Chapter 15 - His Number

3.3K 109 13
                                    

"Uhm...ano kase..."

Huhu ayoko naaa! Nakakainis naman sina Meg eh! Bigla ba naman akong iniwan kasama ng Eros na 'to! Hindi na nga ako magkaintindihan dito kung paano ko siya haharapin!

Nagulat pa ako nang naglakad siya papalapit sa akin. Nakaupo pa rin ako sa bench kaya medyo lumayo-layo ako ng tumabi siya sa akin. Kainis! Kung nananadya nga naman ang pagkakataon parang naubos na yung mga estudyanteng naglalakad sa paligid. So that would mean na kami na lang dito?!

Pilit kong pinanatili ang tingin ko sa harap. Geez! Kalma!

"Bakit ang layo mo?" he suddenly asked na nagpapitlag sa akin. Bigla kong nailingon ang ulo ko sa gawi niya. Nakatingin din siya sa harapan. Napansin ko yung gitara na nakasabit sa kaliwang balikat niya kasama nung bag. I wonder... lagi kaya siyang nagpa-practice? O trip niya lang talaga magdala lagi ng gitara?

Hindi ko inaasahan na bigla-bigla siyang lilingon sa akin nung nakatingin ako sa kanya. Geez! Ayan tuloy hindi na ako makaiwas ng tingin!

"May gusto ka sa akin?" biglang tanong niya sakto habang nakatitig sa mga mata ko. Feeling ko unti-unti akong lumulubog sa lupa nang mag-sink in sa akin ang sinabi niya. Lagot na! Na-misinterpret na nga!

Nakakaloka yung poker face niya na nakatingin sa akin. Obviously, he doesn't like the idea of me liking him (which is of course, not the case). Gusto ko sanang sabihin na ang laki niyang assuming pero naman! Kung hindi niya siguro ako nahuling kinukunan siya ng picture patago, baka pwede pa! Kaso hindi eh. Pero grabe pa rin. Ang straightforward niya naman masyado.

Waaaaa! Ano ba Wends! Wag kang tumunganga diyan! Explain!

Tama. I just need to tell him the truth. Shocks!

"E-ehem! Ganito kase yan Er–este Kuya Eros..." panimula ko habang pilit kong sinasalubong ang mga tingin niya. Kahit medyo tensed ako ngayon...hindi ko pa rin maiwasang mapansin yung something sa mga titig niya. Para bang...para bang may kung anong emosyong naglalaban sa mga mata niya. Parang... nakakalunod.

"What?" pagbasag niya sa pagtahimik ko. Napakurap-kurap ako. Saglit kong ibinaling sa ibang direksyon ang mata ko pero ilang segundo lang din at muli kong ibinalik ang tingin sa kanya. Okay. Ba't ba kung ano-ano na yung napapansin ko?

"...I am not your admirer or whatsoever. Also, I didn't take a picture of you just to look like a stalker or something. Ganito kase yan Kuya. You know ED Scribblers, right?" tumigil ako saglit para hingiin ang sagot niya. Nang bahagya siyang tumango at sumagot ay nagpatuloy ako.

"The University's official magazine"

"Tama. Parte ako ng publication team ng EDS. I'm a photojournalist and a feature writer at...nabigyan ako ng task na i-feature ang Before Dawn and....ikaw." I said. Medyo nahiya pa nga akong banggitin yung word na 'ikaw' eh. Ewan. Para kaseng ang awkward?

I tried to remain looking at him to see his reaction. Medyo kumunot yung noo niya and the next thing I knew, he said...

"Ba't ako? Ayoko."

Okay. Medyo hindi ko ine-expect ang sagot na 'to.

"H-huh? Nako Kuya! Yun ang gusto ni Ma'am Encarnacion eh! Tsaka ng Principal na din!" mabilis kong sagot. Hala ano bang problema ng isang 'to? Dagdag exposure kaya yun!

Umiling-iling siya. "I don't like anyone tailing me around–No. I don't like you following me" diretso niyang sagot sa akin without breaking our eye contact.

That Guy Named Eros (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon