Chapter 10 - Not His Type...?

3.5K 131 26
                                    

If there is another thing na ikinaiinis ko sa ibang mga lalake bukod sa pagiging manloloko, iyon ay yung pagiging assuming. All along akala ko girls lang ang madalas mag-conclude ng mga bagay-bagay pero nang makilala ko ang pinsan ni Meg, I...was able to proved myself wrong. I can't believed na talagang ipinagdiinan niya na type ko siya!

"I can feel your stares, Miss" narinig ko na lang bigla ang boses ni Eros habang busy siya sa pagkalikot sa phone niya at nakaupo sa aming sofa. Geez! Hindi agad ako nakapag-react dahil aaminin ko na for the nth time, na-mesmerized na naman ako sa kagwapuhan ng boses niya. Kung hindi pa siguro kumunot ang noo niya ay hindi pa ako matatauhan.

In return, I scrunched my forehead too. "Come again?"

His lips twitched. Pagkatapos ay nag-angat siya ng tingin. Agad na sinalubong ng kanyang mga mata ang mata ko. "You've been staring at me for almost a minute now. You see, you're really not my type, Missy. Stop dreaming" sagot pa niya.

See? I couldn't believe na ganito pala kataas ang bilib sa sarili ng isang 'to. Oh c'mon! Halos wala pa ngang one month kaming magkakilala tapos ganito?! Aakalain niya na type ko siya?! Tsaka hindi ko kaya siya tinititigan!

Saglit kong ibinaba ang hawak kong bag sa katabi kong upuan bago ako huminga ng malalim. I have to calm down. Nasa pamamahay namin kami ngayon. Kanina kase matapos ang trip ko sa guidance office at ang pagtambay sa students' park ay dumating si Meg kasama ang pinsan niyang 'to. Yun pala ay may practice ang Before Dawn sa bahay. Yes. Sa bahay namin.

Actually, si Kuya Lance kase ang leader ng banda at meron siyang maliit na studio dito sa amin. Since mga bata pa kami ay hilig na talaga ni Kuya ang ganoong bagay kaya naman nung tumuntong siya ng 15 years old ay hiniling niya kay Papa na magpagawa ng mini studio.

At ayun na nga. Kaya pala siya kasama ni Meg kanina ay dahil nagbilin daw si Kuya Lance kay Eros na isabay na ako pauwi sa bahay namin. Turns out absent pala ang kapatid ko dahil may tinapos pa pala siyang activities maghapon. Tapos sabi niya daw, since papunta na lang din naman si Eros sa bahay, might as well sumabay na daw ako para may kasama ako pauwi.

At sumabay ba ako? Syempre hindi. Mukhang ayaw niya rin naman akong pasabayin eh.

Hindi ko tuloy alam kung dapat ba akong matuwa sa thoughtfulness ng kapatid ko o mainis kase dahil sa request niya, mukhang iniisip tuloy ng Eros na 'to na ako ang may pakana noon para makasama siya. Argh!

As much as possible ay gusto ko nang iwasan ang lalakeng 'to pero kung bakit kami magkasama ngayon sa salas ng bahay namin, yun ay dahil kay Mama. Ayaw kase akong paakyatin sa kwarto ko hangga't hindi pa lumalabas si Kuya. Wala daw kaseng kasama ang 'bisita'. Dahil mabait akong bata kaya sinamahan ko na. Kaso malapit nang magbago ang isip ko.

Huminga ulit ako ng malalim bago ko diretsong tiningnan ang kaharap ko. Nakatingin pa rin siya sa akin at hindi ko alam kung bakit parang may iba talaga sa mga titig niya.

"I would like to make myself clear, Kuya. Hindi po kita tinititigan..." saglit akong napatigil dahil sa pagtaas ng kilay niya. Mukhang hindi siya naniniwala sa sinabi ko. Pilit ko na lang itong hindi pinansin at nagpatuloy. "...Hindi po kita type. It isn't my fault kung laging nagku-krus ang landas natin. Isa pa...I just went through a heartbreak. W–"

"Eros! Nasaan sina Ian?" naputol ang balak kong pagpapaliwanag nang biglang sumulpot si Kuya sa likod. Mukhang galing sa studio niya at may bitbit pang tumbler. Nalipat tuloy sa kanya ang tingin nitong kausap ko.

"Papunta na raw. May mga klase pa sila kanina eh" sagot naman nito saka tumayo at binitbit ang gitara na noon ko lang napansin na dala niya. Pagkatapos ay naglakad na siya papunta kay Kuya papasok doon sa studio. Pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang saglit niyang pagsulyap sa akin bago siya tuluyang umalis.

That Guy Named Eros (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon