Nakarating ako sa likurang part ng University. Maraming mga puno dito at mukhang tambayan talaga siya dahil may mga benches sa paligid. Mabilis akong lumapit dun sa isang bench at umupo bago ko agad na pinunasan ang mga luhang patuloy pa ring tumutulo sa pisngi ko.I ruined everything, didn't I? Dahil sa reaksyon ko, paniguradong iniisip na ni Travis na hanggang ngayon...affected pa rin ako. Na kahit ilang buwan na ang lumipas, heto ako at hindi pa rin makausad. I'm still stuck at that cold, quiet evening where he ended the word "us".
Closure? Hanggang ngayon wala pa ring nangyayaring ganyan. Kase ayoko. Ayoko pa. Everytime na sinusubukan kong kausapin siya, na tanungin siya ulit kung ano bang nangyari...tumitiklop ako. Hindi ko pala kayang marinig sa kanya ulit na hindi na niya ako mahal. Kaya nga after noong Christmas vacation last year ay pinipilit ko nang iwasan siya. Kahit pa ang hirap dahil nasa iisang klase kami.
"Argh! B-bakit ba kase...bakit, Travis?" hindi ko napigilang isigaw. Nawala na sa isip ko na baka may makarinig sa akin na ibang estudyante. Ni hindi ko na nga napansin kung may ibang tao ba sa paligid. Sa ngayon wala akong pakialam. Gusto ko lang ilabas ang sakit na nararamdaman ko.
Wala naman akong narinig na nagreklamo sa pagsigaw ko kaya naisip kong wala sigurong ibang tao. Hindi na ako nag-abalang ilibot ang paningin sa paligid. Wala rin naman akong naririnig na ibang mga ingay bukod sa huni ng ilang mga ibon at ang mahina kong paghikbi.
Pero nagkamali ata ako. Ilang segundo lang ang lumipas ay nakarinig ako ng tila kaluskos sa may likuran ko. Parang may biglang gumalaw kaya agad akong napaharap dito.
What the–
"Kung sisigaw ka, siguraduhin mong hindi ka makakaistorbo"
Gulat akong napatitig kay Kuya Eros na nakaupo ngayon sa ilalim ng puno ng akasya at nakatingin sa akin. Suot-suot niya pa rin ang headphones niya pero hindi ito nakalagay sa may tenga niya kundi nasa leeg lamang. Napatingin ako sa gilid niya at napansin ko ang isang libro at ilang notebook na nakakalat sa lupa. Mukhang nag-aaral ata siya.
Medyo napahiya tuloy ako kaya mabilis kong naiyuko ang ulo ko. "S-sorry." maikli at mahina kong sambit bago ako nagsimulang maglakad paaalis. Sa dami ba naman ng pwedeng makakita sa akin na ganito, bakit si Kuya Eros pa? At bakit ba parang lagi na lang talaga kaming nagkikitang dalawa?
Ilang metro na ang layo ko sa kanya nang bigla akong mapatigil. May sinabi kase siya na ikinalingon ko.
"Bakit ka nagpunta dito?" tanong niya habang nakatingin sa akin. Medyo na-conscious tuloy ako sa itsura ko. I'm very much sure that I look like a mess. Ewan ko pero naiilang ako sa paraan ng pagtitig niya.
"S-sorry. H-hindi ko naman alam na may tao pala. Sorry kung nakaistorbo ako sa pag-aaral mo" nasabi ko na lang. Pilit kong iniiwas ang tingin ko sa kanya. Bakit ba ganun siya makatingin?
He stared at me for a few more seconds bago siya bumaling sa mga gamit niya at inayos ang mga ito. Habang ako ay nandoon pa rin sa kinatatayuan ko. I remained standing there, wiping a few drops of tears on my cheek. Nakakainis naman yung mga luha ko. Kanina tumigil na eh!
"I don't know what's wrong with you, but...please don't come near me"
My hand automatically stop in the midair when I heared him speak. Napakurap-kurap pa ako para intindihin yung sinabi niya. Nang mag-sink in sa akin ang ibig niyang sabihin ay hindi makapaniwalang napalingon ulit ako sa kanya.
Iniisip niya bang...
"Excuse me?" sagot ko. Ngayon ay nakatayo na siya sa harapan ko. Yung mga titig niya...hindi ko alam kung bakit tila may ibang emosyon akong nababasa sa mga yon. His stares...why do they seem different?
BINABASA MO ANG
That Guy Named Eros (COMPLETED)
Teen FictionBeing left broken by her ex-boyfriend, Wendy Salazar opted to follow her friends' advice. That is-to move on. Pero ewan ba niya. Kahit anong gawin niya ay patuloy pa rin siyang nasasaktan. She's trying to forget and move forward but her ex being her...