Chapter 32 - Finals and a 'Goodluck'

2.7K 71 2
                                    


I've spent the entire three weeks reviewing for our final exams. Meron kase akong goal ngayon. Yung goal? Ano pa? Edi syempre mapataas yung rank ko!

Kainis kase. Everytime na tumitigil ako sa pagre-review, biglang nagpa-pop up sa isip ko yung sinabi ni Eros sa akin dati nung nilabas yung midterm results. Better luck next time daw. Sus. Porke't ang sipag niya mag-aral. Uh! Makikita niya. Tataas din ang rank ko!

Fighting!

"Wends, uy!"

"Ay Eros!" nagulat ako nang biglang may tumapik sa braso ko. Pagtingin ko ay nakita ko si Meg. Pero wait...ano yung sinabi ko?

Nakita ko ang biglang pagngisi niya. "Ayieehhh! Iniisip mo si Kuya Eros 'no? Hoy Wends, may exams tayo ha? Yung exams muna ang isipin bago si Kuya! Hahaha!" tawa niya sa akin. Napanganga tuloy ako.

"Ano ka ba?! Hindi ko iniisip si Eros 'no! I mean....yung sinabi niya yung iniisip ko pero hindi ko siya iniisip!" I shouted. Pero parang nalito ako sa sinabi ko. Yung sinabi naman talaga ni Eros yung iniisip ko eh! Pero...since siya yung nagsabi, edi ibig-sabihin iniisip ko rin siya? Huh? Ay ewan!

Napa-facepalm na lang ako. Meg's just grinning at me. Alam ko namang hindi siya naniniwala sa palusot ko...wait. Palusot? Argh! Nababaliw na ata ako!

"Hmm? Sige na, Wends. Kunwari naniniwala ako" sagot niya bago bumalik sa pagbabasa dun sa notebook niya. Nasa students' park kami ngayon at nagre-review para sa sunod naming exams. Ngayon na kase yung finals namin. Kanina, mga 2 hours ago nakapag-take na kami ng exams sa core subjects. May vacant kami ngayon then susunod na yung exams namin sa majors. Kinakabahan na nga ako eh.

Pinagpatuloy ko na lang din ang pagbabasa ko. Medyo nahihirapan ako dito sa FABM2. Nakakalito yung mga financial statements. Tapos yung sa Marketing naman puro principles and memorization. 7Ps of Marketing, parts of Marketing Research and Marketing Plan etc. Then yung Bus. Finance pa! Umiikot na yung paningin ko sa kaka-compute ng sales budget at production budget.

Ugh! Sino ba kaseng nakaisip na pagsama-samahin ngayong first sem yung tatlong majors? Ang hirap kaya!

Nang sulyapan ko si Meg nakita kong nakatingin siya sa phone niya. Tapos lumingon siya sa akin, ngumisi at tumayo.

"Tara sa library" aya niya sabay kuha nung mga gamit niya sa ibabaw ng table. Kinuha ko na rin ang akin at tumayo. Hindi ko na nailagay sa loob ng bag yung mga notebooks ko dahil naglakad na si Meg.

"Ba't pa tayo pupuntang library? Okay na naman dun sa students' park" sabi ko habang naglalakad kami. Maaliwalas nga dun sa park eh. Tsaka hindi pa naman masyadong mainit sa pwesto namin ah?

"Mas tahimik sa library. Mas makakapag-review tayo dun" simpleng sagot niya. Kaso ewan ko lang pero parang may kung ano sa sinabi niya. May hidden agenda ba 'tong si Meg?

Since nasa ground floor lang ang library kaya madali kaming nakarating. Pagpasok pa lang namin bumungad na agad sa amin ang tahimik na paligid at yung lamig galing sa aircon. Pumasok kami at naghanap ng mauupuan. Naglakad kami dun sa medyo dulo tapos bigla na lang akong hinila ni Meg papunta sa isang table.

May nakatalikod na lalake dun sa table na pupuntahan namin. Mag-isa lang siya at may mga notebooks at malaking ruler sa desk. Teka...don't tell me-

"Oy, Kuya!" pabulong na tawag ni Meg. Biglang lumingon sa amin yung lalake. Tsk. Tama ako. Si Eros nga.

Pumunta si Meg sa upuan na katapat ng kay Eros. Hindi ako sumunod nung una pero tumayo ulit si Meg at hinila ako paupo dun sa katabing upuan. Yan tuloy kaharap ko na si Eros ngayon. Napatingin siya sa akin.

That Guy Named Eros (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon