Present time...
Naramdaman ko ang paggalaw ng kama ko at ang mga mahihinang boses sa paligid. Bahagyang napakunot ang noo ko pero pinilit kong 'wag pansinin ang mga ingay. I mumble a soft 'go away' to whatever or whoever are disturbing me from my sleep. I remained closing my eyes.
Pero hindi pa natatagalan ay isang matinis at nakabibinging sigaw ang gumambala sa balak ko pa sanang pagtulog. Agad tuloy akong napatakip ng tenga. Tsk. Parang megaphone!
"HOY WENDY CLAIRE SALAZAR!!! BAKA PO GUSTO MONG BUMANGON!" sigaw ng isang babae-sa boses pa lang ay alam ko na kung sino.
Pero teka...
Flare?!
Agad akong napamulat at kunot-noong bumangon. Nagulat ako makita ko ang apat na babae na nakatayo at nakaupo sa may paanan ng kama ko. Yung isa nakaupo sa may kama, yung isa nakasandal sa pinto, yung isa naman ay nakatayo habang nakapamewang at yung isa, nakaupo sa may upuan sa harap ng cabinet ko habang naka-cross legs. Lahat sila ay tinitingnan ako na parang bwisit na bwisit na sila sa akin.
Anong ginagawa ng mga 'to dito?!
"What the heck girls?! Bakit kayo nasa kwarto ko?!" gulat kong sigaw sa mga babaeng nasa harapan ko. These girls are the WeGirls-minus me. Mga kabarkada ko sila and the name WeGirls is actually short for "WeekdayGirls" dahil yung mga initials ng mga pangalan namin ay parang days of the week. Corny ba? Psh. Sisihin si Meg. Siya nakaisip non eh.
Mas lalo atang nag-isang linya ang kilay ng babaeng nakapamewang sa harap ko ngayon. Si Flare. Ang warfreak at megaphone ng barkada namin. Tsk. Ang aga-aga pa para magsisigaw siya. Huhu.
"ABA! EDI SINUSUNDO KA! WALA KA BANG PLANONG PUMASOK?!" muli niyang sigaw na halos ikabingi ko na. Trust Flare to give you an early eardrums-shattering welcome greeting. Specialty niya kase yon.
"Hoy Flare Jane! Mahiya ka naman kay Tita Stella! Kung makasigaw ka parang bahay mo ah!" awat naman ni Meg, ang babaeng nakasandal sa pinto. Umiling-iling pa siya habang ngumunguya at nagpapalobo ng bubble gum. Maraming nagsasabing cool siyang babae. Madaldal, masarap kasama at friendly.
Thankfully, mukhang nahiya kahit papano si Flare at nag-step back na siya. Buti naman dahil ayokong pasukin pa kami dito ni Mama. Baka akalain niya kung ano pang nangyayari.
Napatingin ako sa alarm clock ko sa beside table. It's almost 6:20 am and supposedly ay nag-aayos
na ako para sa school na magsisimula ng 7:30. But here I am, still in my bed, almost dozing off to sleep again if not only for these girls who suddenly barged into my room."Ano na namang drama yan Wends? Dahil na naman kay Travis?" natigilan ako sa sinabi ni Tanya. Napalingon ako sa kanya habang naka-cross legs pa rin siya sa may upuan ko. She stared at me, as if naiirita siya sa akin. Well...Tanya is always like this. Kung titingnan parang ang sungit niya. She's also our group's sassy girl. May pagka-sosyalera ang isang 'to.
Medyo natigilan ako sa sinabi niya. Naalala ko na naman yung nabasa ko kagabi sa Facebook na dahilan kung bakit bigla akong nawalan ng ganang pumasok.
Si Travis...may girlfriend na.
"Most probably kaya ka ganyan umakto ay dahil sa nalaman mo yung kay Travis. Bigla kang nawalan ng ganang pumasok just like what we had predicted. Looks like we're accurate after all" bigla namang salita ni Thea na nagta-type ng kung ano habang naka-upo sa may paanan ng kama ko. She still wears her glasses kaya lalo siyang nagmukhang matalino. But that's true though. Siya kase ang may pagka-nerd sa grupo.
BINABASA MO ANG
That Guy Named Eros (COMPLETED)
Teen FictionBeing left broken by her ex-boyfriend, Wendy Salazar opted to follow her friends' advice. That is-to move on. Pero ewan ba niya. Kahit anong gawin niya ay patuloy pa rin siyang nasasaktan. She's trying to forget and move forward but her ex being her...