Chapter 33.2 - October Fest (Part 2)

2.5K 79 4
                                    


The crowd went wild.

Nagsimula ito nang biglang dumilim ang paligid ng stadium. Exactly 7:01 pm ay namatay yung mga ilaw na nakapalibot sa mga seats. Yung mga estudyante sabay-sabay na sumigaw ng 'Whoooo!'. Tanging ang mga ilaw na lang sa mga poste at puno ang nagbibigay liwanag. Colorful lights. They looked so enchanting and beautiful. Ni hindi ko na nga namalayan na nasa stage na pala ang Principal.

"Naman! May pa-speech si Mayora! Hihihi!" hagikhik ni Flare sa tabi ko. Itinuon ko na ulit ang tingin ko sa unahan nang biglang nagkaroon ng liwanag sa stage at nabuhay ang projector. Shown on the white screen were the words:

Welcome!
3rd Erindale October Fest!

"Ba't naman Mayora?" nasambit ko pero nang makita ko ang suot ng Principal namin. Shet. Haha. Ang sosyal! Parang aattend ng meeting de avance ang peg!

"Okay, no comment" pabiro kong sabi. Nagsimula nang mag-speech ang Principal. Kaso yung ibang mga estudyante halata namang di nakikinig. Eh kase naman!

Bigla akong hinila ni Meg sa braso. Magkakatabi kami dito sa may unahan. Nasa kanan ko si Flare na katabi sina Thea at Tanya. Nasa kaliwa ko naman si Meg. Ang lapit namin sa stage!

"Shems! Seems like may invited na other bands from other Univ!" biglang sigaw ni Meg sabay turo dun sa may likod ng stage. Mula sa liwanag ng stage ay nakita ko ang dalawang van na may logo ng ibang University. Ohmy.

"Nice! Final act ang Before Dawn, pustahan!" singit ni Flare pero hindi na kami nakasagot ni Meg. Paano kase narinig na lang namin ang malakas na hiyawan ng mga estudyante. Pag tingin namin sa stage nandoon na yung MC. Yung SC president at vice president yung nagsisilbing master of the ceremony at kasalukuyan na nilang pinapakilala yung unang magpe-perform.

"Shet! Nakita ko na silang mag-perform dati!" sigaw ni Flare nang umakyat sa stage yung mga member nung isang guest band. Ang astig naman. May guest talaga kami.

Moments later nagsimula na ang performance. Marami rin ang nagtilian dun sa band na "Cassiopeia". Ang dami nilang instruments sa stage. Mukhang may DJ pa. EDM yung genre ng mga kanta nila kaya talagang sobrang ingay na sa buong stadium!

"Don't tell me may pa-sponsor na beer dito?" Thea asked in the middle of what's happening. Kahit maingay sa paligid ay narinig pa rin namin siya. Muntikan na tuloy kaming mapahagalapak. Si Flare nanapak pa ng braso.

"Lol! Alcohol-free nga raw ang Erindale. Walang pa-beer si Mayora Principal! Pa-coke meron!" natatawang sabi ni Flare sabay sigaw ng 'Whooo! Rakrakan na!'

Then after ng four sets of songs, yung sunod na band naman ang umakyat sa stage. Mukha silang mga rockers sa outfits nila. Tapos may mga chains pa sila sa damit. Ang lakas maka-gothic!

Nang nagpapakilala na sila ay nag-aya si Meg na maglibot sa booths. May mga itinayo pala kaseng booths ang mga taga-college dept. Karamihan food booths/stalls tapos kanina may nadaanan din kaming photobooth!

"Gutom na ako! Kain muna tayo!" sigaw ni Meg habang nakikipagsiksikan kami sa mga estudyanteng naghihiyawan. Ang sikip! Muntikan na nga manapak si Flare kanina.

Then ayun, dun na lang kami tumigil sa mga booths at stalls habang nagpe-perform yung gothic band. Ayaw na makisingit ni Tanya tapos si Flare baka raw makasapak siya pag may nanulak ulit sa kanya. Hay!

That Guy Named Eros (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon