Chapter 14: The beloved or the lover?
"Are you sure that you are free tonight, Ead? Ayos lang naman sa'kin kung sa school na lang tayo magkita bukas." sabi ni Lucasta sa kabilang linya.
It has been three days since I last saw her. Nagkakaroon kasi sila ng research paper para sa kanilang major subject. The locale of their study is in her classmate's hometown, tatlong oras pa ang biyahe patungo rito sa El Camarico. Tatlong araw na silang nagsu-survey roon kaya kinailangan nilang manatili sa naturang lugar. Kaninang alas sinco lang siya nakabalik dito.
She texted me that she already arrived at her boarding house. Malayo kasi ang tinitirhan niya sa unibersidad ng El Camarico kaya kinailangan niyang mag-board nang hindi gumagastos nang malaki sa pamasahe.
"I'm free tonight. Saka gusto kong bumawi dahil hindi kita nasundo kanina sa terminal." mataman kong saad at pinunasan ang buhok ng tuwalya. Katatapos ko lang maligo nang eksaktong tumawag siya sa akin. Mabuti't nakapag suot na ako ng boxers.
"H'wag mong isiping nagtatampo ako, Eadselle. Ayos lang talaga. Isa pa, kasalanan ko rin naman dahil huli na nang nakapag text ako sa'yo."
That was the reason why I like her. She was matured. She was very different from those nagging girls I used to flirt with. She was not also demanding. Hindi nanghahawak sa leeg tulad ng ibang babae. Pinapayagan niya akong gawin ang mga gusto ko ngunit tama lang na nagpapaalala sa'kin sa mga limitasyon ko. Hindi rin selosa sa mga babaing minsan ay nagtatangkang lumapit sa akin. Before ranting, she always sees to it that she will hear my side first.
Kaya naman hindi na ako nagtataka kung bakit halos mag-iisang buwan na kaming lumalabas-labas. We make out at her place sometimes but she knows her limitations. At 'yun ang gusto ko. Hindi tulad ng ibang naka-date ko na sobra kung makapang-akit, akala mo atat nang mangpikot sa kadahilanang nabuntis ko sila. Too bad they cannot trick a Sellozzo. We play the game better. No one could ever dodge us.
"I want to see you, Lucasta." seryuso kong turan na tila 'yan lang ang paraan para pumayag na talaga siya.
Napangisi ako nang marinig ang pananahimik niya sa kabilang linya bago sumang-ayon. "S-Sige. I will just p-prepare. I will text you once I am finished. See you!"
"See you,"
Ibinaba ko ang cellphone at binuksan ang aircon nang malingunan ko si Ame na nakatayo na sa may hamba ng pinto ng aking kwarto. My brows immediately furrowed as I lazily took a fine shirt from my closet.
"Anything you want?" tamad kong tanong habang isinusuot ang damit.
She slowly walked towards my bed while holding some pieces of white papers. Ni walang suot na tsinelas, tanging pajama lang. Magulo rin ang buhok. What the heck is wrong with her? May sakit ba 'tu?
"Magpapaguhit sana ako nung three pillars of Greece para sa subject kong Humanities." malumanay ang boses at nagmimistulang kuting na nagmamakaawang pakainin ng kanyang amo.
'Yan na nga ang sinasabi ko, marunong lang humingi ng pabor pero labis kung makapanakit.
"I know nothing about it." suplado kong sagot at ibinalik ang hanger sa closet.
S'yempre pamilyar ako roon sa ipinapaguhit niya. Dumaan din ako sa subject na 'yan n'ong first year college ako. That was one of the minor subjects I took up. Naalala ko pa kung paano kami napasubo nina Alf at Bacon na sumasayaw-sayaw sa harapan ng maraming tao na naka-boxers lang at may costume na isda sa itaas na parte ng aming katawan.
BINABASA MO ANG
It Had To Be You [CBS#1]
RomanceCOMPLETED - R18 "...Because even if you're rude. Even if you're mean. Even if you're a brat. I'm still so damn attracted. What can I do? It had to be you." -EADSELLE JAAK SELLOZZO