Ano ba ang dapat na reaction pag may isang taong nagsabi sa'yo na gusto ka niya?
Dapat bang matuwa? Mahiya? Makaramdam ng awkwardness? Kiligin?
The moment na narinig ko yung sinabi ni Eros, I was surprised to feel all of those simultaneously. I felt happy to hear that he likes me, but then eventually, I also felt shy and awkward.
Pero syempre hindi ko rin naman itatanggi. Hearing those words from him also made my heart flutter. Hindi ko alam kung bakit...ganon sa pakiramdam. It's not like it's the first time na may nagsabi sa akin ng ganon. Travis had told me even sweeter words than that but why? Why does it still felt so...refreshing, so right?
It's confusing me. Pilit kong hinahanap sa sarili ko kung bakit ganon ang naramdaman ko. Though, ang totoo, answers were almost creeping it's way to me but at some point, I'm scared to know the reason. Handa na ba ulit ako? Kaya ko na ba ulit?
I remember him asking something before he left that night. A question I failed to answer.
"Tell me it's okay. It's...just okay, right?"
Hindi ko siya nasagot. Hindi ko kase maintindihan. Okay ba na ano? Tsaka hindi ko alam kung bakit niya itinanong yon o kung para sa akin nga ba yung tanong. Because as I stared back at him that night, he looked like he's asking the question to himself, as if questioning his actions. He, as well, looked confused. I...was left speechless.
Friday na. Katatapos lang ng Christmas party namin ngayon at patuloy pa rin ang gumugulo sa isip ko. I still haven't got the chance to talk to him since that night. Hindi rin naman kase kami masyadong nagkikita ngayon eh. Siguro nga much better yon. Para kaseng hindi pa rin ako handang kausapin at makaharap siya.
Awkward pa rin naman kase. Hay.
"Buti gray yung color! Salamat ah!" narinig kong sabi ni Meg dun sa isa naming kaklase. Yung tinutukoy niya ay yung cardigan na nakuha niya sa exchange gift namin kanina. Tuwang-tuwa siya kase favorite niya yung color. Parehas sila ng pinsan niya na favorite yung gray...
Anyway, masaya naman ang Christmas party. Madami kaming naging foods at games. Hanga nga ako sa mga officers namin lalo na sa president naming si Mica. Ang galing niya kase mag-organize ng party. Kahit nga yung mga pasaway na boys napapasunod niya.
Masaya rin yung naging exchange gifts namin. I got a silver bracelet with snowflakes design galing dun sa isa naming boy classmate na si Macky. Nung binuksan ko nga yung gift kanina napuno ng kantyawan sa room. Paano kase sabi nila may crush daw sa akin yung kaklase naming yon. Hindi ko na nga lang pinansin.
Almost 4 pm na nung bumaba kami ni Meg ng SHS building. 20 minutes ago pa raw naunang matapos yung kina Thea at Tanya. Si Flare naman, nako for sure hindi naman yon magtatagal sa party.
As usual dumiretso kami ni Meg sa students' park. Naabutan namin sina Flare na nakaupo na don sa mga benches. Busy siya sa pagtingin dun sa gift niya na mukhang bagong cap. Ang hilig talaga niya dun.
"Hey! May gala pa ba tayo ngayon?" biglang tanong ni Thea. Patingin-tingin siya sa cellphone niya. "May book sale akong hahabulin eh!"
"Me, too. Uhm...I'll go to my Tita's salon later" sabi naman ni Tanya. Si Flare napasimangot.
"Wow. Lakas maka-artista talaga netong si Tanya!" komento naman niya. We just shrugged. Ganun talaga.
"So, ano? Kitakits na lang this vacation?" tanong ni Meg na nakangiti. Tiningnan ko siya. Mukhang ang saya talaga ng aura niya ngayon.
BINABASA MO ANG
That Guy Named Eros (COMPLETED)
TeenfikceBeing left broken by her ex-boyfriend, Wendy Salazar opted to follow her friends' advice. That is-to move on. Pero ewan ba niya. Kahit anong gawin niya ay patuloy pa rin siyang nasasaktan. She's trying to forget and move forward but her ex being her...