"Jed. I'm Jed." Pagpapakilala naman ni Jed.
Kitang-kita ko ang pagkalito sa mukha ni Jed pero he just went with the flow. Sinakyan lang niya ang kunyari unang pagkikita nila ni Uno. Ako naman, blankong-blanko ang utak ko.
"Uno. Nice to meet you ?" Tanong ni Uno saka niya inabot sa'kin ang kanang kamay niya para makipag shake hands.
Bakit hindi niya ako nakikilala?
"Shane. She's Shane." Jed answered Uno for me dahil walang boses na lumabas sa bibig ko. Nakatitig lang ako kay Uno. Nag-iisip kung bakit hindi niya ako makilala.
"I see. Nice to meet you Shane." He said with a friendly expression on his face.
"Let's go?" Tanong ni Uno kay Queeny.
"Shane. I'm sorry hindi ko agad nasabi sa'yo. But I will explain it next time kung magkikita tayo." Queeny stated. "Can I get your number?" She asked me. Tumango naman ako saka ko sinave ang number ko sa cellphone niya.
"I'll call you tomorrow." She assured me.
Pinanood ko lang silang pumasok sa kotse nila saka sila lumayo sa'min ni Jed. Kahit na isang salita, walang lumabas mula sa bibig ko dahil sa sobrang pagkagulat ko. I was caught off guard. Bakit ganun? Totoo bang hindi niya ako naaalala? O pagpapanggap lang niya iyon.
Kung totoo ngang hindi niya ako maalala, ibig sabihin nagka amnesia siya. Pero anong nangyari sa kanya?
"Shane, are you okay?" Jed asked me.
"I'm..I'm okay." I answered him back. "Uuwi na ako. I'm tired."
Agad akong pumasok sa kotse ko at iniwan si Jed. Habang nagmamaneho ako, ang daming pumasok sa isipan ko. Ang pagkawala ni Tita Anji at ang nangyari kay Uno. Naalala ko iyong sinabi nang Boss ng loan shark na na aksidente ang sinasakyan ni Tita. Hindi kaya magkasama sila ni Uno nang maaksidente sila kaya binawian ng buhay si Tita at nawala ang alaala ni Uno?
"Aghhh!!!"
Hinampas-hampas ako ang steering wheel ng kotse ko dahil sa galit at pagkalito ko. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.
Apat na taon na ang lumipas at sinigurado kong kontrolado ko na ang nararamdaman ko kay Uno bago ako nag desisyun na umuwi ng Pilipinas. Inakala ko noon, hindi na siya ganoon ka halaga sa'kin para masaktan pa niya ang damdamin ko. Pero bakit ganun? Bakit nasasaktan ako pagkatapos ko siyang makita uli? Nasasaktan ako dahil hindi na niya ako maalala ngayon.
This is unfair.
Nakalimutan na ako ani baby Chan. Nakalimutan na ako ni Uno. Sana nakalimutan ko na rin sila para di ako masasaktan ng ganito. Sana nagka amnesia nalang din ako.
-HGHM-
"Shane! It's good to see you again. Kanina ka pa ba?" Tanong ni Queeny sa'kin.
"Hindi naman masyado. Please sit sit down." Sambit ko sa kanya saka siya naupo sa harap ko.
Tinawagan ako ni Queeny at naisipan na magkita ulit kami sa same coffee shop kahapon.
"I don't know where to start Shane. Pero believe me, sasabihin ko naman sana sa'yo kahapon ang totoong nangyari kay Uno pero natakot ako. I'm really sorry." Sabi niya.
"Hindi mo naman kailangang humingi ng pasensya Queeny. Matagal na kaming wala ni Uno. May isa lang akong gustong malaman sana."
"Ano iyon?"
"Bakit nag ka amnesia si Uno? Anong nangyari?"
Huminga ng malamin si Queeny at nag-isip.
"Pinagsabihan ako ni Tita na huwag sabihin kahit na kanino ang nangyari kay Uno. Pero I know you deserve to know Shane. Kahit na wala na kayo, you still have the right to know kung anong dahilan kung bakit siya nagkakaganito ngayon. Naaksidente si Uno four years ago. Nong araw na umalis ka, sinundan ka niya sa airport para pigilan ka sa pag-alis. Pero siguro dahil sa pagmamdali niya, na aksidente ang kotse niya. He was in a state of comma for 1 week. We all thought we would lose him pero God was so good to us. Binalik niya si Uno sa'min, pero nawala sa isipan niya ang lahat ng ala-ala niya. Including you Shane."
Ayokong ipahalata kay Queeny na naaapektuhan ako. Ayokong ipahalata sa kanya na nasasaktan ako pero kahit anong pagtago ko sa nararamdaman ko, hindi ko mapigilan ang mapaiyak sa harapan ni Queeny.
Apat na taon na ang lumipas pero isa parin si Uno sa mga kahinaan ko. I still care for him. I know what I'm feeling right now is wrong. May fiance na siya at may boyfriend na ako. Pero sinasabi ng puso ko na I still have feelings for Uno. Four years is not enough para burahin siya sa puso ko.
"I'm sorry Shane. I'm sorry. I tried. I tried to let him remember ang pagmamahalan niyong dalawa. Pagkatapos niyang ma discharge sa ospital, sinubukan kong ipaalala ang tungkol sa inyong dalawa pero pinagbawalan ako ni Tita dahil sumasakit ang ulo ni Uno sa tuwing sinusubukan kong ipaalala ka. Pero now that you're back, I'll try my best to bring his memories back."
"You don't need to say sorry Queeny. Hindi mo naman kailangang gawin iyon. Engaged na kayo. Ikaw na ang mahal niya. Nakalimutan na niya ako and I know that's the best for Uno now. Iniwan ko na siya kaya wala na akong karapatan pa para ipaalala sa kanya ang tungkol sa aming dalawa. My only concern kung bakit ko tinanong kung anong nangyari kay Uno dahil gusto kong malaman ang dahilan kung bakit nawala ang Tita ko." Sambit ko kay Queeny.
"Iyong Tita ba na tinutukoy mo ay ang Tita na pinuntahan natin nong gabing nalaman ng Mama ni Uno ang tungkol sa inyo?" Tanong ni Queeny at tumango lang ako.
"Pagka uwi ko ng Pilipinas. Hinanap ko agad si Tita Anji pero wala na pala siya. May nakapag sabi sa'kin na na aksidente daw siya sa kotse. Kung tama ang kutob ko, baka magkasama sila ni Uno noon?"
"Sa pagkaka alam ko Shane. Tanging si Uno lang ang nasa loob ng kotse nong araw na maaksidente siya."
"Sigurado ka ba?" Tanong ko kay Queeny.
Malakas ang kutob ko na magkasama sila Tita Anji at Uno kaya nangyari iyon. Pero baka gusto ko lang talagang ipilit sa isipan ko na magkasama sila para hindi na ako masaktan pa sa nangyari kay Tita Anji.
"Sigurado ako Shane. Pero pwede mong itanong sa Mama ni Uno dahil siya lang naman ang nagkuwento sa'kin."
Pagkatapos banggitin ni Queeny ang Mama ni Uno, bumalik na naman sa isipan ko ang araw na nagkita kami sa snack haus. Sa loob ng apat na taon, pinapasok ko sa utak ko na tama ang naging desisyun ko. Pero ngayon, hindi na ako sigurado kung tama ba talaga ang ginawa ko. Hindi ko mapigilang isipin na kung hindi ko kaya tinanggap ang pera ng Mama ni Uno, buhay pa kaya si Tita Anji? Naaalala pa kaya ako ni Uno sana?
"Shane are you okay?" Queeny asked me pagkatapos niyang mapansin na parang wala ako sa matinong pag-iisip.
"Queeny. Do you still love Jed?" I asked her.
Tinanong ko sa kanya iyon hindi dahil sa natatakot akong mawala si Jed sa'kin. Tinanong ko iyon dahil gusto kong malaman kung mahal ba niya talaga si Uno, and I cannot asked her that directly dahil nahihiya ako.
----------
AN: Sorry po hindi ako nakapag upadte kahapon. May ginawa lang. See you bukas. Bukas ulit ang update. comment and vote :) and thank you sa mga supportes :*
![](https://img.wattpad.com/cover/16866150-288-k867749.jpg)