Halos hindi ko namalayan na start na agad pala ng klase. Ang bilis dumaan ng mga araw. Nakalampas na agad ang new year at ngayon nga ay simula na ulit ng school days. Hindi ko mapigilan ang hingalin habang tinatakbo ang University ground papuntang SHS building.
Syet naman kase, Wendy!
Konti na lang yung nakikita kong mga senior high students sa paligid dahil malapit na ngang magsimula ang klase. Yung mga college students naman mangilan-ngilan na lang rin. Nanlaki pa ang mata ko nang makita ko sa di kalayuan yung first subject teacher namin na galing sa faculty at mukhang papunta na sa SHS building.
"Shit!" I muttered to myself. Mas nagmadali ako para makarating sa building. Nag-ninja moves pa ako para mas maunang umakyat dun sa hagdan pataas. Hindi ko alam kung nakita o napansin ba ako nung teacher pero bahala na! Feel na feel ko tuloy yung adrenaline rush sa pagmamadali ko.
Kasalanan niya kase!
Kung hindi ba naman pineste ng Eros na yon ang isip at puso ko edi sana nakatulog ako nang maayos kagabi! Sana hindi ako na-late ng gising!
Paano kase...syet. Kagabi bago ako matulog...uhm...ano. Uh! Nagulat kase ako dahil bigla siyang tumawag sa akin. As in! First time niya akong tinawagan kagabi eversince nakuha namin ang number ng isa't-isa. So ayun. Naloka naman daw ako nung makita ko yung pangalan niya sa caller ID. Pero waaa! Mas nawindang ako nang marinig ko yung boses niya. As in omg! Ang...pogi!
I'm very much aware kung gaano kaganda ang singing voice niya at kung gaano ka-pogi yung speaking voice niya sa personal pero...syet. Yung boses niya sa phone was almost sexy and husky. Nakakaloka siyang pakinggan huhu!
Nung una hindi pa ako sure kung paano ko siya kakausapin. Sabi niya kase kaya siya tumawag ay para mag-goodnight. Yun daw lang talaga. Para sabihing goodnight. Grabe siya.
Eh kase pwede namang i-text na lang yun! Bakit kailangang tumawag pa?!
Then he asked me If I'm about to sleep. I said yes. After that, the next thing he said almost made me hold my breath.
Sabi niya kase kakantahan niya raw ako. He told me he'll sing for me until I fall asleep.
Kaya ayun. Obviously kinantahan niya ako at syempre...hindi lalo ako nakatulog.
Goodness.
Dali-dali kong pinihit ang doorknob ng pinto ng classroom namin at pumasok. Pagkasara ko ng pinto at pagharap ko sa mga kaklase ko nakatingin halos lahat sila sa akin.
"Akala namin si Ma'am na!"
"Lagot ka, Wendy! Late ka na!"
"Nakita mo si Ma'am sa baba?"
Sinalubong ako ng mga tanong ng mga kaklase ko pagkapasok ko sa loob. Hindi ko na lang pinansin at dumiretso na ako sa upuan sa tabi ni Meg.
"Wow. Nag-new year na pero wala pa ding pagbabago. Late pa rin, Wends? At bakit mukha kang zombie?" naka-taas kilay niyang tanong sa akin. Kinusot-kusot ko ang mata ko at humikab. Inayos ko ang bag ko sa upuan at napa-facepalm.
"Kasalanan ng pinsan mo" sagot ko. Nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon niya. For sure manunukso na naman pero buti na lang at bumukas na ang pinto at nakarating na rin si Ma'am. Napasulyap pa si Ma'am sa akin at tumagal yung tingin niya sa akin ng mga tatlong segundo. Lagot. Nakita niya siguro ako kanina?
"Oy" nagulat ako nang biglang sinundot ni Meg yung bewang ko. Muntikan na akong mapasigaw sa gulat kaya nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. Nginisian niya lang ako.
BINABASA MO ANG
That Guy Named Eros (COMPLETED)
Teen FictionBeing left broken by her ex-boyfriend, Wendy Salazar opted to follow her friends' advice. That is-to move on. Pero ewan ba niya. Kahit anong gawin niya ay patuloy pa rin siyang nasasaktan. She's trying to forget and move forward but her ex being her...