Eros Oliver Castillo is his real name, a 3rd year Engineering student of Erindale University who has been the newest addition to the university band-the ever promising Before Dawn.
With his soothing voice flavored with a tinge of boyband-ish tone as well as his handsome looks, he surely is an emerging University campus heartthrob, stealing girls hearts and–
"Shoot! Eto na yung article?"
Biglang nawala sa hawak ko yung copy ng university magazine nang biglang may humablot nito galing sa likod. Nang tingnan ko kung sino ay nakita ko ang nakatawang si Flare. Nagpabalik-balik ang tingin niya dun sa article ko at sa akin. Yung ngiti niya para bang kinikilig na natatawa na ewan. Ay ewan ko talaga.
"Oo. Kaka-release lang kanina" mahina kong sagot. Finally, after months of writing and rewriting, eto na. Na-released na ang first issue ng magazine. Then of course...that would only mean one thing. Tapos na ang duty ko sa publication. I already told our EIC na hindi na ako magpa-participate sa second issue next sem dahil bukod sa ayoko na, hassle na rin kase. Next sem na rin kase kami dadaan sa work immersion.
Flare sat on the chair opposite mine. Narito kami sa staffers' office ngayon. Nauna lang ako ng ilang mga minuto dito kay Flare. Mukhang busy na siya para sa press con nila sa November kaya todo practice na rin ang buong broadcasting team.
Nakatingin lang ako kay Flare habang binabasa niya yung article. Nagulat ako nang bigla siyang humagikhik.
"Pffttt! Hahaha!"
Tapos tumingin siya sa akin ng nakakaloko. Hay. Alam ko na 'tong mga ganitong tingin eh. May tumatakbo na naman sa isip nitong si Saavedra.
"Ano na naman, Flare Jane?" I asked dryly. May nakakatawa ba dun sa article ko? As far as I remember parang wala naman.
"Bwahahah! Wala lang bruh! Natatawa lang ako ahahahaha!" sagot niya sa akin na para bang hindi napaka-obvious na tumatawa siya. Nasapok ko nga sa braso.
"Umayos ka Flare ha"
"Wends, line ko yan bruha!"
I just shrugged. Pero oo nga. Si Flare ang mahilig magsabi ng ganung line. Tumingin ulit ako sa kanya. Konti lang ang tao ngayon dito sa office kase may mga klase yung iba. By other staffers, I mean yung mga college students. Half-day kase ang SHS students ngayon kase may urgent seminar lahat ng teachers.
"Bakit nga? What's so funny?" I asked. Bigla niyang iniharap sa akin yung article ni Eros na may picture niya. Bale collage ng picture ni Eros ang nandoon with captions. Tapos yung nasa pinaka-center is yung kuha ko dun sa gig nila noon sa Dennie's. Ang ganda nung angle dun eh.
Tinaasan ko si Flare ng kilay. Okay?
"Wends! Ang pogi ng pagkaka-describe mo kay Eros ah! Ayieeeh!" panunukso niya sa akin. Halos takpan ko yung bunganga niya nang magtinginan sa amin yung ibang staffers sa loob. Pinanlakihan ko siya ng mata.
"Argh! Flare!"
"Tara na lang sa labas!" sagot niya naman sa akin saka ako hinila palabas ng office. Dala-dala namin yung copy ng magazine. Pagkalabas namin medyo napatulala ako nang makita yung karamihan sa mga estudyante na may hawak nang magazine. Oh geez!
"Wendsss! Flareee!"
Napalingon kami sa di-kalayuan at nakita namin sina Thea, Tanya at Meg. May mga hawak na rin silang copy. So...natapos na agad ang mass production? Wow.
"Hoooyy!" sigaw ni Flare sabay hila sa akin papalapit. Kita ko ang tingin sa akin nina Meg nang papalapit na kami. Nako...alam ko nang may kung ano na namang iniisip 'tong mga 'to.
BINABASA MO ANG
That Guy Named Eros (COMPLETED)
Teen FictionBeing left broken by her ex-boyfriend, Wendy Salazar opted to follow her friends' advice. That is-to move on. Pero ewan ba niya. Kahit anong gawin niya ay patuloy pa rin siyang nasasaktan. She's trying to forget and move forward but her ex being her...