Chapter 38 - Fragments

2.3K 57 7
                                    


Masakit yung sampal pero mas masakit masabihan na mang-aagaw.

Grabe. Parang hindi ma-process ng utak ko na sinabihan akong mang-aagaw sa harap ng ibang tao. Ang nakakatawa pa, ang nagsabi noon ay yung current girlfriend ng dati kong boyfriend. Haha. Hindi ko mapigilan ang mapatawa.

Pagkatapos ng nakakabiglang senaryong yon ay umalis na si Aila. Nagsisunuran naman sa kanya yung iba niyang mga kaklase. Malakas ang pakiramdam ko na isa sa kanila yung kumuha ng picture namin ni Travis.

Speaking of Travis, hindi siya makatingin sa akin habang humihingi ng sorry. Aba dapat lang 'no! Ang sakit kaya manampal ng girlfriend niya! Tsaka kasalanan niya naman kase kung tutuusin. Kung hindi niya ako niyakap edi sana hindi kami na-picturan!

Bad mood ako after that. Nalaman na rin nina Flare ang nangyari at kamuntik-muntikan na nga silang sumugod sa STEM 2. Buti na lang at napigilan namin para di na mas magkagulo pa. Pero may naalala ako. Sino nga pala yung pinsang sinasabi ni Aila?

"Pinsan? Sino bang pinsan nun?" tanong ni Thea habang nag-iisip. Magkakasama nga pala sila dun sa 4th floor. Pero ang sabi naman niya parang wala naman silang nalalaman na pinsan ni Aila from other strands.

"But considering what Aila have said, it's possible na kilala mo yun, Wends" komento naman ni Tanya. Napaisip nga rin kami dun. May point si Tans. That cousin Aila's talking about...she or he probably knows me. Enough to say that kind of thing.

Nang maghapon na ay biglang ini-announced na simula na ng work immersion namin the day after tomorrow. Syempre nagulat kami dun. Workplace na kase yung pupuntahan namin. Shocks! Hindi ko alam kung ready na ba ako.

As in mixed emotions kami nung marinig namin yung announcement ni Sir Jeff, yung immersion teacher namin. Tapos ini-announced na rin niya kung saan. Nang makita namin yung list, nagkatinginan kami ni Meg.

"Hala Wendsss! Ba't hindi tayo magkasama?!" nakasimangot na sigaw niya kaya halos mapatingin sa amin yung iba naming kaklase. Tiningnan ko ulit yung list kung saan kami mapupunta. Sa isang bank si Meg samantalang sa isang Marketing company ako.

I scowled. "Kaya nga! Eh magkalapit lang naman yung location nito, diba?"

As far as I know kase ilang hakbang lang ang layo ng bank dun sa company. Mag-isa nga lang ako tapos ganun din si Meg. Tsk. Sino ba nag-ayos nito? Kainis naman eh!

Pero syempre in no position kami para magreklamo. Kaya naman after class ay nagsimula na kaming magsi-ayusan ng mga requirements na kailangang i-submit. May mga essays pa na kailangang gawin tapos gagawa pa kami ng resume.

Pagdating ko sa amin ay nagulat ako nang madatnan ko si Kuya na nasa salas. Mukhang kakauwi lang niya galing dun sa getaway nila ni Janine. Nagpaalam kase siya kina Papa na sasamahan niya si Janine na bumisita dun sa province nila since sembreak pa naman.

Napalingon sa akin si Kuya nang dumating ako. "O, nakabalik ka na agad, Kuya?" tanong ko. Then I realized na bukas na pala yung start ng pasukan nila. Well, apparently, hindi laging Monday ay start ng class ng mga taga-college dept. sa Erindale.

Kuya just shrugged. Nakaharap siya sa laptop niya habang nasa labas pa rin ang mga gamit. "Kakadating ko lang"

"Ah. So how was Quezon?" I asked. Doon daw kase yung province ni Janine. Mga 6 hours yung byahe from here.

Ipinatong ko sa sofa ang bag ko at inalis ang aking sapatos. Lumabas naman si Mama galing sa kusina na may dalang juice na nasa baso. Dumiretso siya kay Kuya at ibinigay ang juice.

"Ma, nga pala..." uminom muna si Kuya ng juice bago bumaling ulit kay Mama. "...diba matagal na nung huli tayong bumisita sa province ni Papa?" tanong niya. Napalingon ako. Okay, why'd he ask?

That Guy Named Eros (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon