A week before August nang magpatawag na ng meeting ang aming school paper adviser. Malapit na kase ang first release ng issue ng ED Scribblers kaya kailangan na ring masimulan ang mga articles. Two times kase kami magre-release ng issue per year. One per sem.Inuunat-unat ko ang braso ko habang naghihintay sa iba pang staffers. Nasa office kami ngayon at katabi ko sa upuan si Thea at Flare. Sa WeGirls, kaming tatlo lang yung sumali sa screening last Grade 11 kaya kami lang din ang member ng school publication. Wala kaseng hilig sa ganito sina Tanya at Meg.
"Posha. Pa-VIP pa sila ah? Kita nang naaabala tayo sa klase" nakasimangot na bulong sa akin ni Flare. She's pertaining to those staffers from college department na halos 20 minutes nang late. Well, hindi ko naman masisisi si Flare kung naiinis siya. Eh kase naman. Sayang na yung 20 minutes na dapat nasa klase kami!
Thea butted in. "Girls, 'yaan niyo na. May mga klase pa siguro ang mga yon." sabi naman niya. Hindi na lang ulit kami umimik.
Iisa lang kase ang school paper/university magazine ng Erindale. Magkasama na don ang pang-senior high at college kaya naman ang buong publication team ay pinaghalong college students at senior high schools. Pero syempre, yung higher positions ay okupado ng mga mas nakakataas.
Isa akong photojournalist/feature writer samantalang si Flare naman ay broadcaster. Thea on the other hand, is an editorial writer. Sabay-sabay kaming nag-undergo ng screening last year at fortunately, sabay-sabay din kaming natanggap. Kaso...yun nga. Ngayong year sana wala na akong balak magpaka-active eh. Kundi lang dahil-
Biglang bumukas ang pinto at sunod-sunod na pumasok ang mga college staffers. Walang pasabi silang umupo sa mga bakanteng silya at naglabas ng mga envelope. Ba't parang may mga articles na agad sila?
I stared at them for a while. Kahit sina Thea at Flare ay ramdam kong tinitingnan din sila. Kahit pare-parehas kaming mga estudyante ng Erindale ay makikita pa rin ang distinction dahil sa pagkakaiba ng mga uniforms namin. Kung ang sa amin ay maroon pleated skirt at white long sleeve blouse and maroon vest, ang sa kanila naman ay maroon skirt, white blouse and navy blue uniform blazer. Yun kase yung trademark color ng Erindale. Maroon and blue.
Lahat din sila naka-high heeled shoes. That's for girls. Yung sa boys naman, walang masyadong pinagkaiba kundi yung kulay ng vest. Maroon for senior high and navy blue for college. Kaya nga madali kong na-realize na college student na pala si Eros dahil sa uniform niya...
Wait, ba't ko ba biglang naisip ang lalakeng yon?
I shook my head. Psh. Oo na. Bagay kase talaga sa kanya yung uniform niya.
"Oy, Wendy. Diba sabi mo nga pala ayaw mo nang magpaka-active sa publication this year? Hassle sabi mo?" asked Flare. Napalingon ako sa kanya at kita kong na-curious siya bigla. Oo nga pala. Hindi ko pa nasasabi yung tungkol sa 'punishment' sa akin dun sa pagtakas ko. Kung punishment ngang matatawag yon.
"I was given a task. I'll document BD" simpleng sagot ko. Narinig ko naman ang pagsinghap ni Thea na nakikinig pala sa amin.
"Really? Paanong i-document? Sabagay hindi na nga masyadong nae-expose ang Before Dawn ngayon" sabi niya naman. Nagkibit-balikat na lang ako. Malay ko ba kung paanong gagawin ko. Ano yun, susundan ko sila every practice?
Medyo nag-iisip pa ako kung anong dapat kong gawin nang makita ko ang dahan-dahang pagsilay ng ngiti sa labi ni Flare. "Ehem! Alam na..."
Kumunot ang noo ko. "Flare ha. Kung ano-ano na naman yang tumatakbo sa isip mo. Tigilan mo 'ko ah" banta ko sa kanya. May something kase sa ngisi ni Flare eh. Alam mong may ibang iniisip.
![](https://img.wattpad.com/cover/134743439-288-k227316.jpg)
BINABASA MO ANG
That Guy Named Eros (COMPLETED)
Teen FictionBeing left broken by her ex-boyfriend, Wendy Salazar opted to follow her friends' advice. That is-to move on. Pero ewan ba niya. Kahit anong gawin niya ay patuloy pa rin siyang nasasaktan. She's trying to forget and move forward but her ex being her...