Chapter 46 - Distant

2.4K 56 3
                                    


Isang balita ang gumulantang sa akin pagpasok ko nung umaga. Naglalakad pa lang ako sa hallway papuntang SHS building nang makita ko yung apat na nag-aabang dun sa may ground floor malapit sa hagdan. Napakunot-noo ako habang naglalakad palapit sa kanila. Hindi ko maintindihan yung ekspresyon nila. Mukhang masaya na ewan.

"Huy!" tawag ko nang makalapit ako. Naunang napatingin sa akin si Thea at biglang nanlaki yung mata niya.

"Omg! Nandito na si Wends!" she squealed. Napalingon yung tatlo pati na rin yung ibang mga estudyante na dumadaan. 

I quickly scanned the environment. Bakit parang may iba sa mga estudyante? May nakikita akong mukhang masaya pero may ilan ring mukhang pinagbagsakan ng langit at lupa.

"Oy! Congrats Wends!" biglang hila sa akin ni Meg. Pumunta kami dun sa tabihan habang niyuyugyog na naman niya yung braso ko. Si Flare naman nakabungisngis sa akin. Tanya clapped her hands.

"Teka...teka! Bakit ba? Anong meron?" takang tanong ko. Tapos bigla na lang akong hinila ni Meg pataas dun sa hagdan.

"Huy! Anong meron?!" tanong ko ulit. Sumunod naman sa amin sa pag-akyat yung tatlo. Lumingon sa akin si Meg at ngumiti.

"Yung results and ranking ng finals, na-released na!"

Ah. Yung results lang naman p—

Wait.

"What?! Seryoso?! Omg! Ano na?! Kamusta?!" sunod-sunod kong tanong nang ma-realized ko yung sinabi ni Meg. Yung results! Hala syet! Kamusta naman kaya ang rank ko?!

Nakarating na kami sa second floor pero sumama sa amin si Flare hanggang third floor. "Syet! Wendy Claire! Ahahahah!" tawa pa niya habang paakyat kami. Hay nako. Para na naman siyang may sapi.

Maraming mga kaklase namin ang nagkukumpulan na dun sa harap ng bulletin board kung saan nakapaskil yung list. Naglakad kami papunta dun. Nakita ko si Travis na nandoon rin sa harap at nung mapalingon siya sa akin ay nginitian niya ako.

"Hey, you did a good job, Wendy!" sabi pa niya. Kinakabahan akong lumapit dun sa may bulletin board. Yung ibang mga kaklase namin biglang nagbigay ng daan sa akin. Nang nasa harap na ako ay ipinikit ko saglit ang mga mata ko.

One, two, three.

I slowly opened my eyes and looked for my name on the list. My jaw almost dropped when I finally saw my name. Omg!

"Rank 12?! Seryoso ba 'to?!" hindi makapaniwalang sigaw ko. Hala hala omg! Pasok ako sa Top 15! Yes!

"Hindi Wends, joke lang talaga yan" singit ni Flare pero nang tingnan ko siya ay sinapak niya lang ako sa braso. "Malamang totoo yan! Utak naman Wendy Claire!"

Hindi ko na pinansin pa ang snide remarks ni Flare. Tiningnan ko ulit ang list at nakita ko ang mga pangalan nila. Si Thea rank 3 pa rin, si Meg rank 6, si Flare rank 8 at rank 11 naman si Tanya.

I turned back to them and smiled. "Syet! Omg! Paano nangyari 'to?" 

"Sabi naman kase sa'yo Wends eh! Kaya mo naman!" sabi ni Thea. Pagbaling ko naman kina Meg at Flare nakangisi na sila sa akin.

"Dahil yan sa 'goodluck' ni Eros 'no?!" nakakalokong tanong sa akin ni Flare. Feeling ko tuloy biglang nag-init ang mukha ko. Waaa ano ba!

Umalis na ako sa harap ng bulletin board at pumasok sa room. Ibinaba ko ang bag ko at nakita ko naman ang pagsunod ni Meg. Nang sumilip ulit ako sa labas ay nakita ko sina Flare na naglalakad na paalis.

"Geh! Mamaya na ulit!" narinig ko pang pahabol niya bago sila tuluyang umalis. Humarap ako kay Meg at nailagay ko ang kamay ko sa mukha ko.

"Ayieeeh! Wends! Sabihin mo na kay Kuya! Matutuwa yun for sure!" sabi niya naman. 

That Guy Named Eros (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon