kanya habang nakangiti ko.
"I told you. You'll like it." Sambit niya.
"Wala kaya akong sinabi na gusto ko." Sabi ko.
"Kitang-kita kaya sa mukha mo. Kumikinang kaya iyang mga mata mo."
"Thank you Jed." Sambit ko habang tinitignan ko ang dagat na nasa harap ko.
At nasa harap ko rin ang cruise na sasakyan namin. Ang laki at ang ganda. Super nakaka excite.
Tinulungan ni Chistian si Jed na ibaba ang mga gamit namin mula sa trunk ng kotse.
"Bakit parang ang seryoso niyo?" Tanong ko sa kanilang dalawa pagkatapos kong mapansin na nagbubulungan silang dalawa.
Kung hindi ko lang talaga kilala si Christan, baka pagdududahan ko na ang pagkalalaki niya.
"Wala naman Ma'am. Pinapalakas ko lang ang loob ni Sir Jed." Sagot ni Christian.
"Para saan naman? Hmm? Don't tell me takot kang sumakay ng barko Jed? Hindi mo yata sinabi iyan sa'kin."
"Hindi ka rin naman kasi nagtanong."
"Eh kasi I thought.. Uhmm.. Kung ganun, bakit pinili mo pa rin na mag cruise trip tayo? Pwede namang iba."
Naging kalahati na lang ang excitement ko dahil nag-alala ako para kay Jed.
"Don't worry Shane. Kaya ko naman."
"Are you sure? Sigurado talaga? Right now, I can consider other options. Pwede tayong mag back out na muna. Pero pag nasa loob na tayo ng cruise wala na talagang bawian." Sabi ko.
"Hindi na pwedeng mag back out dahil I prepared something big for you."
Inihatid kami ni Christian patungo sa main entrance ng cruise at tinulungan na kami ng mga staff ng cruise sa mga gamit namin. Inihatid nila kami patungo sa room namin.
Magkatapat lang ang room namin ni Jed. Nauna na akong pumasok sa room ko at excited na nilibot ang paligid. Sobrang saya ko. Para akong batang binigya ng lollipop. Kitang-kita sa bintana ko ang dagat sa labas. Kahit hindi pa umaandar ang barko pakiramdam ko, nagsisimula na ang trip namin ni Jed.
"Thank you." Sambit ko kay Jed saka ko siya niyakap ng mahigpit.
"You're always welcome Shane. Magpahinga ka na muna dahil mamayang gabi baka hindi ka na makatulog sa sobrang dami nating gagawin." Sambit niya.
Tumango lang ako saka ko siya pinanood na lumabas patungo sa tapat na room. Naupo ako sa kama ko pagkatapos isara ni Jed ang pinto.
"This is what I need. Malayo sa kahapon ko. I just have to make the most of this."
-HGHM-
Jed's POV
Pagkatapos kong pumasok sa room ko, naupo ako sa ouch at kinuha mula sa bulsa ko ang kulay blue na kahon. Binuksan ko ito saka ko tinitigan ang singsing na matagal ko nang inihanda. Nong isang taon ko pa ito binili pero hindi pa ako nagkaroon ng chance para mabigay ito kay Shane.
But now, I'm ready and she's ready. We have to move on.
I prepared this trip for us. Para magkaroon ulit kami ng pagkakataon para makasama ang isa't-isa. And to also ask her the most important question na matagal ko nang gustong itanong sa kanya.
Sigurado ako sa nararamdaman ko. Mahal ko si Shane. And I want to spend the rest of my life with her.
-------
AN: Sorry dahil two days akong hindi nakapag update. Medyo naging busy lang .wahahahah. Anyway, mag popropose na si Jed. Wahahahahhahaha. At hulaan niyo kung anong susunod na mangyayari? Wahahaha. Excited na ako. lels.
ANYWAY!!!! Magpapa-print po kami ng T-Shirt. Baka gusto niyong magpa print na rin. hahaha. The Tshirt design is on the right. Iyong picture na iyan :D The amount is 250. Deadline of payment is July 15, 2014 pa naman. If gusto niyong mag pa reserve just fill up this form. (Click the external link button found on the right side)
If you have questions about the shirt, paki pm na lang po ako dito sa watty or sa fb or sa twitter ko :)