Chapter 36
"Si Tita Anji ang tunay na Mama mo." Sambit niya.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kanya dahil hindi talaga ako makapaniwala.
Nang sabihin niya sa'kin ni Uno na anak namin si Chandrielle hindi na ako nagulat, pero ngayon, hindi ko talaga alam kung binibiro lang niya ako para mabawasan ang bigat nang problema namin o talagang seryoso siya.
"Siya ang Mommy mo."
"Paanong-"
"Hindi rin ako makapaniwala nang sabihin ni Tita sa'kin yun Shane. At ngayong wala na siya, hindi na natin mapapatunayan kung totoo ba talaga ang sinabi niya. Pero wala akong makitang dahilan kung bakit siya magsisinungaling." Sabi ni Uno.
"Pero-" Hindi ko mahanap ang tamang salita na gagamitin ko dahil sa sobrang pagkalito ko. "Tita ko lang siya. May totoong mga magulang ako na nag-alaga sa'kin mula pa nang sanggol ako hanggang sa naaksidente sila. Si Mommy ang nagluwal sa'kin. Si Tita lang ang nagpalaki sa’kin nang mawala ang mga magulang ko pero hindi ko siya Ina."
"Nangyari rin kay Tita ang nangyari sa atin Shane. Nabuntis siya ng maaga. Teenager pa lang siya nang mabuntis siya at hindi siya pinanindigan ng ama ng batang dinadala niya at ikaw ‘yon. Hindi kayo pinanindigan ng ama mo kaya napilitan siyang ibigay ka sa kapatid niya. Pero hindi ibig sabihin nun na hindi ka niya mahal. Mahal ka niya. Sinabi niya sa’kin ‘yon kaya binigay ka niya dahil alam niyang hindi ka niya maalagaan ng maayos."
Sobra-sobra na ang nararamdan ko. Hindi ko na kaya. Ang daming gumugulo sa isipan ko at dumagdag lang si Tita Anji. All this time inakala kong hindi siya ang ina ko. Ngayon alam ko na ang pakiramdam na may taong nagsisinungaling sa'yo. Sobrang sakit pala.
"Paano niya nagawa sa'kin 'to? Naiintindihan ko kung bakit niya ako binigay. Pero ang hindi ko maintindihan kung bakit hindi niya sinabi sa’kin ang lahat. Ang dami niyang pagkakataon para sabihin sa'kin ang totoo pero hindi niya ginawa!"
Sinubsob ko ang mukha ko sa mga tuhod ko.
“Alam ko nasasaktan ka Shane. Nahirapan din siya sa paglilihim sa’yo. Nung araw na sinabi niya sa’kin na anak ka niya, kitang-kita ko ang takot at pag-aalala sa mukha niya pero alam kong umaasa siyang patatawarin mo siya. Mapapatawad mo siya diba? Dahil mahal mo siya.”
Galit nag alit ako kay Tita. Kung andito pa siya sa harap ko, hindi ko alam kung ano na ang nagawa ko. Pero may parte sa’kin an nagsasabing wala akong karapatang magalit. Dahil ginawa ko rin naman ang ginawa ni Tita sa’kin.
Sumampal sa mukha ko ang mga ginawa ko kay Uno. Lahat ng ginawa ko sa kanya, sinampal sa'kin pabalik.
“Pinapatawad mo na ba ako sa ginawa ko sa’yo?” Tanong ko kay Uno habang nakatingin ako sa kanya. Tumango lang siya.
"Paano mo akong nagawang patawarin Uno?" Tanong ko sa kanya dahil hindi ko pa rin mahanap sa loob-loob ko ang pagpapatawad kay Tita.
"Dahil mahal kita. Mahal pa rin kita. Kahit na nawala ang ala-ala ko at kahit na hindi maalala ng utak ko na ikaw ang babaeng tinitibok ng puso ko, naalala 'yun ng puso ko at nararamdaman ko 'yon Shane. Mahal na mahal kita."
Hinaplos ng palad ni Uno ang kaliwanag pisngi ko saka niya pinawi ang mga luha ko.
"I'm sorry!" Sambit ko sa kanya saka ako humagulgol sa pag-iyak. "I'm sorry dahil nagsinungaling ako sa'yo!"
“Naiintindihan kita. Kalimutan na lang natin ang lahat at magsimula ulit tayo ng bago. Tulad ng dati.” Sabi niya pero hindi na ako nakasagot.
Pwede pa ba kaming magsimulang muli? Pwede ba kaming bumalik sa nakaraan na para bang walang nangyayaring mabigat ngayon?
-HGHM-
Binisita namin ang puntod ni Tita Anji pagkatapos naming pumunta sa dalampasigan. Nagising na rin si Chandrielle at tinanong niya kay Uno kung sino ang binibisita namin. Sinabi ni Uno na Lola niya 'to pero ayaw niyang maniwala dahil alam niyang buhay pa ang Lola niya.
"Iwanan ka muna namin." Sambit ni Uno. "Sa kotse lang kami ni Chandrielle."
Tumango lang ako sa kanya saka ako lumuhod sa harap ng puntod ni Tita Anji. Hinahaplos ko ang lapida niya habang tuloy-tuloy sa pagdaloy ang mga luha ko.
"Gali pa rin ako sa'yo. Pero pinapatawad na kita. Salamat-" Pilit kong pinipigil ang mga luha ko pero para silang may sariling mga utak na hindi ko ma kontrol.
"Salamat dahil pinanindigan mo ako kahit papano. Salamat dahil binuhay mo ako. At salamat sa pag-aaruga sa'kin. Hindi ko man narinig mismo sa mga labi mo na anak mo ako, naramdaman ko 'yon. Hindi man naging maayos ang paghihiwalay natin, gusto kong sabihin sa'yo na hindi ka nawala sa isipan ko. Mahal kita- Mama."
Kahit papano nagpapasalamat ako kay Uno dahil isa siya sa mga dahilan kung bakti napatawad ko agad si Mama Anji. Nanatili pa ako sa puntod ni Mama nang ilan pang mga minuto at hinintay na kumalma ang mga luha ko bago ako tumayo at bumalik sa kotse ni Uno.
“Tita Shane are you okay?” Tanong ni Chandrielle sa’kin pagbalik ko ng kotse.
“Yes. I’m okay Chan. Don’t worry.” Sagot ko saka ako ngumiti sa kanya.
“Pasensya ka na.” Sambit ni Uno. I know he’s referring sa pagtawag ni Chandrielle sa’kin ng Tita. Tumango lang ako para sabihin sa kanya na okay lang ako.
“Chandrielle, you told Daddy before that you want to sleep at Tita’s house? Why don’t you sleep there for tonight?” Tanong ni Uno kay Chandrielle.
“I would like to Dad. I want to comfort Tita Shane because she’s sad but I want to go home now. I miss Mommy and I’m worried about her. I know she’s also sad.” Sagot niya.
“Chandrielle-”
Hinawakan ni Uno ang magkabilang balikat ni Chandrielle. Nababasa ko kung anong iniisip niya. Sasabihin niya sa anak namin ang totoo. Pero mas lalo lang maguguluhan ang bata kung aaminin na namin lahat kaya pinigilan ko siya.
“I’m tired. Pakihatid na lang ako.” Sabi ko at tumango naman si Uno.
-HGHM-
Pagdating namin sa tapat ng bahay ko, binuksan ko na agad ang pinto ng kotse pero hinawakan ako ni Uno.
“Maghihintay ako. Alam ko naguguluhan ka pa ngayon at alam kong importante sa’yo si Jed. Pero hindi ako susuko. Hindi ko sinasabing aagawin kita kay Jed. Pero hindi mo pa binibigay sa’kin ang totoong desisyun mo. Pag-isipan mo muna ang lahat. Maghihintay ako kahit gaano katagal.”
*riing* *riing*
Gusto ko nang sabihin kay Uno na ayoko na. Na buo na ang desisyon ko na hindi na kami pwede. Pero bigla na lang may tumawag sa kanya.
“Hello?”
“Ano? Sige pupunta na ako diyan!”
“Sino ‘yon?” Tanong ko sa kanya pagkatapos niyang ibaba ang cellphone niya.
“Kailangan kong pumunta ng ospital ngayon!”
------------------------
An: Hello everyone. I’m very sorry for the late update. Nagkasakit ako at nagpahinga ako ng dalawang araw. Naisulat ko na sa yellow paper ang dalawang chapters na magkasunod nito. Di ko kasi ma encode dahil umiiwas ako sa radiation na nagpapasakit sa mata ko. Hahaha. You don't have to wait ng matagal para sa susunod na update dahil bukas na bukas ipopost ko rin at sa susunod na araw ang kasunod. Nasulat ko na yun eh. Encode na lang bukas :)