First day of second sem? A total crap.At least, that's how it felt. Pagpasok ko pa lang kaninang umaga ay sumalubong na sa akin ang mga mapanuri at nakakailang na tingin ng mga nakakasalubong kong estudyante. Tinitingnan nila ako na para bang isa akong artista na biglang na-discovered. Their stares were a mixture of admiration, curiosity, jealousy? Heck, yeah. They're definitely envious.
For what reason? Ayon ang ipinamukha sa akin ni Flare nang magkita-kita kami nung lunch.
"Aba! Eh nagtaka ka pa? Ikaw ba naman ang kantahan at batiin ng main vocalists ng Before Dawn sa harap ng maraming tao! Edi syempre instant talk of the campus ang drama mo!" sabi–or mas tamang sabihing sigaw sa akin ni Flare.
Oh so dahil don? Uh! Sinasabi ko na nga ba. Akala ko pa naman makakalimutan na lang nila yung gabing yon. Mukhang hindi lang ata ako ang hindi maka-get over.
Napatakip ako sa mukha at napailing. "Eeeh? Wala lang naman kase yon! Baka trip lang talaga ni Eros bumati...?" sabi ko pero parang kahit ako ay hindi sigurado. Para kasing...hindi yung tipo ni Eros yung gagawa ng ganung bagay unless gusto niya.
So would that mean na gusto niya talaga akong batiin?
"Argh!" nahilot ko na ang sentido ko. Hanggang ngayong second sem ba naman iisipin ko 'to?! Meron pa nga akong ibang iniisip eh!
"Ah-huh. Besides, it seems like ngayon lang sila naging aware na ikaw yung kapatid ni Lance" dagdag naman ni Tanya. Well, that probably makes sense. Hindi naman kase kami madalas makitang magkasama ni Kuya dito sa University.
"Psh. Ano nang gagawin ko? Baka pag nagpasukan na yung mga taga-college dept. mas lumala pa!" inis kong sambit. Sa isang araw pa kase ang start ng second sem ng mga college students kase nga late naman silang nag-sembreak. Which means...na wala pa dito sina Eros at Kuya. Much better. Para kaseng mas nahihiya ako pag nalaman nila yung pinag-uusapan sa campus ngayon.
Tsaka yung sinabi ni Eros nung huli kaming nag-usap...
"Don't mind them na lang, Wends. Inggit lang naman yung mga yun" Tanya assured me. Tumango-tango naman sina Meg at Thea.
"That's human nature. When we see someone having something we cannot have, we tend to sulk and get jealous. Ganoon lang yon, Wends. Nagseselos sila sayo, naiinggit kase meron ka nung wala sa kanila" mahabang paliwanag ni Thea. Napatanga tuloy kami sa kanya. Mayamaya nag-slow clap si Flare.
"Naks! Iba na ang brainy! Daming alam ni Thea Marie ah?" nakakalokong sabi ni Flare. Napatahimik naman daw si Thea at napa-iwas ng tingin. Minsan kase ayaw niya na pinag-uusapan yung pagiging nerd niya. Eto namang si Flare!
But wait. "Meron ako na wala sila? Ano naman yon?" I asked. Sabay-sabay na napatingin ang apat sa akin. Tanya rolled her eyes.
"Attention. You have Eros' attention, you see" sabi niya. Natigilan tuloy ako. Ganun ba yon? Nasa akin ang attention ni Eros?
"Basta ako na ang bahala pag inaway ka ng mga yon, Wends. Pinsan ata ako ng main vocalist ng BD" proud na sabi ni Meg. Napangiti naman ako.
"And I am the leader's sister" I said, smiling. Nag-thumbs up naman sa akin sina Flare.
"Right. So tara na girls? May klase na ata eh" tumayo na si Meg mula sa bench. Sumunod naman kami at naghiwa-hiwalay pagdating sa kanya-kanya naming floors.
Kaso...kung inaakala ko na nakaka-badtrip na ang simula ng second sem ko, hindi ko alam na may mas ikaba-badtrip pa pala. Next subject namin after lunch ay yung Inquiry which is another subject for thesis making. Yun nga lang iba na yung teacher namin ngayon at di tulad last sem na hinayaan kaming mamili ng ka-group, ngayon pinag-draw lots kami tapos by-partners pa!
BINABASA MO ANG
That Guy Named Eros (COMPLETED)
Novela JuvenilBeing left broken by her ex-boyfriend, Wendy Salazar opted to follow her friends' advice. That is-to move on. Pero ewan ba niya. Kahit anong gawin niya ay patuloy pa rin siyang nasasaktan. She's trying to forget and move forward but her ex being her...