Pinagmamasdan ko ang copy ng photograph na nakita ko dun kina Eros. Naalala ko na meron nga rin pala akong kopya noon. Nakatago siya sa mga gamit ko nung bata ako at ngayon ko lang ulit siya naisip na tingnan. It was our picture, Catherine and I when we were kids, mukhang 11 years old ako dun kung hindi ako nagkakamali.
Hindi ko alam kung paano pero nung makita ko yung picture na yun kina Eros...medyo naging malinaw na sa akin kung sino nga ba si Catherine. Siya pala yung sinasabi kong pinsan kong medyo kamukha ko na hindi ko na masyadong matandaan ang pangalan. Naalala ko lang yun ulit nung magkita kami ni Tita sa may plaza.
Nung mga bata kami, makikita talaga na medyo magkamukha kami. Pwede nga ata kaming pumasang kambal eh. May ilang cases na rin akong alam na may mga magpi-pinsang magkamukha at isa na nga kami dun. Kaso matagal na kaming hindi nagkikita dahil maraming taon na rin ang nakalipas simula nung huli kaming nagpunta sa province ni Papa.
Pero nung makita ko yung isa pa niyang picture nung malaki na siya...na-realized ko na may nagbago. Magkahawig kami pero may differences pa rin naman. Yung buhok niya dun sa picture ay medyo wavy samantalang straight with side swept bangs ang sa akin. Medyo mataba rin ng konti ang pisngi niya kaysa sa akin at meron siyang dimple.
But it doesn't change the fact na magkahawig pa rin kami...
Iniisip ko tuloy, sino kaya yung nakikita ni Eros pag tinitingnan niya ako? Kaya lang ba siya lumalapit sa akin kase naaalala niya sa akin si Catherine?
Naibaba ko ang hawak kong picture at napabuntung-hininga. Ngayon ko lang naisip 'to pero...bakit kaya sila nag-break? Bakit nasa ibang bansa ang pinsan ko? At...sinong babae yung kumausap sa kanya at anong sinabi nito?
I felt my chest tightened. Nagbabadya na namang tumulo ang mga luha ko kaya mabilis ko na itong pinigil. For the past few days...nandito lang ako sa bahay. I don't have the energy to go to school after what I discovered. Nagdadahilan lang ako para hindi ako papasukin pero si Kuya...alam kong may idea siya kung bakit. Nang subukan ko namang itanong kung may balita ba sila kay Catherine... wala daw silang alam bukod dun sa nasa ibang bansa ito.
Sina Flare kino-contact ako pero nakiusap ako sa kanila na hayaan muna nila ako. Nakakatakot. Pakiramdam ko bumabalik ako sa dati. Noong mga panahong iniwan ako ni Travis. Ayoko pero h-hindi ko mapigilan eh. I needed a time for myself.
I...I'm not yet communicating with him and he's not contacting me either. He's not trying to text me or call me. Hindi rin siya nagme-message sa Facebook. So, maybe...maybe that's his way of telling me that I was right. Na pinapaasa niya lang ako.
Napatawa ako nang mapait. I'm so stupid.
Napatingin ako sa phone ko nang bigla itong tumunog. Dahan-dahan akong gumalaw sa pagkakahiga sa kama ko para abutin ang phone sa beside table. Bumungad sa akin ang message ni Flare. Napakurap-kurap ako.
From: Flare Jane
That's it! Hindi na kami papayag na hindi ka papasok ngayon, Wendy Claire! MALAPIT NA KAMI SA BAHAY NIYO! MAG-AYOS-AYOS KA NA!
---
Napabangon tuloy ako sa kama ko pagkabasa ko nung text. Papunta dito sina Flare?! Pero 6:20 am pa lang...
Hindi pa natatagalan nung mabasa ko yung text ay bigla na lang may kumatok sa pinto. Kasunod noon ay ang nakakabinging boses ni Flare Jane.
"TAENA! WENDY CLAIRE! LUMABAS KA NA DIYAN O PAPASOK KAMI!"
Sa lakas ng boses niya kahit nandoon siya sa labas ng kwarto para ko na rin siyang kaharap. Dahan-dahan akong tumayo. Ramdam ko pa rin ang panlalambot ng mga tuhod ko hanggang sa makarating ako sa pinto at mabuksan ko ito. The moment the door opened, Flare, Thea and Tanya entered my room.
BINABASA MO ANG
That Guy Named Eros (COMPLETED)
Teen FictionBeing left broken by her ex-boyfriend, Wendy Salazar opted to follow her friends' advice. That is-to move on. Pero ewan ba niya. Kahit anong gawin niya ay patuloy pa rin siyang nasasaktan. She's trying to forget and move forward but her ex being her...