Chapter 7 - Awkward Bus Ride

3.9K 132 28
                                    


I don't really know what's wrong with me, or with him, or with the word 'coincidence'. Kase naman, after nung first close encounter namin two weeks ago ay lagi na lang ata kaming nagkikita. It's like yung first encounter namin ang nag-trigger para lagi kaming mag-krus ng landas.

Though it's not really impossible since we're both studying in the same University pero dati naman kase hindi ganito eh. Last year nga parang wala akong matandaang nakita ko siya sa buong University. Marami rin naman ang population ng mga students sa Erindale kaya siguro ganon.

But now? Halos ilang beses ko na siyang nakakasalubong sa school grounds, nakakasama sa pila sa canteen at nakikita sa library. It's either may kasama siyang mga kabarkada o mga ka-banda. Last time nga eh nakita ko silang magkasama ng Kuya ko. Mukhang nagpa-practice. Fortunately kase, hindi sila natuloy dun sa practice nila sa amin.

Geez! Hindi naman sa sobrang big deal non pero kase... pag naaalala ko yung pinagsasasabi nina Tanya about dun sa move on thing, medyo nagiging uneasy ako.

I can almost hear Flare saying something like, "Tawag diyan Wends, Destiny. Hehehe"

Destiny huh?

"Ano miss? Sasakay ka ba o sasakay?"

Napatingin ako sa lalake sa harapan ko na nakakunot na ang noo sa akin. Mukhang siya yung konduktor ng bus dahil na rin sa may mga hawak siyang ticket. Napakurap-kurap pa ako para intindihin yung sinabi ni Manong nang ma-realize ko na ako na lang pala yung hinihintay ng bus. May isang minuto na yata akong nakaharang sa pinto kaya hindi nila malaman kung sasakay ako o hindi.

Napayuko ako ng konti at napaiwas ng tingin. "A-ah...ano...sasakay po" sagot ko na lang bago ako umakyat at pumasok sa loob. Halos 20 minutes ang tagal ng byahe mula sa amin pag papunta sa Erindale at pag ganitong medyo late na ako ay sa bus na ako sumasakay instead of jeep.

Iginala ko ang paningin ko sa loob ng bus at nakita kong halos punuan na ang mga seats. Marami rin ang mga estudyante na nakasakay at yung iba naman ay mukhang mga office workers. Yung ilan ay napatingin sa akin pagpasok ko pero yung iba ay nagpatuloy na lamang sa pagtanaw sa labas ng bintana.

Naramdaman ko ang marahang pag-andar ng sasakyan kaya dali-dali na akong naghanap ng bakanteng upuan. May natanaw ako dun sa pinakadulo na may iisa pa lang na sakay. Yung buhok lang yung kita ko mula dito sa kinatatayuan ko.

Wala na akong choice kaya naglakad na ako papunta dun sa dulo. Pero halos mapatigil ako nang makarating ako don at makilala ko kung sino yung nag-iisang walang katabi sa upuan.

Siya na naman?!

Biglang bumilis yung takbo ng bus kaya medyo natumba ako at halos mapasubsob na ako sa kanya. Nagulat ata siya kaya napalingon siya sa akin at agad na napakunot ang noo niya nang makita ako. Agad kong inilayo ang balikat ko sa may dibdib niya.

"A-ah...s-sorry Kuya. Yung bus kase..." hindi ko na naituloy ang balak kong pagpapaliwanag dahil iniwas na niya ulit ang tingin sa akin. Isa pa, mukhang wala rin naman siyang pakialam. Sumandal na ulit siya dun sa headrest at pumikit habang may suot na headphones.

Umayos na lang ako ng upo at pilit na hindi siya pinansin. Lagi naman siyang ganyan pag nakikita ako. Dedma lang siya lagi. Ni minsan nga hindi ko pa siya nakitang ngumiti man lang sa akin.

Pero sabagay wala naman talaga akong problema don. It's not like we're close. Pinsan lang naman siya ni Meg. Iniwas ko na lang ang tingin ko at don ako nag-focus sa harapan.

Lumipas pa ang halos kalahating oras bago tumigil ang bus. Traffic na naman kase dahil nagkahulihan kanina dun sa may crossing. Pagkatigil nung bus sa may school ay agad nang nagsi-babaan ang mga estudyante. Inayos ko na ang pagkakasukbit ng bag ko at tatayo na sana ako nang mapatingin ako sa katabi kong lalake.

That Guy Named Eros (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon