Chapter 35 - SunDate? Not Really

2.6K 66 7
                                    

Shane's warning (or advice, whatever) kept playing inside my head. Pati na rin yung sinabi ni Kuya. Nagtataka lang kase ako. Ano bang meron kay Eros? Bakit para lagi nila akong gustong lumayo?

Well, yung kay Shane medyo naiintindihan ko naman. She likes him, I know. Siguro iniisip niyang threat ako sa pagpapapansin niya dun. Eh bakit naman ako magiging threat? As if naman makikipag-agawan ako sa kanya.

Kaso...yung kay Kuya ang di ko maintindihan. Bandmates naman sila, siguro friends din. Bakit naman ganun yung sinabi niya? Parang may alam siya kay Eros na makakasakit sa akin.

Napasapo ako sa noo ko. Marami na ang gumugulo sa isip ko dati pero simula nung sinabi nila yon mas madami na tuloy ang iniisip ko.

"Oy, bunso. Ano pang tinatayo-tayo mo diyan? Tara na!" narinig ko na lang na sabi ng Kuya ko. Sunday nga pala ngayon at pupunta kami ng family ko sa church. Pag ganitong weekends lang talaga kami nagkakaroon ng bonding moments eh. Paano eh sobrang busy ni Papa sa work. Si Mama naman busy din sa online business niya tapos syempre, kami ni Kuya naman busy sa studies.

Sumunod na ako kay Kuya palabas ng bahay. Nauna na sina Mama at Papa sa kotse. Last day na nga rin pala ng sembreak namin ngayon. One week lang naman kase. Buong isang linggo akong halos nasa bahay lang. Hay. Bukas second sem na. I did a quick calculation in my head. Ah, right. Dalawa na lang yung majors.

"May...pupuntahan po pala ako after mass, Pa, Ma" sabi ni Kuya kina Papa nang makapasok na kami ng kotse. Papa started the engine.

"May date ka, anak?" tanong ni Papa. Napatawa tuloy ako. Si Kuya naman biglang inubo. Haha! Ang cute talaga niya. Parang hindi pa rin siya sanay na may girlfriend na siya. Hay. First timer.

"Uh..." hindi maituloy ni Kuya yung sinasabi niya. Pag tingin ko namumula yung mukha niya. Hala! Who would have thought na ang leader ng aming University band ay ganito kung umasta pag wala sa harap ng maraming tao? Sayang! Dapat pala isinama ko 'to dun sa feature article ko. For sure mababatukan ako nitong kapatid ko. Haha!

Napailing-iling si Mama. Papalabas na kami sa village. "Hay...ang anak ko. Binata na talaga. May girlfriend na nga naman. Dalhin mo ulit sa atin si Janine ha?" sabi ni Mama. Dahan-dahang tumango si Kuya.

Bumaling sa akin si Mama. "Eh itong kapatid mo ba, Lance? Baka may nanliligaw na ulit hindi lang sinasabi?" biro ni Mama. Napa-pout tuloy ako. Wala nga kase!

Kaso biglang tumingin sa akin si Kuya. Bumalik yung kaseryosohan ng mukha niya. "Ma, wala pang one year simula nung nag-break sila nung si Travis. I don't think it's... okay na tumanggap agad si bunso ng manliligaw" sabi niya. Natigilan ako. Napatingin sa akin si Mama.

There's something with Kuya's tone that made me think he's pertaining to something. Well...yung kay Travis, alam ko naman na may hinanakit pa rin sila sa kanya dahil dun sa break up namin. Nasa grade school pa lang kase kami kilala na nila si Trav kaya hindi sila natuwa nung mag-break kami.

Pero feeling ko may iba pa eh. May kinalaman ba kay Eros yung sinasabi ni Kuya?

Hindi na namin ulit pinag-usapan. Mayamaya namalayan ko na lang na nasa church na kami. Ilang kilometro lang kase ang layo nito sa amin.

Naunang bumaba si Papa at Mama. Sumunod kami ni Kuya. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid. Maraming tao ngayon kase nga Sunday. May mga nasa labas na samantalang yung iba naman ay papasok pa lang din sa loob ng simbahan. May mga nagtitinda ng mga kandila sa may entrance at mga pagkain dun sa labas.

Napatingin ako sa wristwatch ko. Second mass na yung aabutin naman nito. Medyo late na kase eh. Sumunod na ako kay Kuya sa paglalakad nang mapatingin ako dun sa mga taong papalabas ng simbahan.

That Guy Named Eros (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon