ELEVEN

2.1K 76 6
                                        

Chapter 11: Intensely in love
🏇

Inayos ko ang suot na relo habang hinihintay si Ame na bumaba. Kanina pa 'yon sa kwarto, isang oras na yata. Simpleng puting v-neck shirt lang ang suot ko at black jeans na pinaresan ko ng snickers. Alam kong hindi baduy kaya hindi ko alam kung bakit nakakaputangina ang mga titig sa'kin ni Alf at Bacon, isama pa ang bugok na kambal at si Rufus. Iba-iba ang suot na reaksyon pero pare-parehong nagmumukhang mga tanga. Tss.

"Bai, sa inyo na kaya ako sumabay?" nakangising sinabi ni Rufus nang maupo ako sa couch.

Itinagilid ko ang ulo at nginisihan siya nang nakakaloko. "Bakit, hindi mo kayang mag-enroll mag-isa? I thought you are smart like what you always claim. Hmm, patunayan mo na ngayon."

"Aw! That's quite mean, bruh!" segunda kaagad ni Alf na sinabayan ng halakhak ng kambal.

Laglag ang panga ni Rufus saka pinukol ako ng masamang tingin. "Fuck you, bruh."

Humalakhak si Bac at tumabi sa nag-aalburuto naming pinsan. "Ako naman kasi ang sasama sa'yo, 'di ba? Magaling kaya akong mag-enroll. Natatamad lang ako kaya nagpapasabay ako kina Alf at Eadselle."

Hindi na ako sumagot pa nang mamataan ko si Ame na pababa na ng hagdan. Kinulot ang ibabang parte ng buhok, may guhit sa kilay at mata, tapos pula pa ang mga labi. Nakita ko ang butok sa unahan ng damit para ipakita ang kaunting balat sa tiyan. What the fuck? May boyfriend na ba 'to? Malaman ko lang kung sino, talagang bubugbugin ko.

Nakita ko pa ang pagbabago ng reaksyon nina Rufus at Bacon. Mula sa pagtatawanan, unti-unting kumunot ang noo ni Bac. Didn't know that the asshole is damn conservative.

"Ame, sa akin ka sasabay. Dadaan muna tayo sa sastre." seryusong utos ni Bac dito.

Kinagat ko ang ibabang labi para pigilan ang ngisi nang kumunot ang noo ni Ame at inilapag ang bag sa unahan ko.

"Huh? Bakit naman sa sastre? Kay Eadselle ako sasabay, Bac. Ayoko sa tatanga-tangang mag-enroll 'no!" she rolled her eyes.

Humalakhak ako nang unti-unting magdilim ang mukha ni Bac. Tumayo pa at tinanggal ang butok sa damit ng pinsan naming babae. "Kinukulang ka sa tela! Kuya Gaston will definitely know about this, Ame." banta pa nito.

Sumimangot si Ame at hinawi ang kamay ni Bac. "Stop it, Bac! Ikaw itong isusumbong ko kay Kuya Montressor na namimigay ng condom kay Rajah!"

Tumayo na ako at hinila si Ame palapit sa'kin. "If that is your style, Ame, then wear something like that. Pero kapag malaman kong may pinapagandahan ka..." sinadya kong putulin ang sasabihin.

Rufus laughed mockingly. "Pupugutan ko 'yon, lakas ng gagong man-trip ng isang Sellozzo."

"Fuck you all! Sabing hindi ako pinaglalaruan!" Ame barked angrily and stormed out of the living room.

Ngumisi ako at tinapik si Bacon na nakangisi na. "Seryuso mo kanina," puna ko.

"Tang-ina kasi, nambobobo pa. Nakakaasar. Para rin naman sa kanya itong ginagawa natin. Kapag may manghipo d'yan, wala na akong pakialam. Tss!"

Umiling na lang ako at nakapamulsang sumunod kay Ame na siguradong naghihintay na sa labas ng garahe. Naabutan ko pang nakahalukipkip, nakasimangot habang kinakausap si Perrie na matamang nakikinig sa kanya.

"He is so annoying! It's like wearing this clothes is a sin! Isusumbong pa ako kay Kuya Gaston! And they are so confident that every time someone courts me, I am only completely being toyed!"

It Had To Be You [CBS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon