"Anong tinitignan mo? Manyak!!!" I shouted at him habang tinatakpan ko pa rin ang sarili ko gamit ang mga kamay ko.
"Haha! Haha! Haha!" Pigil na pagtawa ni Uno pagkatapos kong itanong sa kanya iyon. "Hahaha! Hahaha!"
"Bweset!! Ano bang problema mo? At bakit ka tumatawa? Anong nakakatawa?" I angrily asked him.
Nakakabweset talaga siya. Nakaka high blood. Nakakainis. Kung hindi lang sana ako injured ngayon kanina ko pa iyan nasipa, nabugbog at nabugahan ng apoy.
"I'm sorry Shane. Hahahaha! Nakakatawa ka kasi. Hahahaha!"
Tinitigan ko lang ng masama si Uno habang patuloy pa rin siya sa pagtawa niya. Pagkatapos ng ilang minuto, kumalma na rin siya at naka recover na rin sa dinadamdam niyang sakit sa pag-iisip. Tumatawa nalang bigla-bigla kahit wala namang nakakatawa.
"Now.. Mind to explain kung bakit ka tumatawa?" I asked him.
"Kasi. Hahaha! Hahaha! Na misunderstood mo kasi iyong pagtitig ko sa'yo. Seryoso ako kanina habang nakatitig ako diyan sa kwintas mo. Para kasing nakita ko na iyan noon. Nakita ko na rin iyan sa panaginip ko. Sa tingin ko ganyan din iyong kwintas na binigay ko sa babaeng napapanaginipan ko. Iyon nga lang, hindi ako sigurado."
Bigla na lang akong napahawak sa pendant ng kwintas ko. Ito iyong kwintas na binigay ni Uno sa'kin nong huli naming pagkikita apat na taon na ang nakakaraan.
"Well.. That was not funny. Normal lang talaga iyong reaksyon ko dahil mukha ka naman kasing manyak. Iisipin ko nalang na may sakit ka sa isip kaya patatawarin kita. Now, please go out of my room dahil magbibihis ako." Pagtataray na sambit ko.
"Akala ko ba magpapatulong ka sa pagkuha ng damit mo?" He asked me.
"I changed my mind. Baka ma rape pa ako dito. Manyak ka! Get out!!!" I shouted at him.
He just giggled and made his way out my room.
"Buset talaga!" I cursed.
Pinilit kong naglakad papunta sa closet ko kahit na sobrang sakit ng paa at braso ko. Pero wala na talagang mas malala pa sa kahihiyan na natamo ko kanina. Ang dumi kasi ng isipan ko kaya ko naisip iyon.
"Aiishh!! Hindi madumi nag isipan mo Shane. Talagang manyak lang talaga makatitig si Uno. Walang problema sa'yo kaya wala kang dapat alalahanin." Bulong ko sa sarili ko to ease my emotions.
Minadali ko na ang pagbihis ko saka ako lumabas ng kwarto ko. Andun naman si Uno nakatayo at hinihintay ako.
"Buhatin na kita para hindi ka na mahirapan pa." Sambit niya saka niya ako binuhat agad.
"Uyyy!! Manyak ka!! Hindi kita pinahintulutan na buhatin ako. Hindi mo man lang ako pinasagot!" I explained habang sinusuntok ko iyong balikat niya.
"Sinong manyak? Concern lang ako. O sige. Kung ayaw mo eh di ikaw na maglakad diyan." Panunukso ni Uno.
Agad naman niya akong pinatayo gamit ang sarili kong paa saka siya nauna sa paglalakad sa hagdanan.
"Napaka ungentleman talaga!" Bulong ko pero sinadya kong lakasin ng konti para marinig niya.
"Nagpaka gentleman nga ako kanina sinabihan mo naman akong manyak. Ngayon namang binaba kita sasabihin mong ungentleman ako. Hintayin na lang kita sa kotse!" Sambit niya saka niya tinaas ang kanang kamay niya para mag bye sa'kin.
"Aissh! Walang manners!!" Sigaw ko.
Dahan-dahan na akong naglakad pababa ng hagdan. Nakahawak ang kaliwang kamay ko sa railings para suportahan ako sa pagbaba kahit papano.