Chapter 16 - First Time

3.2K 111 19
                                    


I was busy scrolling through my phone nang biglang may nag-pop up na notification. A new message. Nag-exit muna ako sa Wattpad app ko bago ko binuksan ang message. Galing pala sa kanya.

From: Annoying Eros

Where are you?

---

"Psh. Ano na naman bang trip ng lalakeng 'to?" bulong ko pa habang nagta-type ng reply. Eh kase naman! The last time na nag-text siya sa akin ng ganito at ni-replyan ko siya ng matino, nag-replyback ba naman ng 'Stay where you are. Don't come near me.'

Ang arte ni Kuya!

Pasalamat nga siya at natitiis ko yung ka-wirduhan niya at yung pagiging assumero niyang leche siya! Pero argh! Nakakainis na rin siya minsan eh. Ang sungit sa akin pero sa iba ngumingiti! Grabe!

Binura ko ang nauna kong iti-nype nang may kapilyuhang pumasok sa isip ko. Sometimes, the only way for me to stop myself from being totally irritated is to play along. Inis siya sa akin at sa presensya ko? P'wes mas iinisin ko siya!

To: Annoying Eros

Behind you. 😜

---

Hahahaha! For sure parang shunga ang isang 'yon kakalingon sa likod niya kung nasaan man siya. Hah! Bahala siya sa buhay niya.

Huminga muna ako nang malalim habang pilit kong pinipigil ang pagngiti. Ah. Nga pala. Mahigit isang linggo na ang nakakalipas nang isulat ng bruhilda kong kaibigan ang number ni Eros sa palad ko. Sabi niya kase kakailanganin ko daw yon sa gagawin kong pag-feature sa kanya. Though I don't actually see the point. Ano namang gagawin ko sa number ng Eros na yon?

But since hindi ako tinigilan ni Megan kaya ayun, I saved it in my contacts na din. Inisip ko na lang na baka nga kailanganin ko rin sa mga susunod na araw. And I did. Hehe.

More than a week na nung sinabi ko sa kanya na ako na yung magpi-feature sa kanya and since then, parang mas lalo niya akong iniwasan. Pero syempre hindi ako makakapayag. It's my task to document him and the band kaya malamang kailangan ko din silang sundan pag may free time ako. Isa pa, I already informed my brother about that at okay lang naman sa kanya at sa iba. Etong si Eros na lang talaga ang problema.

That's why nung hindi talaga siya magpakita sa akin sa campus ay ako na mismo ang naglakas-loob na mag-text sa kanya. Ewan ko ba. Simula kase nung nakausap ko siya nung time na yon sa bench, feeling ko nawala na yung hiya ko sa kanya. Hindi ko na nga inaalala na baka isipin niyang crush ko siya eh. I think I already made myself clear na naman.

Nakatayo na ako sa kinauupuan kong bench sa students' park nang tumunog ulit ang notif ng phone ko. Napangisi ulit ako. Nag-reply siya. Haha.

From: Annoying Eros

You're really annoying, u know that?

---

"Wow. Ako pa talaga ang annoying" bulong ko habang nakataas ang kilay pagkabasa ko dun sa reply. Eh siya nga 'tong ang arte-arte. Na-explain ko na naman sa kanya ng maayos pero pabebe pa siya. Tss. Feeling ko talaga may problema yun sa akin eh.

Hindi na lang ako nag-reply at naglakad na paalis. May mga klase pa yung tatlo tapos si Meg naman ay absent. May sakit. Ewan ko nga kung sinong nag-aalaga dun eh. Pumasok si Blaze kase nakita ko kanina. Hindi ko naman alam kung nasa kanila yung parents nila pero malamang sa malamang ay wala. Siguro naman nandoon yung iba niyang pinsan.

Free cut kami sa last subject kaya ako nandito sa labas ng building ngayon. Ayoko din namang mag-stay sa loob ng classroom tsaka baka pagala-gala na din yung iba kong classmate. Tsaka...ano eh. Nasa room pa kase si Travis.

That Guy Named Eros (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon