Chapter 37 - Wrecker

2.4K 60 4
                                    




Hinabol namin ni Travis yung babaeng kumuha ng picture namin but we're a bit too late. Nawala na siya sa paningin namin at ang masaklap pa, hindi namin nakita yung mukha. Pero sure kami na isang senior high student dahil na rin sa uniform.

Kinabahan ako. Parehas kase kaming may ideya ni Trav kung bakit kami kinuhanan ng picture na yon and at the same time, kung anong mangyayari pag may nakakita.

"Shit! Paano na?" I asked him before we part ways that afternoon. Ang totoo kase...nag-aalala ako para sa kanya. Baka kase mamaya biglang makita ni Aila yung picture tapos magkasira pa sila. Ako pa yung magiging dahilan.

Travis exhaled sharply. "I'll take care of it. For now, yung topic muna natin" he said before returning to his seat. Bumalik na lang ako pero...after that, parang hindi na ako makapag-concentrate. Inayos ko na ang gamit ko para umalis.

"Uhm...s-sa chat na lang natin pag-usapan yung topic? Ano sa tingin mo?" I asked. Para namang wala siya sa sariling napatango.

"G-good idea"

"K, then. Mauna na akong umalis" I said and turned away. Nakakailang hakbang na ako nang maisipan kong bumaling ulit sa kanya. "...explain everything to her. K-kung makikita man niya"


Nang makalabas ako ng University ay naglakad na ako papunta sa may waiting shed para sana mag-abang ng jeep nang hindi inaasahang nakita ko si Alexis. Nandoon siya sa shed at nagkasandal dun sa may poste at may hawak na cellphone. Nakasuot siya ng simpleng maong pants, black shirt at rubber shoes pero kanina pa siyang pinagtitinginan nung mga nasa paligid niya. Bago pa nga ako makalapit ay nakipag-ngitian na siya dun sa isang senior high student. I refrain myself from frowning. May pagka-flirt talaga 'to.

Hindi ko siya pinansin nang makalapit ako sa shed. Kaso nung tatalikod na ako bigla na lang niya akong tinawag. Oh please.

"Ms. Wendy!"

Hindi ko siya pinansin pero tinawag niya ulit ako at tinapik sa balikat. Uh! Ba't ba 'to nandito?

Napilitan akong lumingon at kiming ngumiti. "Uh...hello"

"Pauwi ka na?" tanong niya naman na hindi pa rin inaalis ng ngiti at tingin sa akin. Goodness! Hindi niya ba napapansin na kanina pa kaming tinitingnan ng mga kasama namin dito sa shed?!

I opened my mouth to speak. "Ah...oo"

Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang mga bulungan sa paligid. I almost rolled my eyes. May pa-bulong-bulong pang nalalaman eh naririnig ko naman! 


"That's her, right? Yung babae nung October Fest?"

"Yeah, I think so. Yung kinantahan ni Kuya Eros!"

"Ang swerte naman niya! Mukhang close sa mga members. Tingnan mo, kinakausap pa ni Kuya Alexis!"

"May koneksyon lang kase. Kapatid ata ng leader. Pero mukhang pabida 'no? Hindi naman kagandahan" 


Naikuyom ko ang palad ko sa narinig. Wow naman. Nahiya naman daw ang mukha ko sa kanila! Palibhasa mga inggitera!

Haharapin ko na sana ang mga balahura pero nagulat ako nang makita kong kausap na sila ni Alexis. Yung mga mukha nila mga mukhang nagpapa-cute na ewan. Mga pa-demure!

"Girls, sa tingin ko dapat na kayong umuwi. Baka may mga assignments pa kayo" sabi niya at nagulat na lang ako nang bigla niya akong hawakan sa braso. Tiningnan ko siya pero bumulong lang siya sa akin at nag-wink pa!

"Leave this to me" he whispered then he faced those girls again.

Isa dun sa mga babae ang nag-try magpa-cute este magsalita. Psh. "U-uhm...Kuya Alexis, uhm...pwede ka po maka-chat?" tanong nung babae na halos ika-luwa ng mata ko. What?! Seryoso ba siya sa tanong niya?!

Ibinaling ko ang tingin ko kay Alexis at mas lalong kumunot ang noo ko nang ngitian niya pa yung babae. Siniko ko siya pero hindi niya ako pinansin. Nanatili lang siyang nakahawak sa braso ko.

"Oh? I'd love to chat girls! Sadly..." he tilted his head as if assessing the girls in front of him. "...I don't chat girls the likes of you. You're a little nosy and you're not my type. So if you'll excuse us" sabi niya tapos hinila na niya ako. Hindi pa ako nakakahuma nang lingunin niya ulit yung mga babae natulala na ata. Hala!

That Guy Named Eros (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon