"You've got only a few weeks to finish your articles guys. May mga nasimulan na ba kayo?" sabi ni Ate Bianca, ang editor in chief ng ED Scribblers. Isa siyang 4th year Business Administration student sa college department. Later this morning ipinatawag niya ang buong publication team to remind us of our deadlines. Then ibinalita din niya yung upcoming press conference. Syempre tuwang-tuwa na naman si Flare.
"Konting proofreading pa, chief" sagot nung feature editor namin. Tapos pasimpleng tumingin sa aming mga feature writer. Medyo iritado na yung mukha niya. Paano ba naman kase yung mga articles na lang namin yung medyo marami pang kulang. Medyo napangiwi tuloy ako. Naalala ko yung article na naka-assign sa akin.
Nang sulyapan ko sina Thea at Flare may sari-sarili rin silang ginagawa. Thea's in front of her laptop. May hawak din siyang newspaper at mukhang may binabasa sa editorial section. Si Flare naman, ayun kinukulit nung news editor namin na magsulat ng news. Kaso simangot na simangot siya.
"Broadcaster nga kase ako! Tsaka pang press-con nga ako! Ano ba!" narinig na lang namin na sigaw niya kaya halos lahat tuloy ng attention napunta sa kanila.
"May problema, Drew?" tanong ni Ate Bianca dun sa news editor namin. Napabuntung-hininga yung si Drew, tumingin kay Flare at marahang umiling.
"Wala chief" sagot nito. Si Flare naman mukhang wala na ulit na pakialam. Hawak niya yung phone niya at mukhang may pinapakinggang broadcast recording. Hay. Ang babaeng 'to talaga.
Pagkatapos ng ilang mga paalala ay tinapos na ng EIC ang meeting. Sabay-sabay kaming tatlo lumabas sa office. Inabot na ng lunch time ang meeting kaya nagkalat na ang mga estudyante. Pagtingin ko sa phone ko nakita ko yung text ni Meg na nasa canteen na sila ni Tanya.
"Diretso na tayong canteen. Nandoon yung dalawa" sabi ko. Tumango-tango naman sina Thea at Flare habang patuloy kaming naglalakad. Nasa ibang building ang staffers' office kaya madadaan namin yung ibang college building. Nang malapit na kami dun sa isa, may college guy na biglang sumabay sa amin sa paglalakad.
"Flare Jane. Ayaw mo talaga?"
Medyo nagulat kami dun. Paano si Drew pala yung guy na sumabay sa amin at talagang tinabihan pa si Flare!
Agad na tumigil sa paglalakad si Saavedra, marahas na bumuntung-hininga at kunot-noong hinarap si Drew.
"Kuya, ano bang mahirap intindihin sa ayaw ko? Wala nga akong time magsulat ng news! Malapit na ang press-con! Nyeta naman oh!" hindi na niya napigilang sumigaw. Pag ganitong nasa ilalim kami ng init ng araw at ganto ang mood ni Flare, isama pa yung naghuhumiyaw niyang red cap, nagmumukha talaga siyang astig. Yung tipong makikipagsigawan kahit kanino.
Napaatras ng konti si Drew. Mukhang na-intimidate. "Okay, sorry. Ang tapang mo naman" sabi nito bago naglakad paalis. Pero napansin ko na medyo amused yung itsura niya nung sinabi niya yung 'ang tapang mo naman.'
Balak ko sanang sikuhin si Flare kaso naunahan na pala ako ni Thea. Hay.
"Uy~ mukhang type ka Flare!" pang-aasar ni Thea. Nagre-reflect sa suot niyang eyeglasses ang sikat ng araw. Minsan napapaisip tuloy ako. Kakaiba din 'tong si Thea. Parang siya lang ata ang kilala kong nerd na mahilig mang-echos.
Then of course, ano pa nga bang reaction ni Flare? Edi ayun, ready to shout na naman. Tsk.
"NAKO THEA MARIE TIGILAN MO YANG PANG-AASAR MO AH! WAG. AKO!"
May ilang mga estudyanteng napatigil at napatingin sa gawi namin. Kami naman ni Thea medyo natigilan pero ilang saglit lang at naglakad na ulit kami. Napalabi si Thea. Minsan lang kase siya tawagin na 'Thea Marie'.

BINABASA MO ANG
That Guy Named Eros (COMPLETED)
Novela JuvenilBeing left broken by her ex-boyfriend, Wendy Salazar opted to follow her friends' advice. That is-to move on. Pero ewan ba niya. Kahit anong gawin niya ay patuloy pa rin siyang nasasaktan. She's trying to forget and move forward but her ex being her...