Chapter 24 - A Blond Guy Admirer?

3.2K 81 4
                                    


Si Alexis...hindi ko talaga alam kung bakit kung makalapit siya sa akin parang close kami. I mean...I was just formally introduced to him by my brother last week on their gig, yet...he's acting as if we're some sort of old friends. Okay, he's nice and cute pero...hindi pa talaga ako sanay sa pagiging friendly niya.

Nasa canteen kami ngayon nina Flare at Meg, having our usual chats for the day. We had our early dismissal due to faculty meeting. Pagkatapos i-announced kanina, umalis na agad kami sa room at dumiretso dito. Si Meg kase nagmamatakaw na naman.

Flare showed up at the canteen's entrance just moments ago. Nang tanungin ko yung dalawa pa, sabi niya mukhang nasa science lab na naman daw. Science Investigatory Project thingy. Then I just realized na may thesis nga din pala kaming pinoproblema. Uh!

"Oy" 

Mula sa pagsusulat ng draft ko ng Chapter 3 ay napalingon ako kay Flare na nakanguso sa kung saan. Tapos na akong magmeryenda kaya nag-decide ako na simulan na yung part ko pero mukhang may gustong ituro si Flare na kung ano.

"Ha?" I asked partly looking at Meg who's still busy munching her pizza. Nagkibit-balikat lang siya sa akin kaya itinaas ko ang kilay kay Flare.

"Yun nga kase!" sabi niya sabay nguso ulit sa may likod ko. "...tingnan mo Wends!"

Lumingon ako sa kung saan nakanguso si Flare. I saw no familiar face at my first glance but when I shifted my gaze sideward, I spotted Alexis talking to some college girl.

Bumaling na ako paharap. "Okay?" 

"Si Alexis yun diba?" she asked, looking at me knowingly. Inayos niya ang suot na black cap at bumuga ng hangin. Her cap has the word "BEAST" embroidered into it. "...gags! May the best man win na ba ituuu?"  halos pabulong niyang sabi.

Napakunot-noo ako. "Anong sinasabi mo?"

Pero bago pa makasagot si Flare ay naramdaman ko ang presensya sa may likod ko. It happened a bit fast. Hindi pa man ako nakakalingon ay bumungad sa harap ko ang mukha ng isang lalakeng may kulay mais na buhok. Apparently, Alexis James Lee leaned so close at my side I almost see Megan choking.

"Hi! Ms.Wendy!" masigla at nakangiti niyang bati sa akin habang hindi ko naman malaman kung ngingiti ako pabalik. Ramdam ko ang mabilis na pagpintig ng puso ko. Jeez! He startled me!

"U-uh–"

"Shet! T-tubig!" biglang sigaw ni Meg sa tabi ko. Pagtingin ko hawak-hawak niya ang dibdib at mukhang nabilaukan nga. Hala!

"Ah...this!" mabilis na iniabot ni Alexis ang hawak niyang bottled water. Dali-dali itong ininom ni Meg. Halos mahugot niya ang hininga pagkatapos.

"Thank you" kimi niyang ngiti kay Alexis na sinuklian din naman nito ng tawa.

"No worries." simpleng sagot niya tapos bumaling ulit sa akin. For the nth time, ngumiti na naman siya. "Tapos na klase mo?"

"H-ha? Ah..." I looked at Flare who's giving me the looks. Ano bang gagawin ko dito?!

"Ahm...wait! Diba member ka ng Before Dawn?" mabilis na tanong ni Flare. Ang awkward nung ngiti niya. Well, I couldn't blame her though. It's not everyday na may kumakausap sa aming member ng University band...well, except kay Kuya at kay Eros.

Alexis nodded with his lopsided grin. "Yah. I'm the most handsome member, you see" confident niyang sabi na halos mapatawa ako. That's what I like about this guy. Mukhang may sense of humor. 

Di tulad nung isa...

Meg faked a cough. Napatingin kaming tatlo sa kanya. When she realized that, mabilis niyang iniwas ang tingin at pasimpleng tiningnan yung drafts ko na nasa table pa rin. "Mas okay pa rin si Lance..." sobrang hina niyang bulong na akala mo naman hindi ko maririnig. Sus!

That Guy Named Eros (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon