Chapter 13 - Overnight

3.5K 136 20
                                    


"What? Overnight sa inyo?" tanong ko kay Meg habang busy siya sa pagkain ng Richeese. Isinubo niya muna yung huling wafer at ngumuya bago bumaling sa akin.

"Oo. Group study tayo" sagot niya sabay tingin sa akin. Alanganin naman akong napataas ng kilay. Hindi ako sure kung papayagan ako ni Mama at Papa na mag-overnight sa ibang bahay. Isa pa si Kuya, for sure  may comment din ang isang yon. Syempre babae kase ako.

"Talaga lang ah?"

"Oo nga! Ano ka ba? Bukas na kaya ang midterms!" dagdag pa niya bago ubusin ang iniinom na C2. Nasa isang convenience store kami ngayon at heto si Megan at kumakain. Hay.

"Hindi ako sure kung pwede ako" sagot ko pero nginitian lang ako niya ako. Yung ngiti na para bang sinasabing "Don't worry, Wends. I got your back". Pag talaga ngumingiti siya ng ganito alam na talagang may kung ano na namang siyang naiisip.

"Tatawagan ko na sina Flare" sagot niya pero hinawakan ko muna ang braso niya.

"Eh?! Papayagan ba ang mga yon?" I asked pero hindi na ako pinansin ni Meg. She dialled Flare's number and moments later ay magkausap na silang dalawa. Nako, pag ang dalawang 'to pa ang nagsama, panigurado talagang may maiisip na naman silang idea....o kalokohan?

"Flare Jane! Nasaan na kayo?...Nandito na kami sa 7/11....Tapos na klase mo?...Bilisan niyo naman!...Punta na tayo sa amin..." naririnig ko ang usapan nila ni Flare. Mukhang hindi pa tapos ang klase nila. Eh sina Tanya kaya? Baka naman nasa computer lab pa rin ang mga yon?

Bukas na kase ang simula ng midterm exams namin. As in bukas na agad! Kaya ayon, hassle na naman ang pagre-review. Kanina nga nung maagang umalis yung last teacher namin ay nagmamadali na rin kaming umalis sa room para makapag-review. Kaso inaya ako netong si Meg sa 7/11. Yun pala may planong mag-group study ang mga 'to.

Sina Thea at Tanya may klase pa sa Computer lab para dun sa Empowerment Technologies subject nila. Buti nga at nakuha na namin ang subject na yon last year kaya abswelto na kami ni Meg don.

Ibinaba na ni Meg ang cellphone niya at tumingin sa akin. "Ipagpapaalam ka nina Flare dun sa Kuya mo. Ako naman ang magsasabi kina Tita."

"Eh sila? Papayagan ba silang mag-overnight?" I asked pertaining to the three. Ngayon lang kase kami makakapag-overnight eh. Last year kase hindi naman namin ginagawa 'to. Paano medyo tamad kami last year. Ay. Maliban pala kay Thea.

Meg got up from her seat. "Oo naman! Actually nakapag-paalam na nga sila eh. Ikaw na lang ang hindi"

"What?! Ang daya niyo naman eh!"

"Hahahahaha peace Wends!" tawang-tawa si Meg sa akin habang papalabas kami ng store. Kainis!

Kaya ayun, pagkalabas ng tatlo diretso na kami sa amin. Grabe! Talaga bang pinaghandaan na nila 'to?! May mga dala na kase silang mga damit eh.

Nasa trabaho pa si Papa kaya si Mama lang ang dinatnan namin don. Nagulat pa nga siya nang makita na kasama ko yung apat. Tsaka si Flare kase! Yung bungad ba naman kay Mama ay...

"Yo! Tita Stellaaaa! Kikidnapin po muna namin si Wends!" malakas na sigaw ni Flare Jane pagkapasok pa lang namin sa gate at pagkakita kay Mama na nagdidilig. Napatanga tuloy sa kanya si Mama.

"Ha?"

"Ay nako Tita! Ang ibig pong sabihin ni Flare ay ipagpapaalam po sana namin si Wendy na mag-overnight sa amin. May group study po kami for our midterm exams tomorrow" agad na sabi ni Megan sabay hila kay Flare papunta sa likod. Habang nagrereklamo si Flare sa panghihila sa kanya narinig ko pang bumulong sa kanya si Meg.

"Anong kidnap ang sinasabi mo Saavedra? May kumi-kidnap ba na nagpapaalam?!"

Tss. What a weird bunch of friends I have. Napa-facepalm na lang ako.

That Guy Named Eros (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon