Time check. 8:30 am.
Nagmamadaling pumasok sa classroom namin yung class president namin na si Mica. Mukhang galing siya sa faculty dahil bitbit niya yung gamit nung next teacher namin. Sumilip muna siya sa labas bago agad na naglakad papuntang teacher's table, ibinaba ang mga gamit at agad na humarap sa amin. Her expression was a mixture of dread and excitement.
"ABM 2!"
Napatingin kami halos lahat sa kanya at napatigil sa pagdadaldalan. Kaso yung boys dun sa likod mukhang mga walang pake kaya nabato tuloy sila ng marker. Ouch.
"Boys! Baka may balak kayong makinig!" sigaw ni Mica. Panandaliang nanahimik ang boys pero mayamaya, siguro mga 50 seconds then balik na naman sila sa mga pinapanood nila dun sa likod. Shocks! Parang alam ko na kung anong pinagkaka-abalahan ng mga yon ah!
"Tsk! Bahala nga kayo!" nakabusangot na si Mica. Yan kaseng hirap pag president eh. Kaya wala sa hilig ko yan.
"Geh Mics. Spill" sabi ni Meg sabay subo ng hawak na bubble gum. Napabaling sa kanya si Mica at bumuntung-hininga. Tapos mayamaya bumalik yung pinaghalong ekspresyon niya. Napasulyap ako saglit sa katabi kong desk kung saan may nakapatong na mineral water. I casually get the bottle and opened it to drink. Ang tagal naman sabihin ni Mica!
"Yung...results ng midterms. Released na"
"E-ehem! Ano?!" halos maubo ako sa pag-inom nang marinig ko yung sinabi niya. What?! Yung results...released na? Kaya naman pala...
"Syet! Kinakabahan na ako!"
"Huhu! Feeling ko bagsak..."
"Paktay na..."
Halo-halo ang naging reaksyon ng mga kaklase ko na kahit pati ako ay bigla na ring kinabahan. My insides suddenly felt so queasy. Waaaa!!
"Mamaya pagdating ni Sir Morales ipo-post niya diyan sa bulletin yung mga scores natin sa lahat ng subjects. Then, sabi rin niya will be posted na rin ang top 10 ngayong midterms sa buong SHS." paliwanag naman ni Mica. Oh syet. Yung top 10 na sinasabi niya ay yung sampung nakakuha ng pinakamataas na scores ngayong midterms. Ba't feeling ko parang magiging katulad na naman nung last year?
"Oy. Ano na namang mukha yan Wends?" kulbit sa akin ni Megan. Nakasimangot at naka-pout akong humarap sa kanya. Tinaasan niya naman ako ng kilay habang ngumunguya nung bubble gum. "What now?"
"Eeehh! Ang daya kase! Iiwanan niyo na naman ako sa list!" naka-pout kong sabi. Paano ba naman kase! Last year silang tatlo nina Thea at Flare kasama sa dun sa top 10!
Tapos ako...
Meg shifted her gaze na para bang may iniisip. Mayamaya ay humarap ulit siya sa akin. "Hindi ka naman nag-iisa. Si Tanya din kaya"
Mas lalo lang sumama ang timpla ng mukha ko. "At least pasok si Tans sa top 15 diba?"
"Bakit? Ano nga uli rank mo last year? 19?" tanong pa ulit niya. Umiling-iling ako.
"29 not 19, Megan"
"Seriously?" mukhang nakuha ko na ang attention ng babaeng 'to. Kumuha muna siya ng pilas ng notebook sa katabing desk at iniluwa doon ang bubble gum. Pagkatapos niyang balutin ito ng papel ay inihagis niya ito sa malapit na trash can. Buti nga at nag-shoot bago makita nung teacher na saktong kapapasok pa lang sa room.
"Seryoso ka? Hala! Oo nga pala 'no?" pabulong ulit niyang tanong habang umaayos ng upo. Dahan-dahan naman akong tumango. Oo na. Ako na talaga ang pinakatamad mag-aral sa aming lima. Psh.
I scrunched my forehead at Meg who's rolling her eyes on me. "Ba't naman?" I asked pero sumenyas lang sa akin siya. Later.
Hindi masyadong nagklase yung teacher namin this period kaya medyo malaya kaming mangamba at magdaldalan sa results ng midterms. Syempre big deal din naman kase 'to sa amin. Major exam 'to and for sure, malaki din kahit papano ang effect ng results sa grades namin eh graduating pa naman kami.
BINABASA MO ANG
That Guy Named Eros (COMPLETED)
Fiksi RemajaBeing left broken by her ex-boyfriend, Wendy Salazar opted to follow her friends' advice. That is-to move on. Pero ewan ba niya. Kahit anong gawin niya ay patuloy pa rin siyang nasasaktan. She's trying to forget and move forward but her ex being her...