"Nawawala ang kwintas ko!" Bulalas ko saka ako tumayo para hanapin 'yun.
Apat na taon ko ring hindi 'yun inalis sa leeg ko. Apat na taon ko 'yung iningatan tapos mawawala na lang basta-basta. Hinanap ko sa banyo, sa ilalim ng kama, sa couch at kung saan-saan pa pero talagang hindi ko na nakita. Isang oras na akong naghahanap at tumutulo na ang pawis sa gilid ng noo ko.
"Siguro mas tama na rin na nawala 'yun." Sambit ko saka ako naupo sa couch.
Hindi ko na dapat hinanap 'yun total balak ko rin naman na tanggalin na ang kwintas.
-HGHM-
Kinabukasan, hindi kami pumuntang opisina ni Jed para magtrabaho. Nag day off kaming d alawa para lang masamahan niya ako sa paghahanap ko kay Benjie. Binalikan namin ang lugar na tinaguan namin ni Tita habang binubuntis ko ang anak ko.
"Andito na tayo Shane." Sambit ni Jed saka niya pinatay ang makina ng kotse.
Binuksan ko ang pinto saka ako lumabas. Sumunod din naman si Jed. Nakatingin lang ako sa kabuuan ng ospital saka bumalik sa'kin ang mga ala-ala namin ni Tita.
Dinala ako ni Tita dito pagkatapos pumutok ng palatubigan ko. Hanggang ngayon, alalang-alala ko pa rin ang nararamdaman ko nun. Excited pero nangunguna ang kaba ko. Hindi nawala sa isipan ko na baka 'yun na ang huling araw na mabubuhay ako sa mundo. Pero ang importante lang, mailabas ko ng maayos ang anak ko kahit na hindi ako mabuhay.
Ewan ko ba pero ilang araw bago ako nanganak nun, malakas na talaga ang loob ko na may masamang mangyayari. At meron nga, naging kumplikado ang sitwasyon ng anak ko kaya kailangan ng emergency CS. Hindi ko na alam kung anong sumunod na pangyayaring 'yun. Sabi ni Tita wala na ang anak ko pero ngayon, buhay pa pala siya.
"Tayo na?" Tanong ni Jed sa'kin.
Hinawakan niya ang kamay ko saka kami pumasok sa loob ng ospital. Ganitong-ganito rin ang naramdaman ko nung araw ng panganganak ko.
Excited akong malaman kung nasaan na talaga ang anak ko pero pinangungunahan na naman ako ng kaba dahil baka wala na kaming mahanap na impormasyon.
"Everything's going to be okay Shane." Sambit ni Jed.
I just smiled. Kahit na nakatalikod ako sa kanya, alam na alam niya na may problema ako or kung may malalim akong iniisip. 'Yan ang gusto ko kay Jed. Basang-basa niya ang utak at puso ko.
Lumapit kami sa information center ng ospital para magtanong para sa mga records. Ayaw sana nilang ibigay dahil confidential daw 'yun pero napilit ko sila at napatunayan kong ako ang pasyente. Limang taon na ang lumipas at hindi na nila hawak ang mga files kaya pinalapit niya kami kay Mrs. Patricia na siyang naghahawak ng mga dating files.
"Nililinis kasi namin ang mga files ng pasyente every five years." Paliwanag ni Mrs. Patricia habang hinahanap niya ang file ko sa mga box.
"Okay lang po 'yun." Sambit ko habang nakaupo lang kami ni Jed.
Kaming tatlo lang ang nasa isang kwarto na punong-puno ng mga kahon at patong-patong na mga folder.
"Hindi mo na ba talaga maala kung sino ang nagpaanak sa'yo nang araw na 'yun?"
"Hindi po eh. Hindi ko rin po kasi alam ang pangalan niya. Sobrang kinabahan po ako 'nun na para bang wala ako sa tamang pag-iisip ko. Pakiramdam ko po nun huling araw ko na 'yun."
"Naiintindihan kita. Lahat naman siguro tayong mga babae nasa hukay ang isang paa sa tuwing nanganganak tayo."
Kalahating oras na ang lumipas pero hindi pa rin nahanap ni Mrs. Patricia ang files na kailangan ko kaya tumulong na kami ni Jed.
Naka sampung box na ako pero hindi ko pa rin nakita ang files ko. Halos kainin na nga ako ng buhay ng mga alikabok.
"Pat, eto nang pinabibili mo." Sambit ng isang matandang babae na halos ka edad rin ni Mrs. Patricia. Nasa mid 60's na ang edad nito, may suot na malaking eye glasses at naka bun ang buhok nito.
"Salamat. Pakilagay na lang diyan." Sagot ni Mrs. Patricia.
"Ano bang hinahanap mo?" Tanong niya saka niya nilapag sa mesa ang isang supot.
"Files limang taon na ang nakakaraan. Alam ko andit lang 'yun eh." Sagot ni Mrs. Pat habang patuloy pa rin siya sa paghahanap.
Ako rin naman at si Jed naghahanap pa rin. Pero nararamdaman kong kanina pa ako tinitignan ng bisita ni Mrs. Patricia na para bang pinag-aaralan niya ang mukha ko.
"Eto na!" Bulalas ni Mrs. Patricia. "Sa wakas nahanap na rin ktia."
Para naman akong nabunutan ng isang tinik pagkatapos kong marinig 'yun. Binuksan na ni Mrs. Patricia ang folder saka niya binasa 'yun.
"Si Doc. Cardoval pala ang naging doctor mo?"
"Saan ko po siya makikita?" Tanong ko sa kanya.
"Naku iha. Wala na si Doctor Cardoval. Namatay siya sa aksidente isang taon na ang lumipas."
Parang gumuho ang mundo ko sa narinig ko. Wala na si Tita kaya hindi ko na malalaman ang sagot. Ngayon naman, wala na rin ang doctor na tanging nakakaalam sa mga nangyari limang taon na ang lumipas.
"Wala na po bang ibang nakakaalam sa nangyari noon po? Sa mga nurse po baka po may pwede akong mapagtanungan." Pakisaup ko sa kanya habang pinipigilan ko ang mga luha ko.
"Pasensya ka na iha pero hindi namin sinusulat ang mga nurse na nag assist dito. Karamihan kasi sa mga nurse na nag aassist sa mga doctor trainee lang."
"Ikaw ba 'yung batang nanganak limang taon na ang nakaraan?" Tanong ng bisita ni Mrs. Patricia. "Para kasing kamukha mo 'yun. Tama. Si Anji. 'Yung nanay. Anji ang pangalan niya diba?"
Dininig ng Panginoon ang panalangin ko. Sana talaga. Sana lang. May makuha akong impormasyon kahit konti.
"Naalala niyo po ba ako? Anji po ang pangalan ng kasama ko pero hindi ko siya nanay. Tita ko po siya." Sambit ko.
"Ay ganun ba? Para kasing sinabi niya sa'kin na anak ka niya. Baka anak ang turing niya sa'yo ang ibig sabihin 'nun. Pero iha, andun ako nang araw na manganak ka. Hinahanap mo ba ang anak mo?"
Bigla akong napalapit sa kanya saka ko hinawakan ang dalawang kamay niya.
"Opo. Opo. Nalaman ko pong buhay ang anak ko. Nalaman ko pong buhay si Benjie. May alam po ba kayo kung nasaan siya? Kahit konting impormasyon lang po."
"Benjie? Hindi ba babae 'yung anak mo?"
-------------
AN: Pasensya na po talaga at natagalan ang update. Huhu. Guilty na guilty ako kaya di ako natulog ngayon dahil pinilit kong makapag update. Sobrang busy ko kasi. Nawili ako sa pagawa ng video. May ginagawa akong manuscript dahil malapit na deadline at may mga inasikaso ako. Huhu. Enjoy the update. malapit na 'to matapos. Siguro mga sampung chapters XD