Chapter 9: Dreams

39.1K 630 43
                                    

Pagkatapos ng limang oras na byahe, nakarating na rin kami ni Uno sa unang site na bibisitahin namin. Kahit nakaupo lang ako buong byahe, napagod pa rin ako. Sumakit ang pwet ko kakaupo sa sasakyan ni Uno. Nagkwentuhan naman kami kahit papano pero awkward pa rin talaga kaming dalawa. Lalo na ako.

Tinulungan ako ni Uno na sa pagpalabas ng mga gamit ko mula sa trunk ng ktose niya. Sabay na rin kaming pumunta sa resthouse where we can stay for 2 days and 2 nights. Tatlong sites ang pupuntahan namin ni Uno para makapili sila ng lugar na gusto nilang pagtayuan ng resort.

"We will stay here while checking the site. Pasensya ka na at iisa lang ang rest house. Marami namang rooms kaya may privacy pa rin tayo kahit papano. Sa taas ako at sa baba ka naman. You can check the rooms dito sa first floor. Pumili ka lang kung saan ka komportable. I will just go up to arrange my things." Sambit ko sabay turo sa taas.

"Thanks." Matipid na sagot niya.

Nagsimula na akong umakyat sa hagdan habang dala-dala ko ang maleta ko.

"Do you need help?" Tanong niya sa'kin.

"Hindi na. Kaya ko na." I said. "Oo nga pala. Alam ko napagod ka sa byahe kaya magpahinga na lang muna tayo. Magkita na lang tayo ng 4 pm para malibot na kita sa buong lugar." Pagpapatuloy ko at tumango naman siya.

Dumeretso na ako sa taas at pinili ang pinakadulong room. First time ko rin sa sa rest house ni Jed pero medyo alam ko na ang pasikot sikot dahil nakikita ko ito sa pictures. Kahit nasa New York si Jed sa loob ng apat na taon, bumabalik ito sa Pilipinas  para icheck ang branch namin pagkatapos naming pag expand.

Pumasok na ako sa kwarto ko at humiga agad sa kama. Talagang mapaglaro ang tadhana. Bakit kahit anong gawin kong paglimot kay Uno minumulto pa rin iya ako?

Sa sobrang pag-iisip ko, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Almost 4 pm na nang magising ako. Agad naman akong naghanda saka ako bumaba ng rest house.

"Good afteroon." Uno greeted me pagkatapos kong bumaba. 

"Good afternoon." I greeted him back while he was seating on the couch and watching TV.

"Handa ka na?" Tanong ko sa kanya. 

"Yup. Kanina pa. Hindi kasi ako natulog dahil nag-usap kami ni Queeny at ni Chandrielle kanina..."

"Okay. Then let's go. Sayang ang oras." I said while interrupting him. Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita dahil hindi ko naman gusto ang topic niya.

Nauna na ako sa kotse ni Uno na nakaparada sa tapat ng rest house. Hindi na rin ako naghintay na pagbuksan pa niya ako ng pinto. 

"Galit ka ba?" Tanong niya sa'kin pagkatapos niyang maupo sa driver's seat.

"Hindi. Bakit naman ako magagalit sa'yo?"

"Para kasing wala ka sa mood." He stated.

"Sa'yo na mismo nanggaling iyan. Wala lang ako sa mood pero hindi ako galit."

"Napagod ka siguro sa byahe. Pwede namang bukas nalang natin simulan iyong paglilibot sa site para makapagpahinga ka."

"Hindi na kailangan. As much as possible gusto kong matapos agad ito para hindi na tayo abutin ng isang linggo." I said coldly.

I felt guilty inside, pero mas mabuti nang ganito kami ni Uno. Ayokong maging friendly sa kanya dahil mahirap na.

Tumango lang si Uno saka niya pinaandar ang makina ng kotse. Sa buong limang minuto na nasa loob kami ng ktose, hindi ako nagsasalita. Si Uno naman nagtatanong ng kahit ano tapos tumatango lang ako o di kaya sumasagot ng konti lang.

"Paki park na lang dito." I said.

Nasa ilalim ang kotse namin sa malaking puno saka ako lumabas. Hinintay ko si Uno saka ako naglakad papalayo sa kotse.

"Fourty hectares ang buong lugar na 'to." Pagsisimula ko. "Malamig ang hangin dahil maraming puno. Clean and green.Malawak ang paligid. You can build man made sea here in the center and connect it sa dagat  15 hectares away from here." Sabi ko.

Naglalakad lang kami ni Uno habang pinapanood niya ang paligid. Wala naman kaming ibang makikitak kundi puno lang. Puno sa kanan, puno sa kaliwa, puno sa harap.

"Maganda ang lugar. Malaki ang espasyo. Iyong sa ikalawang site ba ganito din?" Uno asked me.

"Ang pangalawang site na pupuntahan natin nasa may bundok naman. Dito malapit sa dagat, sa ibang site nasa may bundok at iyong pangatlong site naman nasa may liblib na lugar. Walang dagat pero may mga spring." I explained while avoiding his eyes. 

"Wala pa masyadong resort sa lugar na'to kaya wala masyadong ka kompetensya. Ang dagat ba dito malinis?" Tanong niya.

"Tignan na lang natin para makita mo mismo sa mga mata mo."

Naglakad kami ni Uno papunta sa may dagat. Ilang minuto lang ang lumipas at kitang-kita na namin ni Uno ang dagat. Unti-unting pumupula ang araw habang unti-unti itong kinakain ng dagat.

Kahit ayokong isipin ang nakaraan, kusa itong bumabalik sa isipan ko. Apat na taon na ang lumipas pero malinaw na malinaw pa rin ito sa isipan ko na para bang kahapon lang nangyari ang lahat.

Ako. Si Uno. Si Baby Chan. Buo. Masaya.

"Bakit ka umiiyak?" Tanong ni Uno sa'kin.

Agad ko namang pinahiran ang mga luha ko.

"Nothing."

"Halika." Sambit niya saka niya hinawakan ang kamay ko at hinila papalapit pa sa dagat. "Maupo ka." Sabi niya.

Magkatabi kaming umupo ni Uno habang nakaharap kami sa dagat.

"Sa tuwing nalulungkot ako. Umuupo lang ako sa harap ng dagat habang tinitignan ito. Habang pinapakinggan ang alon. Pinapawi nito ang lungkot ko. Kaya sigurado akong mawawala rin iyang dinaramdam mong lungkot Shane." Sabi ni Uno.

Hindi ako umimik. Pinapanood ko lang ang araw na dahan-dahang lumulubog.

"Halos gabi-gabi nananaginip ako. Ako, si Chandrielle at isang babae. Masaya kaming tatlo na parang isang buong pamilya." Pagkukwento ni Uno.

"Si Queeny ba ang babaeng iyon? Ang fiance mo?" I asked him.

"Hindi ko makita ang mukha ng babae kaya hindi ako sigurado kugn si Queeny ba iyon. Pero pakiramdam ko ibang babae iyon. Hindi si Queeny. Iba ang nararamdaman ko." He answered saka siya tumingin sa'kin.

"Sigurado ka ba talagang ngayon lang tayo nagkakilala Shane?" Tanong niya sa'kin.

"What do you mean?"

"Hindi kita matandaan. Hindi ko alam kung anong koneksyon nating dalawa sa nakaraan ko pero bakit ganun? Iba ang nararamdaman ko sa'yo?"

"Kababablik ko lang galing States. Kaya there's no way na magkakilala tayo. May fiance ka na. For Pete's sake Uno! Ikakasal ka na at may boyfriend na rin ako. May kanya-kanya tayong buhay kaya sana... Huwag mo nang ipilit iyang nararamdaman mong magkakilala tayo." Galit na sigaw ko sa kanya.

Agad naman akong tumayo at tumalikod. Dali-dali akong naglakad patungo sa kotse ni Uno. 

Bakit ganun? Wala na siyang maalala. Hindi niya ako maalala at inakala kong mas madali iyon para sa'ming dalawa pero bakit mas lalong naging mahirap?

---------

AN: Bukas ulit ang next update. Comment. Vote and add me on facebook. https://www.facebook.com/loveorhatethisgurl.wp

HGHM2: Memories of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon