"Okay lang ako Shane. Ikaw kamusta ka? Ang laki na ng pinagbago mo. Halos di kita nakilala kanina." Mahinang sambit niya saka siya ngumiti.
"Okay lang din naman ako Queeny."
"It's been four years since we last saw each other." Sambit niya at ngumiti lang ako.
"Masaya ako at nakita ko kayo ulit." I said while I kept staring at baby Chan.
Ang laki na niya. Hindi ko siya nakilala nong unang kita ko sa kanya dahil sa isipan ko, siya pa rin iyong baby na kinakarga ko sa mga bisig ko. Pero ngayon, mahihirapan na akong kargahin siya.
"Si Chandrielle. Si baby Chan." Sabi ni Queeny pagkatapos niyang mapansin na panay ang tingin ko kay baby Chan.
"I know. Hindi ko siya nakilala kanina. She grew to fast."
"Time flies to fast. Thank you nga pala sa pagtulong mo sa'min. Sige Shane, we'll go ahead. It was nice seeing you." Pagpapa-alam ni Queeny.
Tumalikod na sila kasama si baby Chan. Pero something is telling me that I should talk to her, that I should hug her tightly. Apat na taong kaming hindi nagkita at walang araw na hindi ko siya naisip.
I know fate is doing this para magkita ulit kami. Alam ko namang hindi ko talaga anak si baby Chan pero malapit talaga ang loob ko sa kanya. Sandali lang akong tumayong ina sa kanya at apat na taong naging ina si Queeny sa kanya pero nasaktan ako pagkatapos kong marinig na tinwag niyang Mommy si Queeny.
"Queeny." Mahinang tawag ko sa kanya saka siya humarap sa'kin. "I'm thinking.. Maybe we can have coffee for a couple of minutes?" I asked her.
I want to catch up on things with Queeny. Naging magkaibigan naman kami at alam kong hindi kami nag-away. Medyo akward kami ngayon dahil siguro medyo nakakaramdam kami ng guilt sa isa't isa. And we both know the reason for that. But more than that, I want to rekindle my relationship with baby Chan. I'm still longing for her.
"Yeah. I'd love that." Sagot niya. "I'll just call her yaya lang muna para masundo niya si Chan."
"Baka pwedeng isama natin siya?" Tanong ko.
Lumapit ako kay baby Chan saka ko hinimas ang ulo niya.
"Do you like cakes?" Tanong ko sa kanya at tumango naman siya.
"Tita Shane will trenagbago.at you cakes sweetheart. You want that?" Tanong ni Queeny sa kanya.
Tita Shane. Sobrang dami na palang nagbago. Dati Mommy Shane ako ngayon Tita Shane na lang.
"Yeah. I like that mommy. Let's go." Sambit niya.
Ang cute ni baby Chan. Ang cute ng boses niya. Ang cute cute niya. Gusto ko siyang iuwi. Gustong-gusto ko siyang yakapin ng mahigpit pero natatakot ako dahil alam kong wala na akong karapatan ngayon.
Magkahawak kamay lang sila ni Queeny habang naglalakad. Ako naman nasa likod lang nila. Nagmamasid, nasasaktan. Kahit na naabot ko na ang pangarap ko, kahit na yumaman na ako, naiinggit ako kay Queeny.
"San tayo Shane?" Tanong ni Queeny sa'kin pagkatapos niang huminto ni baby Chan para sumabay sa'kin.
"May alam akong coffee and pastry shop sa third floor." Sagot ko.
Sabay-sabay kaming naglalakad na tatlo at napapagitnaan namin si baby Chan. Simula nong magkahiwalay sila ni Queeny, hindi na talaga niya binitawan ang kamay ng nanay niya.
"Can I hold your hand too?" Tanong ko sa kanya sabay ngiti.
"Yeah. You helped me find my Mommy so we're friends now." Sagot nito.