Shane's POV
Pagdating namin ni Uno sa ospital, nakita namin agad ang mga magulang ni Queeny na nakaupo sa bench sa labas ng room.
"Lolo! Lola!" Agad namang tumakbo si Chandrielle sa kanila at niyakap ang mga 'to.
"Hi Chandrielle!" Sabay na bati nila.
Pagkatapos nilang maglamabingan, nakayakap lang ang Mama ni Queeny sa anak ko.
"Pwede ka ba naming makausap?" Tanong naman ng Daddy ni Queeny kay Uno.
"Sige po."
"Chan, we will just talk with your Daddy." Sabi ng Mama ni Uno kay Chandrielle.
"Ako na lang po muna ang magbabantay sa kanya." I offered.
Hinawakan ko si Chandrielle saka sila umalis para makapag-usap. Naiwan lang kami ni Chandrielle na nasa labas ng room ng Mama ni Uno. Gusto kong pumasok para kamustahin ang kalagayan niya pero natatakot ako at baka magalit na naman siya at mas lalo pang lumala ang kalagayan niya.
"Is Lola okay Tita Shane?" tanong ni Chandrielle sa'kin na nakaupo sa mga hita ko.
"SHe's fine Chandrielle. You want to go in?" Tanong ko sa kanya.
Tumango naman siya kata tumayo na rin ako para papasukin siya. Hihintayin ko na lang siya dito sa labas. Pero bigla na lang bumukas ang pinto ng room.
"Mommy"
Binitawan ni Chandrielle ang kamay ko pagkatapos niyang makita si Queeny. Agad siyang tumakbo dito na para bang balewala na ako. Nasakan ako, pero hindi pa niya dapat malaman ang katotohanan dahil maguguluhan lang siya. Masyado pa siyang bata para maintindihan ang problema namin.
"Hi baby! I miss you!"
"I miss you too Mommy!"
Binuhat ni Queeny si Chandrielle saka sila naupo sa bench na inupuan namin kanina. Ngumiti siya sa'kin pagkatapos. I was expecting her na galit.
"Pwede ka bang pumasok muna? Gusto ka kasing makausap ni Tita. Actually tatawagan ka na sana namin."
Kinabahan ako sa narinig ko.
"Okay lang ba 'yun? Baka kasi mas lalo pa siyang hindi maging okay?" Tanong ko sa kanya pero umiling lang siya.
"Sige." I said.
Kahit na labag sa loob ko pumasok pa rin ako. Inihanda ko na ang sarili ko na mapapagalitan pero sinalubong niya ako ng ngiti pagkapasok ko.
"Maupo ka." Mahinahong sambit niya. Tumango lang ako saka ako naupo sa upuan na nasa tabi niya.
"Kamusta na po kayo?" Malumanay na tanong ko sa kanya.
"I'm not okay. May sakit ako." She started. "May taning na ang buhay ko. Nung umalis ka, binigyan ako ng dokto ng tatlong taon. Swerte na lang daw kung tatagal pa akong limang taon. Malapit na akong pumanaw. Nararamadan ko na ang panghihina ng katawan ko.
Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Nasanay kasi ako na parang walang kinatatakutan ang Mama ni Uno tuwing nakikita ko siya. lagi siyang palaban pero ngayon kitang-kita ko ang kahinaan niya. Nakita ko ang takot niya. At hindi ko inasahan na malubha pala ang sakit niya.
"Alam po ba 'to ni Uno?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi. Nilihim ko 'to sa kanya sa mahabang panahon. Pero maghahanap ako ng tamang oras dahil alam kong malalaman at malalaman rin naman niya ang totoo."
Tahimik na ako pagkatapos nun. Hindi ko rin kasi alam kug anong sasabihin ko. Pero naaawa ako sa kanya. Hindi kami nagkasundo ng ilang taon pero ayoko paring mawala siya. Ni minsan hindi ko hiniling iyon.