Kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kanya nang makalipas ang ilang segundo. It's just then that I realized what I have done. I tried to look up only to see him giving me a serious look."S-sorry" mahina kong sambit habang iniiwas ang tingin sa kanya. Medyo tumigil na ang pag-iyak ko pero basa pa rin ang pisngi ko. I immediately wiped it off before he could even offer me another handkerchief.
I heared no response from him though. Kaya naman dahan-dahan akong nag-angat ng tingin at nakita ko siyang may tinitingnan sa likod ko. Na-curious tuloy ako kung ano yon kaya medyo lumingon din ako. What I saw is Travis walking farther away. Mukhang kakaalis lang niya mula dun sa lugar kung saan kami nag-usap.
I heard Eros sigh kaya napaharap ulit ako sa kanya. "Tara" sabi niya na ikinagulat ko. Lalo pa nang bigla niyang hawakan ang braso ko.
"H-huh? S-saan?" I muttered. Nagsimula na siyang maglakad habang nakahawak sa braso ko kaya wala na akong nagawa kundi ang sumunod. Wait, where is he going to drag me?
"T-teka...saan?" tanong ko ulit pero nanatili lang siyang nakatingin sa unahan. Noon ko lang napansin na iba pala ang suot niya. Parang uniform ng...
Teka...
"You're going to write a feature article about me, right? Then, hindi ba dapat kasama rin doon ang paglalaro ko?" he asked. Oh right! Player nga pala siya ng volleyball!
"A-ah...uhm...oo nga. Hehe" medyo awkward ko tuloy na sagot. Kaya naman pala ganoon yung suot niya. He's wearing a black jersey short and a gray t-shirt na may nakasulat na 'ERINDALE' sa unahan at number 19 sa likod gamit ang puting pintura. Plus white rubber shoes.
Pero saan kami pupunta? Inaaya niya ba akong manuod ng laro niya?
Hindi na lang ako umimik ulit. Nakakahiya kase. Tsaka nakahawak pa rin siya sa braso ko. Para tuloy akong bata na takot mawala.
"Uy! Wendy! Kuya!" narinig namin ang pagtawag ni Megan sa amin. Nandoon na sila sa di-kalayuan, nakaupo dun sa pinakataas ng bleachers. Nandito na kami ngayon sa field na pagdadausan ng mga laro kaya marami ring mga bleachers dito.
"Dali Wends! Akyat ka na dito!" tawag ulit ni Meg. Nasa tabi niya sina Thea at Tanya na nakatingin din sa akin. Huling-huli ko pa ang mga pasimple nilang ngiti at taas-kilay nang makita nilang hawak ako ni Eros sa braso. Argh!
Tumigil kami dun sa may paanan ng bleachers. Binitawan na ni Eros yung braso ko kaya lumingon ako sa kanya. Nakatingin na naman siya sa akin. Medyo awkward pa rin sa pakiramdam. Naalala ko na naman kase yung ginawa kong pagyakap sa kanya kanina. Nakakahiya kaya!
I tried to smile a little.
"U-uh...goodluck pala..." I managed to say. Pero hindi na siya nagsalita ulit. Pagkasabi ko ng goodluck, tumango lang siya ng konti then tumalikod na siya at naglakad paalis. Ako naman ay umakyat na rin sa bleachers.Pagdating ko dun sa pinakataas ay agad-agad akong hinila paupo ni Megan. Argh! Seriously?
"Ba't kayo magkasama ni Kuya? I thought... kakausapin mo si Travis?" tanong niya agad sa akin. Pati sina Tanya at Thea ay nakatingin sa akin at mukhang curious na curious kung bakit kasama ko si Eros.
"Nakausap ko na si Travis..." pambungad ko. "Okay na."
"Really? Hay! Finally! Akala namin hindi na mangyayari yan. Yung paghingi mo ng closure" sabi naman ni Tanya. Tumango-tango naman si Thea.
BINABASA MO ANG
That Guy Named Eros (COMPLETED)
Fiksi RemajaBeing left broken by her ex-boyfriend, Wendy Salazar opted to follow her friends' advice. That is-to move on. Pero ewan ba niya. Kahit anong gawin niya ay patuloy pa rin siyang nasasaktan. She's trying to forget and move forward but her ex being her...