Chapter 6 - Hand On My Shoulder

4.3K 146 23
                                    


Break time. Nakahalumbaba akong nakatingin sa malawak na field habang nasa harapan ko ang drafts ng aming chapter 1 sa thesis. Sa akin ini-assign ni Meg ang paggawa nito pero hindi pa ako makapag-focus. Idagdag pa na kaharap ko ang barkada ngayon. Haaay.

"Pogi ba Wends?"

"Uy! Share mo naman!"

"Ano, may spark ba?"

Parang shot gun na sunod-sunod ang tanong ni Flare, Thea at Tanya sa akin habang may kanya-kanya silang nilalantakang snacks. Nakaabang sila sa akin na para bang may isang malaking tsismis akong dapat ibahagi sa kanila. Napa-face palm na lang ako.

"Ano bang pinagsasasabi niyo?" tanong ko sa pagmumukha ng mga babaeng nakadungaw sa akin. Seriously, ano bang iniisip ng mga 'to?

Tanya rolled her eyes. "Obviously, we're asking about Meg's cousin, Wendy"

"Uh-huh. So...anong meron sa kanya?" tanong ko ulit. Why are they so persistent? Uh!

"Sabihin mo na kase!" dagdag pa ni Thea sabay sipsip sa straw ng buko juice niya. "Uy Wendy naman!"

Inayos ko na lang ang nakakalat kong drafts at muling ibinalik sa folder ko. "Eh ano bang dapat kong sabihin? Seriously girls, are you pairing me up with Meg's cousin?"

I cannot believe this. Yun ba talaga ang nasa isip ng mga kaibigan kong 'to?

But then, I confirmed one thing when I stared at their guilty faces. So ano na? Ganoon nga ang iniisip nila?

Flare put her hands with smudges of Clover on my shoulder. Ngumunguya pa siya nang magsalita. Napaiwas na lang ako. Haaay nako.

"Alem mwoh Wnednz, mhas megenda na yowh kehysa magmuemuek ka diyaen kaey Traves" Flare said incoherently dahil nagsalita siya habang ngumunguya. Agad kong inabot ang buko juice na nasa harap ni Thea at iniharang ko sa pagmumukha niya.

"Flare naman. Inom ka muna, pwede?" I rolled my eyes at her. Kinuha niya naman ang iniabot ko at inubos sa isang inuman. Napabuntung-hininga na lang kami nina Thea.

Ke-babaeng tao pero muntanga kung kumilos. Haaay.

"Sabi ko...." she drank the remaining juice out of the plastic cup bago nagpatuloy sa pagsasalita. "...mas maganda na yung may iba kang magustuhan kesa naman magda-drama ka naman dahil sa Travis na yan"

The mere mention of Travis' name somehow ruined my mood. Medyo okay ako kanina dahil hindi ko siya nakita. Absent kase siya sa klase. Tapos ngayon naalala ko naman siya. Napayuko na lang ako.

"Tss. Yan na nga bang sinasabi ko eh" dagdag pa ni Flare Jane na hindi ko na lang pinansin. Mayamaya pa ay narinig namin ang paparating na boses ni Megan at mukhang kasama niya ata si Blaze. Paglingon namin ay nakita nga namin silang dalawa.

"Psh. May nakita akong freak" biglang bulong ni Flare na hindi nakaligtas sa pandinig ko. Napakunot-noo tuloy ako sa kanya.

"Ano-"

"Wala! Oy Meg! Kwentuhan mo nga kami dito! Ayaw magsalita ni Wends! Ang KJ!" sigaw na niya ulit pero napansin ko ang ginawa niyang pagsiring kay Blaze. Nang makita naman siya nito ay bigla na lang itong lumiko ng daan. May sinabi pa ito kay Meg.

"Geh kambal. Una na pala ako. May nakita akong tomboy eh. Ang sakit sa mata" sabi pa nito at tinapunan pa ng tingin si Flare. Eh paano ba naman kase, may suot-suot na namang boyish cap 'tong babaeng 'to. Tapos naka-bun pa yung buhok na tinatakluban nung cap. Wala ding make-up kahit konti. At yung paraan ng pag-upo niya? Kulang na lang ay itaas niya yung paa niya sa table.

That Guy Named Eros (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon