"Sino siya? Boyfriend mo?"
"Tss. Gago siya ah. Anong akala niya sa 'kin?" Inis na inis kong bulong habang nakatutok sa laptop ko. Kakauwi ko lang almost 2 hours ago galing sa mall at heto ako ngayon sa kwarto ko at naghahanda nang matulog. Kaso hindi ako dalawin ng antok. Everytime I try closing my eyes, Travis' stupid question kept playing inside my head. Kaya ayun, nagpasya akong manood na lang ng movie.
Kaso...hindi rin naman ako makapag-focus.
"Argh! Igagaya niya pa ako sa kanya? Na...madaling makahanap ng iba..." sambit ko na lang ulit. Ewan ko pero naiinis talaga ako eh. Kahit kase 8 months na simula noong naghiwalay kami, as of now...I can't still see myself having a relationship with another guy. Yes, kahit papaano naman medyo bawas na yung sakit. Pero...kahit na. Hindi ko naman kase maitatanggi na may puwang pa rin siya sa puso ko hanggang ngayon.
Tapos bigla siyang magtatanong ng ganon? Napatawa ako nang mapait. "The heck with that question."
My thoughts were interrupted by a sudden phone call. Pag sulyap ko sa phone nakita kong tumatawag si Megan. Ugh. This girl still owe me an explanation. Iwanan daw ba kami?
I lower the volume of the movie, held the phone and swiped the screen to answer the call.
"Hello?"
"Wends! Nasa inyo ka na ba?" tanong niya mula sa kabilang linya. May mga naririnig akong ingay sa background. Mukhang nanonood sila ng TV.
"Oo. Kanina pa. Bakit?" napapahikab kong sagot. I held the phone on my ear with my left hand while I used my other hand to close the movie I was watching. The movie's title is Insurgent. It's quite interesting though.
"Nakausap ko kase si Kuya. He mentioned na...may nakakita daw sa inyong lalake at babae. Kakilala mo daw ata. Tapos bigla ka daw nag-walk out..." Meg continued. Napakurap-kurap ako saglit.
"Wends...yung lalake...si-"
"Yeah. Si Travis. Kasama yung girlfriend niya" Sagot ko. I suddenly thought of Eros. Iniwanan ko nga pala sila kanina matapos kong sagutin si Travis ng 'None of your business'. Nawala na sa isip ko na kasama ko nga pala siya. I wonder kung ano nang iniisip niya ngayon.
"Wendy...hanggang ngayon ba...affected ka pa rin?" Narinig kong tanong ulit ni Meg makalipas ang ilang segundo. Napabaling ako sa table na nasa tabi ng kama ko. There was a pink medium sized picture frame. I quickly shifted my weight on the side para maabot ito. Then I stared at it for a while.
"Y-yeah..." Medyo basag ang tinig kong sagot. I was looking into the picture frame I am holding. It has our photo taken more than a year ago. Ang saya naming tingnan dun sa picture. Nakangiti kami parehas habang naka-akbay si Travis sa akin at naka-lean ang ulo ko sa balikat niya.
We looked so in love then.
"Wends..." Meg said, in her voice was a hint of sympathy. "...don't... don't you think it's time for you to ask for a...closure?"
"Uhm..." I tried to speak pero bigla ko na lang naramdaman ang dahan-dahang pagtulo ng butil ng luha sa pisngi ko. A few drops of them fell on the frame on my hands.
"Uy...I know umiiyak ka na naman. Wendy Claire, tama na. Tigilan mo na yang kahibangan mo friend. I know that it's hard for you to let go of your memories together pero...that's the best that you can do. Kalimutan mo na si Travis..."
Dahan-dahan kong pinadaan ang mga daliri ko sa pisngi ko. Pinunasan ko ang mga tumutulong luha. This should stop. I should stop shedding tears because of him.
BINABASA MO ANG
That Guy Named Eros (COMPLETED)
Teen FictionBeing left broken by her ex-boyfriend, Wendy Salazar opted to follow her friends' advice. That is-to move on. Pero ewan ba niya. Kahit anong gawin niya ay patuloy pa rin siyang nasasaktan. She's trying to forget and move forward but her ex being her...