Chapter 30 - Hey, it's October!

2.9K 69 3
                                    

Nang ma-realize ko na October na kaninang pagbangon ko sa kama, parang mas tinamad tuloy akong pumasok. Why not? Sa amin kase, October equals finals and article deadline. Iniisip ko pa lang na one of these days ay ipapatawag na kami ng school paper adviser namin para i-excuse sa klase para sa articles ay naiinis na ako. Tapos mayamaya finals na. Wala na naman akong maisasagot kase wala ako dun sa discussion.

Tamad na tamad akong bumangon at naghanda para sa school. Nang matapos ako ay hindi na ako nag-breakfast. Maybe sa school na lang. Late na kase eh. Hindi ko na nga naabutan na umalis sina Papa at si Kuya Lance. Well, madalas naman na hindi ko naaabutan si Papa kase ang aga niya umalis. Parang tuwing gabi at weekends na lang kami nakakapag-bonding dahil sa trabaho niya. Tapos si Kuya naman...

Nga pala. Alam na ng parents namin na may girlfriend na siya. Syempre natuwa sila. First time ni Kuya eh. Big deal. Kaya siguro ang aga na rin niyang pumapasok sa school ngayon.

Dun na ako dumiretso sa terminal ng bus. Mas mahal yung pamasahe dito pero no choice na ako. Pag-akyat ko ay naglakad ako at inikot ang tingin sa kabuuan ng bus. Napabuntung-hininga ako. Punuan na naman.

"Hey" 

Nandoon na ako sa may malapit sa dulo ng bus para maghanap ng mauupuan nang biglang may nagsalita dun sa katabi kong upuan. Pagtingin ko nakita ko si Eros. Yeah, right. Si Eros na naman.

Wala siyang katabi dun sa may upuan na katabi ng bintana. He tapped the seat beside him and looked at me.

"Uupo ka ba o uupo?" tanong niya ulit sabay tingin dun sa may likod ko. Paglingon ko may ibang pasahero na pala at mukhang naiinis na sila dahil nakaharang ako sa daan. Yung isang babaeng mukhang office worker nga bigla na lang akong tinarayan. Hala!

"Miss, pwede bang umupo ka na?" the woman asked impatiently. Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa gulat. Balak ko sanang humingi ng sorry nang maramdaman kong may humila sa kamay ko papunta dun sa upuan.

"Sorry, Miss. Kinakausap niya kase ako" nagulat ako nang si Eros yung mag-sorry dun sa babae. Tapos yung babae naman, hala! Biglang nagbago yung mood? Ngumiti bigla?

"Ah that's okay" sabi nung babae tapos naglakad na. Ako naman, na-realized ko na lang na nakaupo na pala ako dun sa upuan at katabi ko na si Eros. Nang tingnan ko siya, nakatingin na din pala siya sa akin. He looked at me like I'm so stupid then he tilted his head.

Okay, what was that?

"Hmp. Kase naman..." pabulong kong sabi. Eh kung hindi ba naman niya ako kinausap edi sana naka-upo agad ako! 

"You're saying something?" nagulat ako nang bigla na naman siyang magsalita. Tapos nung tingnan ko siya nakapikit na siya at nakasandal dun sa upuan. Weird. Wala siyang suot na headset or earphones ngayon.

"Hindi ah..." mahina kong sagot.

Medyo napatulala ako saglit sa mukha niya. Pag ganitong mas malapit ako sa kanya, hindi ko maiwasang hindi mapansin ang features niya. Because...uh. C'mon! Hindi ko naman itinatanggi na gwapo talaga 'tong si Eros. Seryoso yan.

Ang tangos ng ilong niya tapos yung jawline ang ganda. Ang haba ng mga pilik-mata na tinalo pa yung akin. His brownish hair that looks so soft falls just above his eyes. Those eyes that seemed so mysterious. Yung tipong pag tumingin ka sa mga matang yon...parang ang dami niyang sekreto. His eyes can make you feel like drowning. 

He also has a fair complexion. Ngayon ko lang na-realize 'to pero parang may kamukha siyang korean idol. Papasa nga rin siyang model eh. Then...napababa ang tingin ko sa mga labi niya. I think it's naturally pinkish. Ang ganda din nung pagka-curve. Sayang nga lang at–

That Guy Named Eros (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon