Chapter 8: Client

38.7K 620 61
                                    

Hinintay ko ang client sa bus stop kung saan daw kami magkikita. Nakahanda na ang mga gamit ko para sa seven days and six nights na trip. Mahaba-habang bakasyon rin para sa'kin but at the same time trabaho rin kaya di ako magui-guilty kay Jed.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Jed.

(I'm guessing nakita mo na ang client natin?)

"Kaya nga ako tumawag dahil hindi ko alam kung paano siya hahanapin. Hindi ko siya kilala. Pero sabi mo siya na hahanap sa'kin. Sigurado ka bang kilala niya ako? Baka kasi hindi niya ako mahanap."

(Ilan ba kayo diyan sa bus stop?)

"Marami-rami rin kaya nga nag-aalala ako."

(Mahahahanap ka niya don't worry.)

"Siguro nga. Sige tatawag nalang ako mamaya pag nagkita na kami o pag nagkaproblema."

(I love you.)

"Uhmm. See you pagbalik ko. Ingat ka diyan."

Binaba ko na ang cellphone ko at hinintay pa ng konti ang client namin. Lumipas ang sampung minuto at bigla nalang may tumigil na kotse sa harap ko at bumusina. Lumingon ako sa kanan at kaliwa ko dahil sakaling kilala nila iyong nasa loob ng kotse pero deadma lang sila. Nakatitig lang ako sa kotse hanggang sa lumabas ang matangkad at maputing lalaki.

I tried to calm myself. Ayokong ipahalata sa kanya na natataranta ako, na hindi ako komportable at hindi ako kinakabahan.

Nakangiti siya habang papalapit siya sa'kin. Ayokong mag-feeling pero sigurado talaga akong ako iyong nginingitian niya.

"Hi Shane." Bati niya.

"Hi. It's nice to see you again.." Huminga ako ng malalim saka ko sinambit ang pangalan niya. "..Uno."

"Miss Shane Luciano?" Tanong niya sa'kin.

"How did you know my family name?" I asked him back dahil sa pagkaka-alala ko hindi ko sinabi sa kanya ang apelyido ko nong unang pagkikita namin. Except na lang kung naaalala na niya ako.

"Uno? Naaalala mo na ba ako?" I asked him. 

Aaminin ko. Nabuhayan ako ng pag-asa na baka naaalala na niya ako at masaya ako para sa kanya.

"Hindi naman kita nakalimutan. Naaalala kita. Ikaw iyong kaibigan ni Queeny diba? It's nice to see you again Shane."

I just faked a smile pagkatapos kong ma realize na hindi pa rin niya ako naaalala. Isa na lang ang natitirang dahilan kung bakit alam niya ang family name ko, dahil siya ang client namin.

"Excuse me for a bit." I said saka ako tumalikod para tawagan si Jed.

*riiing* *riing*

(Yes Sha...)

"Bakit hindi mo sinabi sa'kin na si Uno pala ang client natin?"

(Hindi mo naman kasi tinanong.)

"Kahit na! Sana sinabi mo pa rin. Tell me Jed, sinadya mong mangyari ito noh? Bakit mo ginagawa 'to? Alam mo namang.."

(Na may nakaraan kayo at hanggang ngayon affected ka pa rin sa kanya?)

Bigla akong natahimik sa sinabi ni Jed. Affected nga ba ako kaya ako umaasta ng ganito? At bakit umasa ako kanina na baka nagbalik na ang ala-ala ni Uno? Dahil ba gusto kong maalala ulit niya na ako ang mahal niya at hindi si Queeny?

(Shane.. Mahal mo pa ba si Uno?)

"Hindi."

Agad na sagot ko sa tanong ni Jed. Kung ano man itong nararamdaman ko kailangan ko nang isantabi. Kung mahal ko pa si Uno o hindi na, hindi ko na dapat concern iyon. Dahil bahagi na siya ng kahapon ko. Siguro nga mas mabuting hindi na niya ako naaalala para hindi na kami mahirapan pang dalawa.

(I'm sorry Shane.. pero tama ka. Sinadya ko talagang hindi sabihin sa'yo. Gusto kong magsama ulit kayo ni Uno hindi para mapatunayan mo sa'kin na hindi mo na talaga siya mahal kundi para sa sarili mo. Nararamdaman ko na nalilito ka para sa sinisigaw ng puso mo. Isang linggo lang pero alam kong maraming magbabago pagkatapos. Maaring mas magiging matatag pa tayong dalawa dahil masisigurado mo na sa puso mo na ako talaga ang mahal mo, o baka mapagtanto mo na hindi mo pa pala siya nakalimutan at iwan mo ako. Natatakot akong iwan mo ako Shane. Pero sumugal ako dahil mas natatakot akong magpanggap tayong dalawa na mahal mo ako kung si Uno pa rin pala ang laman ng puso mo.)

"Jed.."

(Pero nasa sa'yo ang huling desisyon Shane. Pwede kang tumuloy at makakaasa kang maghihintay ako sa'yo. Pero pwede ka ring hindi tumuloy. Magpapadala na lang ako ng ibang tao para pumalit sa'yo.)

"Tutuloy ako Jed. Pero pagktapos ng isang linggo, nakakasigurado akong sa'yo pa rin ako. Ikaw ang mahal ko."

(Sana hindi magbago iyan Shane. Aasa ako na ako pa rin sa huli. I love you.)

"I love you."

Binaba ko ang cellphone ko na buo ang loob ko. Tama si Jed. Kailangan kong patunayan sa sarili ko na hindi ko na mahal si Uno dahil kailangan ko ito para makahakbang na ng relasyon namin ni Jed.

"Okay ka lang ba?" Uno asked me pagkatapos kong humarap sa kanya.

"Okay lang." Sagot ko.

"Umiiyak ka ba?"

"Hindi. Napuwing lang ako. Anong bus ba sasakyan natin?" Tanong ko sa kanya.

"Dinala ko na kotse ko. Tulungan na kita sa bagahe mo."

Inilagay na ni Uno ang maleta ko sa trunk ng kotse niya. Pinagbuksan na rin niya ako ng pinto ng kotse saka ako pumasok. 

"Seatbelt mo Shane." He reminded me saka ko inayos iyon.

Hindi nagtagal nagsimula na rin ang byahe namin papunta sa site. Sa loob ng sampung minuto, walang nagsasalita sa'min. Na aw-awkward ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya para maging comfortable kami at ganun din naman yata ang nararadaman niya.

"Shane." "Uno."

"Ikaw na mauna." "Mauna ka na."

Ngumiti lang siya pagkatapos naming magsalita ng sabay. Mas lalong naging awkward.

"Ikaw na." I said.

"Ano kasi Shane. May itatanong lang sana ako. Uhmm. Magkakilala ba tayo dati?" He asked me.

"What do you mean? Magkakilala tayo noon tapos nag-away? Ganun?"

"Hehe. Hindi. I mean. Nag ka amnesia kasi ako dahil sa isang aksidente kaya di ko maalala iyong nakaraan ko. Nong una kasi kitang makita, iba iyong naramdaman ko sa'yo. You seemed really familiar. Pakiramdam ko magkakilala tayo noon."

"Hindi Uno. First time nating magkita nong isang linggo." Pagsisinungaling ko.

Kailangan kong i-set aside ang kahit na anong nararamdaman ko kay Uno kaya wala na akong makitang dahilan para sabihin sa kanya na magkakilala kami noon.

"I see. Ikaw? Ano iyong sasabihin mo sana?" Tanong niya.

"Iyong about kay Chandrielle. Anak mo ba talaga siya?" I asked him.

"Ahh. Oo nga pala. Nakalimutan kong magpasalamat sa'yo sa pagtulong sa mag-ina ko. Sinabi kasi ni Queeny sa'kin na tinulungan niya kayo. Iyong sa tanong mo naman. Anak ko si Chandrielle. Anak namin ni Queeny. Nabuntis ko si Queeny noong college pa lang kami. Pero balak na naming magpakasal this year. Nauna nga lang ang honeymoon. Hehe."

Parang may isang milyong karayom ang tumusok sa puso ko pagkatapos sabihin iyon ni Uno. Anak nila ni Queeny si baby Chan? 

"You said nagka amnesia ka. Paano mo naalala ang tungkol sa bagay na iyan?" I asked him.

"Hindi ko naalala talaga. Pinaalala lang sa'kin ni Mama. Tinanong ko si Queeny tungkol don at sabi niya iyon daw ang nangyari."

Gaya nga nang inaasahan ko, ang Mama na naman ni Uno ang gumawa nang kasinungalingan. Pero ang hindi ko lang maintindihan, bakit  nagsinungaling si Queeny kay Uno?

----

AN: Ito lang muna sa ngayon. Sa susunod na update ulit :D Baka bukas. Pagsisikapan ko. Anong mangyayari kina Uno at Shane ngayong buong linggo silang magkasama na dalawa? :DD At bakit nga ba nagsinungaling si Queeny?

HGHM2: Memories of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon