Chapter 30: Liezel

32.3K 559 22
                                    

“Po?” Tanong ko sa kanya dahil nalilito ako. “Ano po ang ibig niyong sabihin?”

“Hindi ba babae ‘yung anak mo? Sa pagkakaalala ko babae ‘yun. Nasa labas ako ng delivery room kasama ang Tita mo.”

“Lalaki po ‘yung anak ko.”

Nag-isip muna si Manang saka ng husto saka siya nagsalita.

“Hindi ako sigurado dahil baka nakalimutan ko lang. Nagiging ulyanin na rin kasi ako. Mabuti pa puntahan na lang natin ‘yung pamilya na binigyan ng anak mo.”

“Ibig po bang sabihin buhay pa po ang anak ko?” Tanong ko sa kanya.

“Buhay pa ang anak mo. Pinalabas lang ng Tita mo na patay na ang anak. Magdasal ka lang na hindi lumipat ng bahay ang pinagbigyan ng Tita mo.”

“Maraming salamat po.”

Nagpaalam muna kami kay Mrs. Patricia saka kami sabay na lumabas ng ospital kasama si Jed. Pinagbuksan ko ng pinto sa passenger seat si Manang saka ako naupo sa tabi niya. Pinaandar na ni Jed ang makina ng kotse saka sinabi ni Manang ang address na pupuntahan namin. Sa buong byahe naming walang isa na nagsalita. Ramdam na ramdam ko ang tension sa loob. Sobrang kabado ako at sobra ang dasal ko na sana talaga mahanap ko na ang anak ko.

Pero may gumugulo sa isip ko. Ang sinabi ni Manang na babae ang anak ko. Alam ko naman na hindi importante ‘yun pero hindi ko lang talaga maisip kung bakit sinabi ni Tita sa’kin na lalaki ang anak ko.

“Dito na po ba?” Tanong ni Jed pagkatapos naming makarating sa address na binigay ni Manang. Bumaba kaming tatlo saka niya pinagmasdang mabuti ang paligid.

“Ang laki na ng pagbabago sa lugar. Bakante pa ang loteng ‘to dati. Pero sigurado akong dito ‘yun.” Sambit niya.

“Paano niyo po ba nalaman na dito dinala ng Tita ko ang anak ko?” Tanong ko sa kanya.

“Dahil magkasama kami ni Anji nang gabing ‘yun. Naawa kasi ako sa kanya. Parang ang dami-dami niyang problema. Pero pinayuhan ko siya na ‘wag na lang ibigay ang bata, pero hindi pa rin siya nagpapigil.”

Naglakad kaming tatlo habang hinawakan ni Jed ang kamay ko.

“Everything’s going to be okay Shane.” He assured me saka niya pinisil ang kamay ko.

“Thank you Jed. Thank You.”

Hindi nagtagal nakarating na rin kami sa tapat ng isang bahay. Nasa harap kami ng isang malaking putting gate at sobra-sobra ang kaba sa dibdi ko.

“Sigurado ka po ba dito Manang?” Tanong ni Jed sa kanya.

“Sigurado ako iho. Tandang-tanda ko pa ang gate na’to.”

Pinindot ni Jed ang doorbell at hindi nagtagal pinagbuksan na rin kami ng isang kasambahay.

“Sino po hinahanap natin?” Tanong niya.

Gusto kong ako mismo ang sumagot sa kanya pero walang lumabas na salita sa bibig ko.

“Andiyan po ba si Mr. And Mrs. Santos?” Tanong ni Manang sa kanya.

“Nasa loob po. Sino po sila?”

“Dati niya akong kaibigan. May itatanong lang kami sa kanya.”

“Pasok po muna kayo.”

Pinapasok kami ng kasambay saka kami pinaupo sa four-seated iron table na nasa labas ng bahay nila.

“Tatawagin ko lang po saglit.”

“Jed. Pano kung hindi na nila ibibigay ang bata?”

“Don’t worry. Masosolusyunan naman ang lahat ng problema. Ang importante ngayon makita natin ang bata.”

Limang minuto rin kaming naghintay and it was the longest five minutes of my life. Lumipas pa ang isang minuto saka ko nakita ang isang pamilya na papalapit sa’min. Pero natuon ko ang tingin ko sa batang babae na sa tingni ko ay nasa apat o limang taong gulang.

“Siya na po ang anak ko?” Tanong ko kay Manang habang nasa bata pa rin ang tingin ko.

“Tama nga ako. Babae nga ang anak mo. Tama ang pagkakaalala ko.”

Agad akong tumayo sa kinauupuan ko saka ako tumakbo papalpit sa kanila. Hindi ko na kayang maghintay. Hindi ko na kayang maghintay pa nang kahit limang segundon. Agad kong niyakap ang anak ko nang mahigpit.

“I miss you!” Bulong ko sa kanya. “Miss na miss na kita anak.”

“Hindi po kita kilala.” Sambit niya pagkatapos niya akong itulak.

“Miss! Anak ko ang niyayakap mo!” Suway sa’kin ni Mrs. Santos.

“Mrs. Santos. Anak ko po siya. Naaalala niyo po ba ang nangyari limang taon na ang nakakraan?” Tanong ko sa kanya.

“Yaya! Pakikuha muna si Liezel.” Sigaw ni Mr. Santos saka niya nilayo si Liezel sa’min.

Gusto ko siyan sundan. Gusto ko siyang yakapin ulit pero hindi ko na magawa.

“Anong ibig mong sabihin Miss? Ngayon lang kita nakita at hindi ko alam kung ano ang tinutukoy mo.”

Lumapit si Manang sa’min saka siya nagsalita.

“Naalala mo siguro ko Liza.” Sambit niya. Tinignan siya ni Mrs. Santos nang ilang segundo saka siya tumango.

“Ang batang binigay namin sa inyo limang taon na ang nakakaraan. Hinahanap na siya ng totoong nanay niya.”

“Siya na ba ‘yung anak ko?” Tanong ko sa kanila.

“Miss. Nagkakamali ka,” Sabi ni Mr. Santos. “Hindi siya ang anak mo. Anak namin ‘yun.”

“Pero- Hindi po. Anak kop o ‘yun. Ang Tita ko po ang nagbigay sa inyo ng bata na inakala kong patay na. Nagmamakaawa po ako. Baka po pwedeng makita ko ulit si Liezel.” Pakisaup ko sa kanila. Konting-konti na lang talaga at maiiyak na ako. Agad naman akong niyakap ni Jed. “Hindi niyo po pwedeng kalimutan ang nangyari dati.”

“Alam ko ang nararamdaman mo Miss. Pero nagsasabi rin kami ng totoo. Hindi si Liezel ang anak mo. May binigay sa’min na bata. Magbibigay sana kaming pera kapalit ng bata pero hindi ‘yun tinanggap ng Tita mo. Nanatili ang bata sa’min nang dalawang buwan. Inalagaan namin siya, inaruga at tinuring na parang tunay na anak namin dahil hindi kami makabuo ng anak. Pero may himalang nangyari. Nabuntis ang asawa ko kaya ang ginawa namin, binalik namin sa Tita mo ang bata.” Pagpapaliwanag ni Mr. Santos.

“Hindi po totoo ‘yan. Sinasabi niyo lang ‘yan dahil ayaw niyo nang ibigay ang bata sa’kin. Pero anak ko po siya. Maawa po kayo. Limang taon pong nawalay ang anak sa’kin. Limang taon pong nawala ang anak sa’kin. Hindi niyo po alam kung gaano kasakit ‘yun.”

“Miss. Naiintindihan kita. Ina rin ko at alam ko ang pakiramdam. Pero nagsasabi kami ng totoo. Kahit pa ipa DNA natin ang bata. Binalik namin sa Tita moa ng bata. Bakit hindi nalang siya ang tanungin niyo tungkol sa bata?”

Tinignan ko ang mga mata nang mag-asawa. Masakit mang aminin, pero nakita ko sa mga mata nila na nagsasabi sila ng totoo.

“Iha, sa tingin ko nagsasabi sila ng totoo. Umalis na tayo.”

HGHM2: Memories of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon