THREE

3K 113 9
                                        

Chapter 3: Get Lost
🏇

Kapapasok ko pa lang sa loob ng court nang nakita kong nagsisimula na sa pagsasanay ang mga ka-co-players ko. Kaya pala marami nang mga studyante rito sa tennis court, kanina pa pala nagsimula sina Coach. Kumalat na rin sa iba't ibang parte ng lugar ang mga pinsan ko kasama ang mga babae nila. Humanap ako ng puwesto sa pinakailalim na parte ng bleachers at tamad na inilagay ang backpack doon.

"Eadselle! Huli ka na naman! Susunod ka na!" sigaw ni Coach habang kinukuha ko ang racket sa bag. Kalaro niya ang isa pang table tennis player ngunit nagawa pa akong punain.

Saka na ako tumayo para maghanda nang mahulaang malapit nang matapos ang practice nila. I rolled my shoulders and clicked my neck. Napapikit ako nang medyo nakaramdam ng pagkahilo. Tangna, naparami nga ang inom ko kagabi. Hindi ko masyadong maalala ang ibang detalye kaya nagdadasal akong hindi sana ako pinagkaisahang gawan ng kalokohan ng mga pinsan kong abnoy.

"Kaps!" tawag sa'kin ni Bacon, nakabalandra na naman ang ngisi.

May kasamang babaing morena, matangkad at mahaba ang tuwid na buhok. Bumaba ang mata ko sa kamay niyang humahaplos sa hita n'ong babae. The side of my lips rose. Tinanguan ko siya nang tingnan niya ako nang makahulugan.

He's boosting his girl to me. That made me chuckle a little. Paniguradong tinutukso na nila ako ngayon dahil hindi ako makaporma sa mga babae. I was too occupied with my training. Dito magaganap sa aming campus ang SQUAA. Isang kompetisyon ng mga athletes na nagmumula pa sa iba't-ibang lugar na malapit dito sa El Camarico. The aim of the school, our coaches, and the varsity athletes was to nail all rounds for the golds. Kaya naman nitong mga nakaraang araw, sunud-sunod ang naging pagsasanay namin.

I've been into sports eversince I was still in elementary. Sa lahat ng panlalaking sports, itong table tennis ang nakakuha ng atensyon ko. Ngayon, naisip kong nakakapagod na ring sumali sa mga ganito kaya naman plano ko nang tigilan 'to sa susunod na semester.

"Eadselle..." a soft voice caught my attention.

In front of me was a small lady. Chinita at talagang maputi. Matangos ang maliit na ilong, pula ang pisngi. She was wearing her uniform and it looked good on her. Kung nandito si Perrie, paniguradong magkakandarapa agad 'yon sa babaing to.

"Hi." I greeted as I licked my lips. Unti-unting naglaro ang multo ng ngisi sa labi ko nang makita kung paano pumula ang magkabila niyang pisngi.

Kung ganito ka lang sana, Blaise... tss!

Kung kasali ka man sa mga pipila sakin, hindi nga kita dadaanan ng mata ko. You don't have even the littlest drop of chance in me, Eadselle.

Get that cruel girl off your mind, Ead!

"May kailangan ka?" tanong ko, nahagip ng mata ko si Bacon na nakatingin sa'kin. Mas malapad pa ang ngisi kaysa kanina.

"Uh, uhm... kaklase kasi kita sa minor subject ko. Napansin kong wala ka kanina roon, may homework tayo. I just thought of informing you so I dropped by." Pinaglaruan niya ang mga daliri habang nagsasalita.

Tumagilid ang ulo ko. Why does she care? Hindi niya naman kargo kung hindi ko malalamang may homework kami. Unless... hmm. An idea played on my mind as the side of my lips playfully lifted. Humakbang ako palapit sa kanya. I saw that she got bothered a bit, that made me grin.

"Hmm, homework..." pinaglaruan ko ang ibabang labi. "Wala ako sa discussion kanina, mind giving me a free tutorial about the lesson?" nakangisi kong sinabi dahilan para bahagyang manlaki ang kanyang mata.

"Uh... s-sige. K-Kailan mo gusto?" halos nangapa pa siya ng sasabihin, lalo akong napangisi.

Shit, Blaise... sa kabila ng lupit mo ikaw pa rin ang naiisip ko. Have I gone mad over a girl who only treated me like a trash?

It Had To Be You [CBS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon