It's past 9 o'clock in the evening at medyo inaantok na kaming lahat pero heto at nasa living room pa rin kami at kaharap ang samu't-saring mga gamit. Ang sa amin ni Meg, kaharap namin yung worksheets at journal pati yung Basic Accounting book namin. Sina Tanya at Thea may hawak-hawak na Biology at Chem books at si Flare naman, she's in front of her laptop browsing an article. Pag tingin ko about politics pala.
Ang weird nga eh kase ang tahi-tahimik naming lahat. Kahit nga si Flare na pinakamadaldal sa amin eh kanina pang tutok sa pagre-review. Buti na lang kamo at nasa kwarto niya si Blaze. For sure nagre-review din ang isang yon. Pansin ko kase na parang nagpapagalingan silang dalawa.
Medyo nangawit ang kanang binti ko kaya inunat ko muna. "Haaaay...ang sakit na ng binti ko! Girls...ano? Wala kayong balak magpahinga?" pagbasag ko sa katahimikan. Eh kase naman! Feeling ko nahihilo na ako sa mga transactions na ina-analyze ko. Tapos yung mga kailangan pang i-memorize! Grabe! Ayoko na talagaaa!
Napaangat ang tingin ni Flare sa akin. "Hahaha suko na agad, Wends? Ang hina talaga neto"
"Tapos ka na mag-saulo Wendy?" dagdag pa ni Thea. Argh! seriously? Eh wala pa nga sa kalahati yung name-memorize ko eh!
"Hindi pa nga eh..." mahina kong sagot pero ayon, pagtingin ko nakatutok na ulit sila sa mga inaaral nila. Hay. Feeling ko talaga ako yung pinakatamad mag-aral sa barkada. Kainis!
Dahan-dahan akong tumayo kahit medyo namamanhid yung mga binti ko. Nagpaalam ako na lalabas muna ako dun sa may veranda. Malamig sa labas ngayon pero no choice ako. Medyo nakaka-suffocate na kase sa loob.
I felt the evening breeze embraced my body the moment I made my way outside. Napasapo ako sa noo ko nang maalala kong hindi ko pala naalalang magdala ng cardigan. Minsan may pagka-shunga din talaga eh 'no, Wends?
Iniangat ko ang ulo ko para tingnan ang kalangitan. Ang daming bituin tapos full moon pa. Ang tahimik na rin ng paligid. Siguro mga tulog na yun mga kapitbahay nila dito.
I closed my eyes, feeling the touch of the evening breeze. Nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib nang may maalala ako. The evening sky, the moon, the stars...they all remind me of him.
Naaalala ko pa yung mga panahong nanliligaw pa lang si Travis sa akin. Kapag ginagabi na kami sa school lagi niya akong hinahatid pauwi sa amin. Hindi siya aalis hangga't hindi niya ako nakikitang pumapasok sa loob ng bahay. He will always say 'goodnight', 'sleep well', 'ingat ka. Sasagutin mo pa ako eh'
Nung naging kami naman, madalas kaming mag-stargazing. Favorite place namin yung rooftop ng bahay nila. Doon...magkahawak kamay kaming titingin sa kalangitang puno ng mga bituin, nakangiti kami habang pinapakiramdaman ang presensya ng isa't-isa. He...he will kiss me under the moonlight while whispering how lucky he was being my boyfriend.
Well...that was before.
Mabilis kong pinahid ang ilang butil ng luha na kumawala sa aking mga mata. Nakakapagod na. Napapagod na akong alalahanin lahat. Kung pwede nga lang na tuluyan ko na siyang burahin sa isipan at puso ko...ginawa ko na. Kase hangga't naaalala ko siya...hangga't hindi ko pa rin natatanggap na wala na talaga...masasaktan at masasaktan pa rin ako.
Sana...sana makalimutan ko na 'tong pesteng pagmamahal ko sa kanya. Sana...dumating yung araw na gigising ako na hindi na siya yung nasa isip ko. Na papasok ako sa school na wala nang pakialam kahit makita ko pa sila ng bagong girlfriend niya.

BINABASA MO ANG
That Guy Named Eros (COMPLETED)
Novela JuvenilBeing left broken by her ex-boyfriend, Wendy Salazar opted to follow her friends' advice. That is-to move on. Pero ewan ba niya. Kahit anong gawin niya ay patuloy pa rin siyang nasasaktan. She's trying to forget and move forward but her ex being her...