Chapter 1 - That Night When He Broke Me

8.5K 215 59
                                    


Six months ago...

Pinagmasdan ko ang marahang pagpatak ng ulan sa labas. Malamig ang simoy ng hangin ngayon at hindi nakakatulong ang lamig ng aircon dito sa loob ng coffee shop. Siguro dahil Disyembre na o kaya naman dahil may bagyo na naman ata sa bansa kaya ganito ang panahon.

Bahagya kong sinilip ang cellphone ko, hoping to see a message from him. Kanina pa kase ako dito sa loob. Mag-iisang oras na akong naghihintay at mag-aalas kwatro na rin ng hapon. Dapat kanina pang alas-tres siya nandito dahil yun ang usapan namin. Kanina ko pa ring naubos ang iniinom kong Frappé at pinagtitinginan na rin ako ng ibang mga customer. Mukha siguro akong inindyan ng date ko.

Pero hindi nga ba?

"Oh c'mon Travis! answer your phone!" bulong ko habang mabilis na idina-dial ang number niya sa panglimang beses. He should have at least texted me para may idea man lang sana ako kung nasaan na siya. Ilang araw na rin kaming hindi nagkikita dahil bakasyon ngayon at miss na miss ko na siya. Hindi naman kase siya pumupunta sa bahay. Alam naman ng mga magulang ko ang tungkol sa relasyon namin pero hindi siya pumupunta sa amin.

Kaya nga natuwa ako nang tumawag siya kagabi at sinabing magkita kami ngayon. Sobrang na-excite ako. I was so sure that he was making up for the days that we weren't together.

But what now?

Nakailang tawag na ako pero hindi pa rin siya dumadating. The cold air inside the coffee shop is slowly getting unbearable. May suot na nga akong cardigan pero nilalamig pa rin ako. Isa pa, medyo dumadami na rin ang mga customer ng coffee shop.

Annoyed and frustrated, I reached for my bag and got up of my seat. I went straight ahead. Hindi ko na pinansin pa ang ilang mga mapag-usyoso at mapanuring tingin ng ilang mga tao sa loob na kanina pa siguro akong tinitingnan. Naiinis ako. I'm not the type of girlfriend na sobrang clingy at demanding pero nakakainis kase! ano ba naman yung mag-text man lang diba?

Mas niyakap ko pa ang suot kong cardigan nang makalabas ako ng shop. Patuloy pa rin sa pagbuhos ang ulan. Mas malakas na ito kumpara sa kanina. Mukhang nakiki-simpatya yata ang langit sa nararamdaman ko.

Inis kong pinahid ang isang butil ng luha na tumulo sa pisngi ko. This is what I don't like about myself. May pagka-sensitive at iyakin ako. Konting bagay lang pero iniiyakan ko na. Hindi ko lang talaga mapigilan. Siguro may mali sa mga tear ducts ko.

Nang medyo humina na ang ulan ay naghanda na ako para umuwi. Huminga muna ako nang malalim bago ko muling pinahid ang pisngi ko at naglakad pupunta sa may highway. May dumaan na tricycle kaya mabilis ko na itong pinara at nagpahatid na ako sa village namin.

Right. He has a reason for not showing up. I know he has.

***

Naalimpungatan ako nang marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. Someone messaged me. Dahan-dahan kong kinapa ito sa may beside table at kinuha. Ang kaninang inaantok ko pang diwa ay agad na nagising nang makita ko kung kanino galing ang message.

It's from Travis.

I glance at the time and saw that it's almost 9 pm. Pagkadating ko kase kanina sa bahay ay dumiretso na ako sa kwarto. Tinatanong nga ni Mama kung anong nangyari sa date pero hindi ko na lang sinagot. I might cry in front of her pag sinabi kong hindi ako sinipot ng boyfriend ko.

I sighed before I open his message. I'm sure mag-eexplain siya kung bakit hindi siya dumating. Though hindi ko alam kung bakit iisa lang ang text niya. I was a bit expecting na tatadtarin niya ako ng mga text at tawag.

From: Trav <3

Come outside. Nasa labas ako ng bahay niyo.

That Guy Named Eros (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon