"Date me instead"
Ay syet! Naloka naman daw ako dun sa tatlong salitang yon. Nakaka...nakaka...omg. Nakakahiyaaaaa!
Hindi ko alam kung ano bang dapat kong gawin, sabihin o i-react dun sa sinabi niya. Feeling ko nga bigla akong nabingi at ang tanging naririnig ko na lang ay ang tunog ng heartbeat ko. As in kahit wala akong counter, feeling ko biglang tumaas yung bpm!
Huhu nakakaloka talaga. Wala akong ibang maisip na gawin kaya ang ending? Edi ayun, nag-walk out ako! Flight kung flight!
Eh grabe naman kase! Nawindang naman daw talaga ako dun. Wala akong ibang choice kundi mag-save face. Ni hindi ko na nga naisip kung anong iisipin ng mga kaibigan ko eh. Pero...knowing them, for sure sangkatutak na kantyaw na naman ang aabutin ko.
Mas binilisan ko pa ang paglalakad hanggang sa makarating ako sa labas ng Erindale. Sakto pang biglang may dumaang jeep kaya dali-dali akong sumakay kahit parang wala ako sa sarili. Nang makaupo na ako napahawak ako sa dibdib ko.
Omg. Omg.
Bakit ba naman kase sinabi ni Eros yon?!
Ramdam ko pa rin ang pamumula ng pisngi ko at ang pag-iinit nito. Huhu bakit?! Hindi naman eto yung first time na may nag-aya sa akin ng date kaya bakit ganito ako mag-react?!
Pero wait. Argh. As if naman kase seryoso si Eros dun sa sinabi niya. Muntik ko na tuloy masapak ang sarili ko. Why did I even consider it?
Napailing-iling ako. Waaaa! Ayoko na! Nababaliw na ata ako!
"Ah...'neng. Ayos ka lang ba?" narinig kong sabi nung katabi kong matanda. Napatigil ako sa paghawak sa pisngi ko at dahan-dahang tumingin kay manang. Si manang naman ang weird na nung tingin sa akin. Baka mamaya akalain niya pang nababaliw na ako!
Awkward akong ngumiti. "A-ah...okay lang po. Hehe"
Hindi na ulit umimik si manang kaya tumingin na lang ako sa labas ng jeep. Mayamaya pa, napakunot ang noo ko at biglang nanlaki ang mata ko nang may ma-realized. B-bakit iba yung dinadaanan namin?!
Dali-dali akong bumaling ulit sa katabi ko at nagtanong. "Ahm...s-saan po dadaan ang jeep na 'to?'
"Ha? Aba eh sa plaza ang daan ng jeep na 'to, ineng!" sagot ni manang. Tiningnan niya ako na para bang ang weird ko bago niya ulit ibinaling ang tingin sa unahan.
Nanlaki ang mata ko at nanuyo ang lalamunan. Geez! Maling jeep yung nasakyan ko!
Kaya naman no choice ako kundi bumaba sa plaza. Grabe naman. Iba kase yung way ng papunta dito at papuntang village namin. Ayan tuloy napalayo pa ako!
Pagkababa ko dun sa babaan ng mga pasahero ay naglakad-lakad ako. Hindi ako madalas magawi dito sa plaza. Kumpara kase sa mall at dito, mas malapit yung distance ng mall sa Erindale at sa village namin kaya mas madalas na doon kami namimili at namamasyal.
Tumingin-tingin ako sa paligid. Ang ganda din pala dito sa plaza. May mga benches at maraming mga puno. Mas mukha nga siyang amusement park eh. Ang cozy ng place.
Tapos dun naman sa tabi may shopping center. May mga tindahan din na nagtitinda ng kung-ano ano. May mga pagkain pero mukhang meron ring parang mga souvenirs.
Naglakad ako papalapit dun sa mga shop kung saan may katapat na highway. Ang alam ko dito dumadaan ang mga sasakyan na dumadaan sa village.
"Tsk. Kasalanan niya 'to!" naiinis kong sambit. Kung hindi ba naman siya nagsabi ng kung-ano ano edi sana hindi ako nawala sa sarili at napunta dito.
BINABASA MO ANG
That Guy Named Eros (COMPLETED)
Teen FictionBeing left broken by her ex-boyfriend, Wendy Salazar opted to follow her friends' advice. That is-to move on. Pero ewan ba niya. Kahit anong gawin niya ay patuloy pa rin siyang nasasaktan. She's trying to forget and move forward but her ex being her...