"So ano Wends? Umiyak ka na naman?" bungad ni Tanya in a flat tone noong hapong iyon. Tapos na ang mga klase namin at ngayon lang kami nagkasama-sama. May mga inasikaso kase ang ilan sa amin kaninang lunch.
"Hoy Wends!" tawag naman ni Thea habang nakadungaw sa akin. Yung kanang kamay niya ay nakalagay sa baba niya habang ang isa ay nakapatong sa isang Science book na nasa table sa harap ng paikot na bench. Mukhang naiintriga siya sa nangyari sa akin ngayong araw kaya kahit ang pagbabasa ng lessons ay itinigil niya.
Eh ano nga bang nangyari?
"Uh...h-hindi ko kase napigilan..." mahina at dahan-dahan kong salita. Mayamaya pa, nakita ko na lang ang reaksyon nila na parang alam na nilang ganon ang mangyayari.
Napa-face palm na lang si Thea habang nailing-iling naman si Tanya. Parehas silang napalingon kay Meg na nasa tabi ko na parang nagtatanong ang mga mata. Napakamot naman ito ng ulo sabay kibit-balikat.
"Eh anong magagawa ko? Biglang sumulpot sa room yung Aila eh. Sakto pang sa harap namin nagyakapan. Ano pang aasahan niyong reaction ni Wends? Alangan namang magtatalon siya sa tuwa diba?" mahabang paliwanag ni Meg. Somehow, she's the one held 'responsible' for my acts dahil kami ang magkaklase. I felt bad for her and at the same time, I'm starting to hate myself. Bakit ba naman kase ang hirap mag-move on?
"Tss. Pag nalaman pa ni Flare na umiyak ka, for sur-"
"ANO?! UMIYAK KA NA NAMAN WENDY CLAIRE?!"
Halos mapatalon kami sa bench na inuupuan namin nang bigla na lang may sumigaw sa may likod. Sabay-sabay kaming napalingon at nakita namin ang nakabusangot na pagmumukha ni Flare Jane. Nako...naman.
"Utang na loob Saavedra. Pwede bang wag kang sigaw nang sigaw?!" Tanya bursted. Mukhang nabibingi na ata siya sa kakasigaw ni Flare. Napapatingin na rin sa amin yung ibang mga estudyante. Baka isipin pa nila maghahamon kami ng away. Ay mali. Si Flare lang pala.
"Eh kase naman eh! Parang tanga naman 'tong si Wends! Hindi na talaga maka-recover kay Travis?!" thankfully ay sabi ni Flare sa normal na boses bago umupo sa tabi namin. Pero grabe naman...
"Maka-tanga naman Flare..." sabi ko pero-
"Oh eh bakit? Totoo naman diba? What you're doing is plain stupidity, Wendy. May bago na si Travis. Kinalimutan ka na niya. Tapos ikaw? Anong ginagawa mo? Pilit mo pa ring iniisip na posibleng balikan ka niya. You're not letting him go kahit pa nauna na siyang bitiwan ka"
I fell silent after hearing her words. I'll admit they struck hard. Ang sakit pa lalo na galing sa kaibigan mo.
"Hey stop it! You're not helping naman eh!" Thea said seconds after. Pero hinawakan ko ang balikat niya kaya napatingin siya sa akin.
I swallowed the lump in my throat. I suddenly felt like crying...again.
"T-tama naman si Flare eh. Masyado na akong nagpapaka-tanga. S-sinasaktan ko lang ang sarili ko..." I said while wiping a single drop of tears on my cheek. Hindi ko namalayan na tumulo na naman pala ang luha ko. Haaay. Here comes old Wendy. Umiiyak na naman.
"...but what can I do? I...I don't know how can I move forward. Alam niyo namang..." I stopped to catch my breath. Everytime na napag-uusapan namin ang tungkol dito, wala eh. Nagiging emotional pa rin ako. Maybe that's how you deal with a broken first love.
"...alam niyo namang mahal na mahal ko si Trav. At hanggang ngayon umaasa pa rin ako na baka naguguluhan lang siya. Na baka isang araw...bumalik siya sa akin"
Huminga muna ako ng malalim bago ko muling pinunasan ang basa kong pisngi. C'mon Wendy! Tama na ang pagpapakatanga please! Kalimutan mo na siya...please...
BINABASA MO ANG
That Guy Named Eros (COMPLETED)
Novela JuvenilBeing left broken by her ex-boyfriend, Wendy Salazar opted to follow her friends' advice. That is-to move on. Pero ewan ba niya. Kahit anong gawin niya ay patuloy pa rin siyang nasasaktan. She's trying to forget and move forward but her ex being her...