"Flare. Anong bang nangyari?"Nasa isang convenience store kami ngayon. Kaharap namin ang mga binili naming snacks habang nakapaikot kami sa isang table. Kumalma na si Flare pero hindi pa rin nawawala ang kunot ng noo niya. Nilibre na nga siya ni Tanya ng large size Mountain Dew.
"Uy. Parang kaninang umaga lang pinag-uusapan natin siya tapos ngayon nagkaharap na agad kayo." sabi ko. Ano yun, coincidence? Tsaka...hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ganon ang tingin nung Shane sa akin kanina.Tsaka yung sinabi niya...anong ibig-sabihin n'on?
"Pahingi nga n'yan" biglang sabi ni Flare sabay agaw nung hotdog sandwich na nasa harap ni Meg. Kumagat muna nang malaki bago kinuha yung Mountain Dew na nasa harap niya. Habang kumakain siya nakatingin lang kaming apat sa kanya.
"Flare, hinay-hinay" paalala ko. Baka kase mabilaukan siya sa dami at laki ng isinusubo niya. Mahirap na.
Matapos niyang mag-meryenda habang nakatingin kami ay umayos na rin siya sa wakas. Mukhang hindi na badtrip. Ganon siguro talaga pag may katapat na pagkain. Food is life."Yung bruhang Shane na yon ang nauna. Nakaupo lang ako mag-isa dun sa students' park kanina tapos ayon! Ang bruha biglang dumating!" sabi niya sa malakas na boses. Tiningnan namin ni Meg sina Thea at Tanya.
"We arrived late. Nakita na lang namin na nagsasagutan silang dalawa" Tanya explained. There's a hint of concern in her eyes. Hindi naman sila laging nagkakasama ni Flare pero alam kong may pakialam din naman siya.
I turned to Flare. "Anong sinabi sa'yo? Tungkol kay Drew?"
Matagal bago siya sumagot. Bumalik yung kunot ng noo niya. Tumingin siya sa labas ng convenience store kung saan makikita ang mga dumadaang sasakyan sa kalsada. Parang ang lalim ng iniisip.
"Flare–""Binanggit niya yung makulit na si Drew. Na nakita daw kami nung isang blockmate niya na nag-uusap. Na mukha daw pinopormahan ako ng Drew na yon. Tss. Gaga ba siya? Eh yung gagong yun naman ang lapit nang lapit eh!" sagot niya bago tumingin sa amin. So si Drew ang dahilan? Pero...
"Yun lang ba talaga Flare? Kaya ka niya sinugod?" tanong ni Meg na medyo ikinagulat ko. Seryoso siyang nakatingin kay Flare na para bang may itinatago ito.
"What do you mean, Meg?" tanong ni Tanya na nakakunot-noo na rin. Lumipat ang tingin naming apat kay Megan na napabuntung-hininga.
"May nasabi ka dati sa akin, Saavedra. Kung tama ang pagkaka-tanda ko, sabi mo kilala si Shane ng Daddy mo. Sabi mo bwisit na bwisit ka lagi pag nakikita mo siya sa inyo" sabi niya. Sabay-sabay naman kaming tatlong bumaling kay Flare na mas lalo na atang sumimangot yung mukha.
"Megan naman eh!"pagmamaktol niya.
"What? Sinabi ko lang yung natatandaan ko" painosenteng sagot naman ni Meg. Habang kaming tatlo nakatingin lang sa kanilang dalawa. Eh sila lang naman kase yung nagkaka-intindihan.
Thea butted in. "Girls, kayo lang nagkakaintindihan eh. Pwede i-share?"
"Yah. Can you please enlighten us?" dagdag pa ni Tanya. Ako na lang yung hindi pa nagsasalita kaya tumingin sila ni Thea sa akin.
Napakurap-kurap ako. "Ah...oo nga..." sabi ko. Lumingon ako kay Meg. "...spill!"Kaya ayun, wala silang nagawa kundi magsalita. Si Flare uminom muna ng isang straight ng Mountain Dew bago humarap sa amin.
She snorted."Ninong ng Shane na yon ang Daddy ko. Mag-kumpare si Daddy at yung Papa niya. Minsan pag may okasyon, pumupunta sila sa amin." panimula niya. Nagulat kami. Tumaas ang kilay ni Tanya.
BINABASA MO ANG
That Guy Named Eros (COMPLETED)
Fiksi RemajaBeing left broken by her ex-boyfriend, Wendy Salazar opted to follow her friends' advice. That is-to move on. Pero ewan ba niya. Kahit anong gawin niya ay patuloy pa rin siyang nasasaktan. She's trying to forget and move forward but her ex being her...