Uno's POV
Dumating na ang araw na inakakasal ako. Nakatitig ako sa repleksyon ko sa salamin habang suot ko ang white tuxedo na inayos nila Mama at Queeny. Wala na ngang atrasan. Pagkatapos ng araw na'to, gagawin ko ang lahat para kalimutan si Shane. Alam kong mahihirapan akong mahalin si Queeny, at baka hindi ko na talaga siya kayang mahalin habang buhay, pero mapapangako ko sa kanya na hindi ko siya iiwan para sa anak namin. Biglang bumalik sa isipan ko ang nangyari nung isang linggo.
*flashback*
"Son, kailangan mong makinig sa'kin. Ako ang ina mo at alam ko kung anong nakakabuti sa'yo." Sigaw ni Mama. Pero kahit anong gawin niya, pinapalabas ko lang lahat ng mga sinabi niya sa kabilang tenga ko.
"Kailangan mong balikan si Queeny. Kailangan mo siyang pakasalanan para sa anak niyo. Ano na lang ang mangyayari sa apo ko? Ayokong lumaki siya na hindi niya kasama ang ina niya."
"Hindi ko naman ilalayo si Chandrielle kay Queeny. Magkikita pa rin naman sila. Pero hindi kami magsasama sa iisang bahay. Hindi ko siya mahal Ma. Dapat ikaw ang nakakaintindi sa'kin dahil ina kita."
Pero mas lalo lang nagalit si Mama kay nag walk out siya. Akala ko magiging okay na ang lahat. Pero hindi pala. Lumipas ang ilang minuto, tumawag ang mga magulang sa'kin ni Queeny para sabihin na nasa ospital siya. Agad kaming tumakbo ni Mama sa ospital para kamustahin ang kalagayan niya pero hindi kami nakapasok sa room niya dahil ayaw niya akong makita.
"I'm sorry Uno. Pasensya ka na. Alam kong hiwalay na kayo ng anak ko." Sabi ng Mama ni Queeny habang nasa labas kami ng room ni Queeny. "Pero kailgan ka niya. I know it's too much to ask pero balikan mo ang anak ko. Please save her."
"Ano pong ibig niyong sabihin?"
"She tried to kill herself this morning. Mabuti na lang at nakita agad namin siya ng Daddy niya. Uno. Please. Gawin mo 'to para sa kanya at sa anak niyo. Nakikiusap ako sa inyo."
Hinawakan ni Mommy ang kamay ko saka siya tumango para sabihin sa'kin na gawin ko ang gusto ni Tita.
Hindi ako sumagot dahil hindi ko naman alam kung anong isasagot ko. Kung papayag ako sa sinasabi nila, ibig sabihin wala nang atrasan.
"She's asleep." Sambit ni Tito pagkatapos niyang lumabas sa room ni Queeny.
"Pwede po ba akong pumasok?" Tanong ko kay Tito at tumango naman siya.
Tumayo na ako saka ako pumasok sa room ni Queeny. Mahimbing lang siyang natutulog habang may dextrose na nakakabit sa kanyang kamay. Umupo ako sa tabi niya saka ko hinaplos ang buhok niya.
"Alam ko nasasaktan ka dahil sa'kin. Pero sana hindi mo na pinaabot sa ganito Queeny. Nahihirapan din ako at mas lalo akong nahihirapan ngayon dahil alam kong ako ang may kasalanan kung bakit ka andito ngayon."
Pinag-isipan ko ng husto ang magiging desisyon ko kahit na alam ko sa huli na pakakasalan ko pa rin si Queeny dahil sa takot ko na saktan niya ulit ang sarili niya. Siguro tama sila na dapat kong pakasalan ang ina ng anak ko para sa ikabubuti niya at sa ikabubuti ni Chandrielle.
Ilang araw an ang lumipas at nakalabas na si Queeny sa ospital. Mabilis namang inayos ng mga magulang namin ang kasal.
"Next week na ang kasal natin. Samahan mo akong pumili ng gown." Sabi ni Queeny pagkatapos naming ihatid si Chandrielle sa school niya.
Tumango lang ako kay Queeny at kitang-kita ko naman ang liwanag sa mukha niya. Pero bigla na lang dumilim ang paningin ko ng ilang segundo habang nasa free way kami at nagmamaneho ako.
"UNO!" Sigaw ni Queeny.
Pagkatapos bumalik ng paningin ko, napagtanto ko na malapit na pala kaming mabangga sa isang malaking truck na nasa harap namin kaya agad kong kinabig ang manibela patungo sa kanan.
"Anong nangyari? Okay ka lang ba?" Natatarantang sigaw ni Queeny pagkatapos kong ihinto ang kotse sa gilid ng daan para magpahinga.
"Okay lang ako."
"Ako na ang magmamaneho." Sambit niya saka siya lumabas sa front seat para lumapit sa'kin. Binuksan ko na rin ang pinto sa kaliwa ko at lumabas na ng kotse pero bigla na lang bumalik sa isipan ko ang ala-ala ko.
Nasa kotse ako kasama ang isang babae na nasa mid 40's. Nasa front seat siya ng kotse at may malaking truck na papalapit sa'min. Alam kong nabangga kami. Nakita ko siyang duguan habang nakaratay siya sa may itaas ko kung saan ko nakahiga. Nakatingin siya sa'kin habang pinipilit niyang magsalita.
'Alagaan mo ang mag-ina mo Uno.'
Sa harap mismo ng dalawang mga mata ko nawala siya. Sigurado akong wala na siya. Pero hindi ko makita ng maayos ang mukha niya. Pilit kong inalala. Pinilit ko ang sarili ko pero sumakit lang ang ulo ko.
"Uno are you okay?" Tanong ni Queeny sa'kin saka niya ako hinawakan sa magkabilang balikat ko.
Naupo ako sa hood ng kotse saka ko siya tinignan sa mga mata niya.
"Sino ang kasama ko nang maaksidente ako?"
"Anong ibig mong sabihin?"
"Naalala ko na Queeny. Bumalik na ang ala-ala ko." Sabi ko pero bigla na lang siyang natahimik.
"Sino ang kasama ko nang araw na 'yon? Nawala siya sa harap ng dalawang mata ko. Binilinan niya akong alagaan ko ang mag-ina ko. Sino 'yon?" Sigaw ko sa kanya.
"Si- Si- Si Mo-mmy! Si Mommy ko ang kasama mo nung araw na maaksidente ka." Sagot niya.
"Bakit hindi niyo sinabi sa'kin?"
"Dahil hindi na importante 'yon. Bumalik na ba talaga lahat ng ala-ala mo?" Tanong niya sa'kin pero umiling lang ako.
"Hindi lahat. Ang araw lang na naaksidente ako. Gusto ko nang maalala lahat. Pero hindi ko magawa!" Sigaw ko saka ko binatukan ang sarili ko.
"Stop it Uno! Mas lalo lang lalala 'yan. 'Wag mong saktan ang sarili mo. Hindi na imporante ang nakaraan kaya hindi mo na kailangang alalahanin ang lahat. Ang importante ngayon ikakasal na tayo."
*end of flashback*
'Yun na ang huling ala-ala na bumalik sa isipan ko. Tinanong ko ang Mama ni Queeny kung totoo ba talagang siya ang kasama ko nang araw na maaksidente ako at kinumpirma niyang totoo ang sinabi ni Queeny.
"Gaya ng sinabi ni Queeny hindi na importante ang nakaraan. Kahit na maalala ko pa ang lahat, wala pa ring magbabago."
Binuksan ko na ang drawer na nasa harap ko para kunin ang relo ko nang makita ako ang kwintas ni Shane. Ang kwintas na naiwan niya sa shop nang minsan kaming magkasamang tatlo. Kinuha ko ang kwintas saka ko tinitigan ang pendant. Ang waiter ang nag-abot sa'kin nito pagkatapos 'tong mahulog ni Shane nang magkabangga sila.
Ilang beses kong tinangkang ibalik kay Shane ang kwintas pero hindi na niya sinasagot ang mga tawag ko. Ibabalik ko na sana ang kwintas sa drawer, nang aksidente ko itong nahulog sa sahig.
"Aish!"
Pinulot ko agad 'to pero nagulat ako nang nakabukas na ang hugis pusong pendant nito. May maliit na picture sa loob ng pendant pero alam na alam ko na nasa picture ako. Tinitigan ko sa malapitan ang picture saka ko nakumpirma na isa nga ako sa tatlong taong nasa picture. Ako, si Shane... at si Chandrielle.
Agad na tumulo ang mga luha ko at hindi ko napigilan ang pag-iyak ko na parang bata habang bumabalik lahat sa isipan ko ang nakaraan. Simula nang araw na nakita ko si Shane. Simula nang mga araw na hindi pa niya ako pinapansin. Hanggang sa naging magkaibigan kami. Naalala ko ang lahat.
"Ang tanga ko! Ang tanga tanga ko! Paano ko nakalimutan ang mag-ina ko?"