Chapter 50 - Valentine's Night

3.2K 71 9
                                    

[ Last Chapter ]

February 14, 6:00 pm.

Kanina pa tumutunog ang cellphone ko dahil sa sunud-sunod na text at tawag nina Meg. Tinatanong nila kung nasaan na daw ba ako at nandun na daw kase sila. I reluctantly typed a reply saying na papunta na ako though hindi pa naman talaga. Medyo nagdadalawang-isip pa rin kase ako sa pag-attend. Kaya lang...

Tonight's the Valentine's Night though ang ironic pakinggan kase basically Valentine's Day talaga ngayon. But whatever. I'm standing right before a large size mirror dito sa kwarto at tinitingnan ang repleksyon ko. Well...no choice na ata. Nakabihis na rin naman ako eh.

Simpleng maroon sleeveless dress lang ang suot ko na bumagay naman sa maputi kong balat. I let my hair as it is. Nag-apply na lang din ako ng manipis na make up. I forced a smile on my face and breathe.

Bahala na...

The sound of a car stopping outside brought me back to my senses. Kinuha ko na ang purse ko at lumabas ng kwarto. Nakasalubong ko pa si Mama na paakyat sa kwarto ko marahil para tawagin ako.

Mama looked at me and smiled proudly. "Oh my daughter! You are so pretty!" lumapit siya sa akin at hinawakan ang braso ko. "Halika na dun sa baba. Naghihintay na yung sundo mo" 

"Thank you po, Ma. Si Kuya po?" I asked. Nakababa na kami sa salas at nakita ko ang likod ng isang lalake na nandun sa may pinto. He's wearing a black suit at yung blond niyang buhok ay nakaayos na parang nilagyan ng gel.

"Nako, nauna na ang Kuya Lance mo at alam mo naman, susunduin pa nun si Janine." lumapit na kami ni Mama sa may pinto at humarap naman si Alexis. He's already smiling and it even became sweeter as he looked at me with such admiration.

"U-uh..." medyo nahiya naman tuloy ako dun sa paraan ng pagtingin niya. Bumaling siya kay Mama at nagmano. Syet naman.

"Tita! Alis na po kami ng maganda niyong anak" ngiting-ngiting sabi niya. I felt myself blushing. Si Mama naman mukhang tuwang-tuwa.

"O sya sige, iho. Nako iingatan mo yang anak ko ha?" bilin ni Mama. Tumango naman si Alexis at hinawakan na ang braso ko. Lumingon ako kay Mama at nagba-bye bago ako sumama palabas ng bahay.

"Ang ganda naman ng date ko. Haay. Bagay talaga tayo, Ms.Wendy. Syempre maganda ka tapos ako pogi" sabi niya na ngising-ngisi pa sa akin pagkatapos niya akong pagbuksan ng pinto ng kotse. I scowled at him.

"Psh. Ewan ko sa'yo, Alexis. Tara na" sagot ko naman at pumasok na rin ako sa loob. Tsk. Tsk. Nahawaan na rin ba ni Kuya 'tong si Alexis sa pagiging GGSS? As in gwapong-gwapo sa sarili?

Umikot naman siya at sumakay na rin sa driver's seat. Kumindat muna siya sa akin bago niya pinatakbo ang sasakyan. Hindi ko na nga lang pinansin.

I stared outside the car's window. It's been days after what happened but I'm still bothered. Si Eros...ang gulo-gulo niya. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang dahilan kung bakit niya ginawa yon. Why did he kiss me? Ano yun, trip niya lang?

Kase kung trip niya lang eh paksyet siya! Akala niya ba madaling lumayo sa kanya? Akala niya ba madali lang kalimutan ang feelings at mag-move on? Psh. Gago siya ah.

Bwisit na bwisit ako sa kanya dahil dun sa ginawa niya lalo pa't ayaw naman niyang mag-explain sa akin. Kaya ayun, sa inis ko napapayag tuloy ako dito kay Alexis. Isa pa kase 'tong makulit.

"Wag ka namang sumimangot, Ms. Wendy. Hindi bagay sa'yo" narinig ko na lang na sabi ni Alexis. Then na-realize ko na kanina pa pala akong nakasimangot. Psh. 

Hindi na lang ako umimik hanggang sa makarating kami sa Erindale. Bumaba muna si Alexis at pinagbuksan ako ng pinto. Inilahad niya ang kamay sa akin.

That Guy Named Eros (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon