EIGHTEEN

2.5K 90 14
                                        

Chapter 18: Happy

Pinagmasdan ko sina Kuya Montressor at Kuya Gaston na kabababa lang sa mga kabayo nila. May nakasunod sa kanilang mga tauhan, nakasakay sa maliit na truck. Mayroong kargang kung ano sa likuran. Nagtipon-tipon na rito sa backyard ang mga pinsan ko. Tumabi sa akin si Thaddeus at si Alf, may dala na ring kape. Sa tapat naman namin ay si Ame at Rajah. Sina Bacon, Rufus, Perrie, at Ve naman, abala sa pagsasampay ng mga pinaglabhan nila.

We got used to doing our own laundry. Since we are living in this ancestral house altogether, mahigpit na bilin nina Kuya Montressor na matuto kami sa mga gawaing bahay nang hindi dumedepende sa mga kasambahay. We learned how to do simple household chores, and even some labors that are connected to plantation and ranch management. Kung mag-iinarte lang kami sa mga hands-on na trabaho, then that means we don't deserve to live with them. Hindi rin namin hinahayaan si Ame na lumaking walang alam sa mga gawaing bahay.

Yes, we are fond of spoiling her but we still see to it that she will learn these simple things at least. Si Rajah naman, hindi sakit sa ulo. He volunteers helping us out with these kinds of labors. He is persistent in acquiring such farming skills, too. I can already perceive that he won't really have a hard time dealing with the realities of life. Even if he is the youngest among the Sellozzos, he never used it as an excuse to exclude himself from doing the household chores. Hindi rin mahilig sa pera at hindi gastador.

Tumayo ako at lumapit sa truck para makatulong sa mga tauhan namin. Iilang sako ang karga n'un, may mga lamang bunga ng niyog. Hinubad ni Alf ang t-shirt at tumulong na rin sa pagbababa ng mga naani ng aming mga pinsan.

"Puno ng putik 'yung gulong!" puna ni Thaddeus at sinuri ang gulong ng truck. Nag-ala submarine sa kaputikan.

"Maputik masyado roon. Halos lumibing ang paa namin, buti at nakapagsuot kami ng bota bago magtungo roon." ani Montressor saka kinausap saglit ang isang tauhan para mautusan. Nakaipit na ang kulot nitong buhok.

"Marami pa ang bunga sa bandang timog, wala pa kaming kalahati." si Kuya Gaston sabay tanggal ng relo at inabot kay Rajah para makapaglinis ng katawan sa may balon.

Marumi rin ang mga maong nila na pati t-shirt na akala mo nag-swimming nang mabuti roon. Pati mga mukha, medyo may bahid pa ng putik. Nagtataka tuloy ako sa pinaggagawa nila roon. Mukhang umabot talaga sa tuktok ng mga niyog ang putik, ah.

"Ugh! Freshly picked coconut! Gusto ko n'yan." nakangising sinabi ni Ame at umambang tatayo para kumuha ng isang bunga kaso naunahan na ni Rajah.

"Ako na, ate. Just stay here. Ako na rin ang magbabalat." ani Rajah sabay tungo kay Kuya Gaston na naroon na sa may balon, nililinisan ang bota na punung-puno rin ng putik.

"Ayos! Kukuha lang ako ng asukal sa loob." nakangising deklara ni Bacon nang makitang nagsisilapit na sina Perrie para tulungan kami sa pagbaba ng mga sako mula sa truck.

Napasimangot kaagad kami. The jerk is choosing a lighter work. Sumunod pa si Ve sa kanya na ang rason naman, kukuha daw ng ice cube. Iba talaga kapag mga tamad. Pinapakalaki lang ang ibabang parte ng katawan, tss.

"Nag-aya nga pala si Erous sa kanila, may kapustahan na naman sa basketball. Nakiki-team up sa'tin." untag ni Alf.

"Hmm, punta tayo. Matagal-tagal na rin nang huli tayong dumayo sa sentro para maglaro." sagot ni Perrie sa kapatid.

That's true. We used to do that during the last few years. Kaso naging abala na kami sa kanya-kanyang bagay kaya dumalang na ang pagbisita namin sa kanila. Kahit si Thaddeus na gustung-gusto ang pagbi-billiard, minsan na lang din makapunta roon. Tinatamad na raw ang loko-loko. If I know, he is just busy with a girl who is studying at some sort of Catholic school.

It Had To Be You [CBS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon