Eadselle Jaak Sellozzo
Chapter 1: Ruthlessly Beautiful
🏇"I have found the one whom my soul loves..." gumuhit ang malapad na ngisi ni Bacon, isa sa mga pinsan ko habang hinahagod ng tingin ang kabuuan ng kwaderno. "Lalim... tss."
"Where did you get this?" tanong ni Alf, isa ko pang pinsan na nakibasa na rin para maki-usyuso.
"It's Ame's." tipid kong sagot habang pinagmamasdan ang kalahating parte ng aming rancho.
"Uh-huh? Kung makapagsulat nito para namang marami nang karanasan!" naghahalo ang aliw at pagiging sarkastiko sa kanyang tono, hindi na 'ko nag-aksayang lingunin siya.
"Siguro nga mayr'on na, palaging mga lalaki ang laman ng usapan nila nina Hope. Ayos sana kung gwapo nga sa personal, ang problema nga lang, mas gwapo pa ang tigyawat ko sa mukha. Very disappointing," hagikhik ni Alf na sinabayan din ni Bacon, ngayon ay pinag-uusapan na 'yong mga lalaki nina Hope para kutyain. Mga ulol talaga.
"Pero kahit may itsura pa ang manligaw kay Ame, bruh, kahit mula pa sa mayamang pamilya, gigisahin ko muna. Whoever dares to court and take advantage of the only girl in our lineage, he has to deal with me first." ngisi ni Bac.
"Even with his pure intentions, I'll still have him killed," segunda ni Alf na natatawa.
Possessive bastards. Magrerebelde tuloy ang batang 'yon. Tss. Pero... sa batang edad ni Ame, ayoko rin munang makarinig ng ligaw-ligaw sa kanya. She has to reach thirty first, before I let her be. Tss.
Imbis na makisali sa walang kwentang usapan nila, tahimik kong pinagmasdan ang ilang parte ng aming lupain. Even if I was used to seeing those immense trees, pastures, and paddocks, I still couldn't help being amused. This place had been bringing me such pristine feels each time I wander my eyes around the nature designed intelligently. I remembered the first time I arrived in here, it had to take me about ten days before I get to roam around our whole land.
Ang paborito kong lugar dito sa rancho ay 'yong nasa may bandang kanluran, gubat na. Tinatahak pa namin ang matalahib na daraanan para makapunta sa talon kung saan madalas kaming maligo. It was still a part of our land. Kaya tiwala kaming iwanan ang aming kabayo o sasakyan sa bukana lamang ng gubat. Nakapalibot naman sa buong lupain ang aming mga trabahador kaya mayroon pa ring magbabantay.
I narrowed my eyes when the sun's ray hit my eyes so I shifted on my seat a bit. Kanina pa kaming tatlo rito sa patio at kanina pa rin nila akong niyayayang pumunta sa bayan. Ilang beses na akong tumanggi, sadyang hindi lang makaintindi ang mga tukmol na 'to. Kasing laki lang yata ng kuko ko 'yong utak ng mga 'to. Tss. Lalong-lalo na itong si Bacon na matalino lang kapag kagaguhan na ang pinag-uusapan.
"Eadselle, it's damn weekend! H'wag mong sabihing magpapakabulok ka lang dito sa mansyon buong araw!" reklamo ni Bac, ngayon ay isa-isa nang pinipilas ang bawat pahina ng kwaderno.
"Oo nga. 'Tsaka bago 'to sa'yo, ah. Dati ikaw pa itong nangungunang magyaya." segunda ni Alf na alam kong nakatingin na sa'kin gamit ang nakakalokong tingin.
"Naghihintay na sina Erous doon, kaps! H'wag kang paasa," hagalpak pa ni Bac.
Niyaya kasi kaming maglaro ni Erous ng basketball ngayong araw. May pustahan, ako pa ang kinausap ng isang 'yon tapos umuo ako. Kung hindi lang sana malalim ang rason ko sa pananatili rito sa mansyon, baka kanina pa ako nangunang sumibak doon kahit na hindi ako gan'on kagaling pagdating sa basketball.
"Sira ang sasakyan ko," tamad kong sagot sabay libot ng mata sa paligid.
Our workers were busy feeding the horses and other animals. Napaisip tuloy ako kung napakain na ni Mang Chuchu ang kabayo kong si Severus. Hindi pa naman maganda ang pakiramdam n'on simula pa nitong nakaraang araw.

BINABASA MO ANG
It Had To Be You [CBS#1]
RomanceCOMPLETED - R18 "...Because even if you're rude. Even if you're mean. Even if you're a brat. I'm still so damn attracted. What can I do? It had to be you." -EADSELLE JAAK SELLOZZO